CHAPTER 06

10K 347 49
                                    


May nakita ko kanina yung pampanga's best sausage hotdog. gagi, wala lang damay-damay tayo😂 naalala ko lang.



"H-hoy t-tigilan mo nga ako Clark ha! Hindi ko alam yang pinagsasabi mo!" Nagka-bulol bulol na sabi ko sa kanya. Nakakahiya!

Naglakad ang binata ng ilang hakbang papunta kay Princess hanggang sa makorner niya ito sa pinto. "Sabi mo at sabi ng mga kuya mo wala ka daw boyfriend so kanino mo ginagamit yang upuan na yan?" Tanong niya, he's one hundred percent sure that chair is what you called tantra chair! May ganon si Marcus sa loob ng opisina nito at akala niya ay simpleng upuan lang pero hindi pala dahil sabi ni Bullet sa kanya ay ito nga daw ay pleasure chair din kung tawagin.

"W-wala naman talaga kong boyfriend, nanliligaw marami pero boyfriend wala. Tsaka oo nga! Tantra chair nga yan pero hindi ko binili yan no dahil binigay lang sa akin yan!" Paliwanag ko naman, buti pa si Clark nakaligo na kaya hindi na siya amoy alak. Sana all..

"Still, wala ka dapat ganyan dito. Now I wonder kung may ibang tao ang pumapasok dito sa bahay mo o dito sa kuwarto mo." Sabi pa ni Clark.

Tumaas naman ang kilay ni Princess at tiningala si Clark. Bakit ba parang kailangan magpaliwanag pa siya dito? Like halerrr bahay niya naman ito!

"Magpapasok man ako ng kahit sino dito sa bahay ko ayos lang yon dahil bahay ko naman ito."

Nagkibit balikat agad ang binata at pumaweywang sa harap ni Princess. "Siguro pero habang ako ang personal assistant mo wala kang tatanggapin na ibang tao dito maliban sa mga kuya mo."

"W-what? Are you insane? You're just my personal assistant Clark at dapat hindi mo pinang-hihimasukan ang personal kong buhay." Sabi ko sa kanya sabay tulak.


"Let see, bilog ang mundo Princess, malay mo hindi lang pala ako magiging personal assistant mo." May pang-aasar sa boses na sabi ni Clark.


"Tumigil ka nga Clark, hindi nakakatuwa. Hindi kita papatulan okay?" May sigurado sa boses na sabi ko sa kanya, he need to know that our relationship as a boss/personal assistant have limit na ako pa din ang masusunod sa aming dalawa.

"Okay, sabi mo eh. Sige goodnight." Ani ni Clark na parang nasaktan sa sinabi ng dalaga.


  Day passed, kung dati ay nag-uusap pa sila Princess at Clark habang magkasama ngayon naman ay hindi na. Kung kakausapin man siya ng binata ay tungkol lang sa trabaho o di kaya naman ay tatanungin siya nito kung may ipapag-utos ba siya o wala. Now Princess felt sorry on what she said to him few days ago, pero syempre dahil mataas ang pride niya hindi siya mag-sosorry kahit anong mangyari!


"We're here.." basag ng binata sa katahimikan ng makarating sila ng Manila.

"Okay, pakuha na lang ng mga gamit ko." Tipid na sabi ko naman sa kanya. Meron kaming getaway together this weekend at sasakay nga kami sa barko ng kuya Maximum ko na siyang nagmamay-ari ng Gallego shipping lines.


"Okay.." matapos maiparada ng maayos ni Clark ang sasakyan ay kinuha niya na ang isang maleta na dala ni Princess. Overnight lang naman ang pupuntahan nila pero bakit parang ang dami naman nitong dala? Isinara niya ng maayos ang compartment ng sasakyan ganon din ang mga pinto bago sinundan ang dalaga na nauna ng naglakad sa kanya. She's right he don't need to meddle her personal life that's why he's distancing his self to her this past few days and he all care now is about his work.


   Masayang binati ni Princess ang mga kuya niya na naroon na pag-akyat niya ng barko. Alam niyang ayaw ng mga ito na sumakay dito dahil nga may ibang pasahero at mas gusto na sa isang yate na lang sila kung saan sila-sila lang pero mapilit talaga ang mga asawa ng mga kuya niya. And knowing her kuya's that so UNDERstanding ay pumayag din ang mga ito.



M.A series #11 Princess FurukawaWhere stories live. Discover now