Chapter 30

31 2 0
                                    

The Blood Sucker
(SaiDa FanFic Story)

Chapter 30: Paubaya

Nang makalabas si Sana sa silid na yun, hindi pa rin maalis sa mukha ng lahat ang pagkabigla.

"Sinabi niya bang nakakakita siya?" Hindi makapaniwalang tanong ni Chaeyoung sa mga kaibigan.

"Malamang! Sino ba nagsabing bulag siya?" Pabalang namang sagot ni Tzuyu dito.

"Tumigil nga kayo diyan. Seryoso an ang ang mga nangyayari pero puro biruan lang ang nasa isipan niyo." Singit ni Mina.

Tumigil naman ang dalawa sa pag-aasaran at bumalik ang atensyon sa lahat.

"Ako na po ang susunod sa kanya. Kakausapin ko po siya." Presinta naman ni Dahyun.

Hindi pa man nakakasagot ang mga ito ay umalis na siya.

Nakaramdam naman ng kakaiba si Mark sa naging kilos ng pinsan na ikinibit-balikat lang din niya.

"Tama ba ang dinig ko? Nakakita si Sana ng mga pangitain? O iba ang ibig niyang sabihin?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Jihyo. Maging ang asawa ay hindi makapagsalita sa nalaman.

"Mukhang siya na nga ang sinsabi ng Lola." Tanging nasambit ni Daniel.

Natapos ang usapan at nagsibalikan na sila kanya-kanya nilang mga gawain.

"Mom, Dad. Pupuntahan ko lang si Sana. Kanina pa umalis si Dahyun pero hindi pa rin sila bumabalik." Paalam naman ni Jeongyeon.

Napatigil naman si Jeongyeon nang makita ang nagmamadaling si Dahyun palapit sa kanila.

"Tito, Tita! Hindi ko po makita si Sana. Imposible namang lumabas siya, napakadelikado." Balita niya sa mga ito.

"Anong ibig mong sabihin? Nawawala ang anak ko?" Nag-aalalang tanong naman sa kanya ni Jihyo.

"Hindi pa po ako sigurado pero may kakaibang bagay akong nakita sa labas ng kwarto niya."

Iniabot niya sa mga ito ang isang maliit na bote na siyang nakita niya.

"Kakaiba ang amoy ng laman ng boteng yan. Nang malanghap ko nga ay medyo nahilo pa ako." Dugtong niya.

"May nakapasok na traydor sa hanay natin." Biglang singit naman ni Matteo na ngayon ay nasa likod nila.

~~

"Kamahalan, narito na po sila." Balita ng isang tauhan ni Alucard.

Sunod naman ang pagbukas ng pinto ng bulwagan at isang lalaki ang pumasok doon na may hawak na isang walang malay na babae.

Nang makalapit na ito ay napatayo naman si Alucard.

"Mahal ko, narito ka na." Sambit niya habang hinahaplos ang mukha nito.

"Dalhin mo muna siya sa kwarto ko. Hayaan mo siyang magpahinga. Mamaya ko na siya pupuntahan." Utos niya sa lalaking may hawak sa babae at sumunod naman ito kaagad.

"Ngayong nakuha mo na siya, ano na ang plano mo ngayon, kapatid?" Tanong ni Jungkook sa kanya.

"Sa makalawa na ang kabilugan ng buwan, gagawin ulit natin ang ritwal at tiyak akong magtatagumpay na tayo." Sagot nito.

~~

Patuloy naman sa paghahanap sina Dahyun kay Sana. Pero hindi nila ito makita sa buong pasilidad.

"Hindi kaya, lumabas siya?" Saad ni Momo.

"Imposible yun, Momo. Alam niya naman na delikado sa labas. Mas lalo pa at siya ang pakay ni Alucard." Sagot naman ni Mina.

"Hindi po namin siya makita sa buong lugar. Baka nga may kumuha sa kanya." Bakit ng isang bampira.

The Blood Sucker (SaiDa FanFic Story)Where stories live. Discover now