Chapter 38

23 2 0
                                    

The Blood Sucker
(SaiDa FanFic Story)

Chapter 38: Mga Hangarin

Matagumpay na nakabalik ang bampirang inutusan ni Jong In. Kasama niya ang ilan pang mga bampira na mula sa panig nina Dahyun.

Agad niya itong dinala sa kwarto kung saan nakalagay sina Dahyun.

Sila muna ang ipinalit Nina Jong in doon habang may iniwan naman silang iba pa.

Sina Jong In naman ay gumawa ng paraan para makatakas na ang mga ito na hindi napapansin.

~~

"Sino kayo? Anong gagawin niyo saamin?" Tanong ni Momo sa mga lalaking may hawak sa kanila.

"Ssshhh... Wag kayong maingay. Ililigtas namin kayo at itatakas dito. Sumunod na lang kayo." Sagot nung isa sa kanila.

"Paano kami magtitiwala sainyo? Mga tauhan kayo ni Alucard di ba?" Tanong ni Jeongyeon.

"Hindi lahat. At hindi na ngayon." Sagot naman nung isa.

"Anong ibig niyong sabihin?" Takang tanong ni Chaeyoung sa mga ito.

"Hindi lahat kasi.... Ang ilan sa amin dito, padala mula kay Señor Jin. At hindi na kami tauhan ni Alucard dahil kay Sana na ang katapatan namin."

Sa naging sagot ng isa sa mga ito, napatingin naman ang nanghihinang si Dahyun.

"Si Sana? Paanong si Sana?" Tanong niya.

"Siya ang kumausap saamin na gawin ang bagay na ito. Malamang sa ngayon ay kasama niya si Alucard para hindi matuon sa inyo ang atensyon niya. At alam niyo na rin naman kung bakit." Sagot ng isa sa mga lalaki.

"Dahil may pagtingin siya kay Sana." Sambit ni Mina.

"Tama! Kaya sumunod na lang kayo saamin para mapadali ang trabaho namin. Sa ganung paraan, matutulungan niyo na rin siya sa plano niya." Dugtong pa ng lalaki.

Walang reklamo ngang sumunod sa kanila ang pito. Natanggal na sila sa pagkakagapos at ibinalik na rin sa kanila ang kanilang mga sandata.

Dahan-dahan silang lumabas sa kwartong yun at nakita ang isang bampira na tumatakbo palapit sa kanila.

Isa ito sa mga kasama ni Jong In na lumabas kanina sa kwarto.

Napatingin naman sila sa kabilang direksyon nila at nakita ang iba pang mga bampirang palapit na rin sa kanila.

~~

"Kapatid, pansin kong may kakaiba sa kilos ni Sana. Hindi mo pa nakikita o bulag ka na sa pag-ibig mo sa kanya?" Tanong ni Jungkook sa kanya.

"Wag mo akong pangunahan sa gusto ko. Alam ko ang nangyayari at hindi ako bulag. Pero hindi pa rin ako papayag na magtagumpay sila sa plano nila. Habang buhay na magiging akin si Sana." Sagot ni Alucard sa nakababatang kapatid.

"Kung ganun anong plano mo ngayon? Baka hindi natin alam, patalikod na tayong sinasaksak ng babaeng yun nang hindi natin napapansin. At maaaring nakuha niya na rin ang loob ng mga kasama natin at bigla na lang nila tayong atakehin." Dagdag pa ni Jungkook.

"Magagawa nilang umatake pero hindi nila ako mapapatay. Marami na ang pinagdaanan ko bago ko makamit ang kapangyarihang mayroon ako ngayon. Hindi nila basta lang na matatapos ang lahi natin hangga't nabubuhay ako."

Nandito sila ngayon sa bulwagan at nakaupo naman si Alucard sa kanyang trono katabi ang kapatid.

Si Sana naman ay nasa ibang parte ng bulwagan at nakikipag-usap sa ibang naroroon.

Paunti-unti ay sumusulyap siya sa dalawang lalaki na nasa unahan, walang iba kundi ang magkapatid na sina Jungkook at Alucard V.

Ilang sandali pa ay may isang tauhan ang lumapit kay Alucard at bumulong. Agad na napatayo ang lalaki sa kinauupuan na ikinabigla ng mga naroroon.

The Blood Sucker (SaiDa FanFic Story)Where stories live. Discover now