CHAPTER 37

8.1K 290 7
                                    


Baler..

"Mukhang nag-enjoy ka sa paglangoy ah." Sabi ng twenty four years old na si Martina kay Clark matapos niyang ibigay ang tinimplang kape sa binata.

"Sinabi mo pa, ang lakas ng alon pero ang sarap magbabad sa dagat kahit mainit kanina." Ani ni Cloud na nakaupo sa isang rattan chair, mula umaga hanggang tanghali ay nasa dagat siya. He missed being on the water, he was working on Navy before and he can still remembered how good he is on that matters.

"Masarap din mag-surfing dito at yon talaga ang dinadayo ng mga turista.  Minsan nga kahit maulan at malakas ang alon ay madami ka pa din makikita sa dagat." Kuwento ni Martina.

"Kamusta pala ang shop? Madami bang tao kanina?" Hindi pa siya nagpupunta doon dahil napagod siya sa paglalangoy kanina, tapos ngayon naman ay umaambon pero baka mamaya bago gumabi ay pumasyal siya.



"Kaninang umaga oo, tapos ngayong hapon ulit ang dagsa ng mga tao niyan. Sabi ko nga kay ate Amara i-expand niya na yung coffee shop niya pero ayaw naman niya." Ani ni Martina, her ate Amara don't like that idea kahit pa sinabi na din yon ng asawa nitong si kuya Marcus. Mas gusto pa din kase ni ate Amara niya na manatili ang ambiance nito na maliit pero may masarap na kapeng binebenta isa pa hindi naman yung lugar ang dinadayo ng mga costumer kung hindi yung mismong kape nila.



"Usually naman take out ang order ng mga nakikita kong costumer kaya okay na din siguro yon at kaya ayaw ni Amara."


"Ito yung unang negosyo ni ate Amara at hindi pa sila magkakilala noon ni kuya Marcus ng maipundar niya ito. Tsaka kahit mayaman naman ang napangasawa niya ay hindi pa din niya sinara ang coffee shop. Masyado din magulo ang kuwento ng buhay niya pero masaya ako dahil okay na silang mag-asawa."



Napangiti si Clark matapos higupin ang hawak niyang kape. "Dito daw siya nagtago noong tinakasan niya si Marcus." Sabi niya, tuwang-tuwa pa nga ang asawa ng kaibigan niya habang kinukwento yon sa kanya. Sino bang mag-aakala na ang isang Marcus Delgado ay bibili ora mismo ng isang buong resort para lang may matuluyan dito at makasama si Amara. His friend might look tough but he knew na pusong mamon din ang gago at ang asawa lang nito ang katapat.


"Nagtatrabaho na ako kay ate Amara noon ng magpunta dito si kuya Marcus, at halos araw-araw niyang pakyawin ang lahat ng orders sa coffee shop tapos ipapamigay ng libre sa mga costumers na bibili dapat." Natatawang kuwento ni Martina, "Pero hindi lang pagbili nitong katabing resort ang ginawa niya kung hindi bumili din siya ng buong flower shop para habang nandito daw siya ay mabibigyan niya palagi ng bulaklak si ate Amara."


"He really love his wife." Clark said, si Amara ang kahinaan ng kaibigan niya at ang lakas nito in the same time.


"Pero malaki ang pagpapasalamat ko dahil tinulungan ako ni kuya Marcus makapag-aral." Kuwento ulit ni Martina.


"Really?" Nilapag ni Clark ang tasa ng kape na wala ng laman.


"Yes, naikuwento kase sa kanya ni ate Amara na kaya ako nagtatrabaho sa coffee shop ay dahil nag-iipon ako ng pang-tuition fee noon."


Napatango-tango si Clark sa sinabi ng katabing dalaga.

"Kaya mula 2nd year college ako hanggang makapag-tapos sa kursong nursing ay si kuya Marcus ang nagpaaral sa akin. Pero kahit puwede naman na akong magtrabaho sa ospital o kaya naman sa Manila ngayon at iwan na lang ang coffee shop ni ate Amara ay hindi ko pa din magawa. Mukhang nainlove na din ako sa pag gawa ng kape. Isa pa malaki din naman ang nakukuha kong sahod mula sa shop idagdag pa na binibigyan din ako ng allowance ni kuya Marcus dahil ako nga ang nagme-maintain nitong resort niya."


"Naiintndihan ko ang punto mo Marina, ganon naman talaga dapat kung saan ka masaya yon dapat ang piliin mo."


"Kung ganyan ang pananaw mo bakit mo iniwan si Princess? Hindi ko pa siya nakikita o nakilala ng personal pero kapag pumapasyal dito sina kuya Marcus ay nagkukuwento siya sa akin tungkol kay Princess." Ani ni Martina, alam niya kung bakit nandito sa Baler ang kaibigan ng kuya Marcus niya at yon nga ay dahil iniwan nito ang tinuturing ng kapatid ng boss niya. Alam niya din na kalalabas lang nito sa kulungan ilang buwan na ang nakakalipas pero napansin naman niyang okay ang binata kausap at mabait naman.


"Dahil yon ang dapat sa ngayon, Princess need to learn on her own at ayokong makasagabal sa kanya." Tipid na sagot ni Clark.


"Pero mas maganda kung tutulungan mo siya diba? Baka nga mas mainspire pa siya dahil magkasama kayo."


"Sana nga ganon kadali yon, pero hindi lang kase basta simpleng tao si Princess, she's a heiress of Furukawa family. At wala akong ibang gusto kung hindi makita na nagawa niya mag-isa na palaguin pa ng husto ang kompanya niya na wala ako o walang tumutulong na iba sa kanya."


"Pero alam mo din na magagalit siya sayo dahil iniwan mo siya."


Clark nodded as his answer. "Handa naman ako sa galit niya at handa din ako humingi ng tawad dahil iniwan ko lang siya basta-basta at kung hindi man niya matanggap yon ay ayos lang din sa akin."


Doon na ngumiti si Marina kay Clark.

"B-bakit ka nakangiti? May mali ba sa sinabi ko?" Tanong ng binata.

"Isa lang ang sigurado sa lahat ng sinabi mo."

"H-huh? Ano naman yon?"


"Mahal mo siya."



#maribelatentastories



M.A series #11 Princess FurukawaWhere stories live. Discover now