Chapter 28

8 2 0
                                    

The Blood Sucker
(SaiDa FanFic Story)

Chapter 28: Pinsan

"Hindi na ako magtataka na magpinsan kayo. Pareho niyong sinaktan at sinasaktan ang kapatid ko." Komento ni Jeongyeon matapos malaman ang kwento ni Mark sa kanila.

"Pero iba naman si Dahyun. Pasensya na kung nagmumukha akong May kinakampihan pero.... ganun na nga. Itong Mark na toh, sinaktan niya si Sana sa loob mismo, sa emosyon. Masakit kaya yun." Aniya ni Momo.

"Tama! At si Dahyun, hindi niya naman intensyon yun. Kaya wala siyang kasalanan. Pinoprotektahan pa nga niya si Sana. Sandali, nasaan ba yung Dahyun na yun?" Segunda naman ni Tzuyu sa sinabi ng nobya.

"Abala yun ngayon. Kasama niya sina Tita Jane at ang iba pa para sa susunod nating hakbang sa mga kalaban." Sagot naman ni Mina.

"Mauna na muna ako sainyo. Hahanapin at kakausapin ko lang ang kapatid ko." Paalam ni Jeongyeon sa mga kaibigan.

Bago umalis, tiningnan niya naman ng masama ang grupo ni Mark na ngayon ay hindi makatingin nang maayos sa lalaki.

"Takot na takot kayo masyado kay Kuya ah. Sa bagay, dapat lang dahil na rin sa ginawa mo kay Sana." Ani Chaeyoung sa lalaki.

"Matanong lang, guys ah. Why are we here? Sobrang tago ng lugar na toh. At yung pinagkakaabalahan ng mga kasama niyo, para saan naman yun?" Usisa nung Dave.

"Yun ba? Para yun sa parating na digmaan." Walang emosyong sagot naman ni Mina.

"Digmaan? What the! Mga sundalo ba kayo? Anong klaseng rebelde ba ang mga kalaban niyo?" Tanong naman ni Mark.

"Napansin rin namin, wala nang gaanong tao sa mga lugar na dinaanan natin kanina. Isolated area na ba ang bayan na ito?" Tanong naman nung Renz.

Bigla namang dumating si Christopher at siya ang sumagot sa katanungan ng mga ito.

"Alam niyo ba ang tungkol sa mga Bampira?" Tanong nito.

"Bampira? Hindi totoo ang mga yan. Only you can read and see it in Supernatural Fiction Novels and Movies." Sagot naman nung Renz na patawa-tawa pa. Nakitawa na rin ang dalawang kasama.

Napapailing na lang ang grupo nina Nayeon dahil sa mga lalaking kasama nila.

Nabigla naman ang mga ito nang biglang maglaho sa harapan nila ang lalaking kausap nila. Napatigil sa pagtawa ang mga ito.

"N-nasaan na yun?" Tanong ni Renz na hindi makapaniwala.

"Oo nga! Ang bilis! Anong klaseng--

Hindi na natuloy pa ni Mark ang sasabihin nang magsalita sa likod nila ang taong hinahanap nila.

"Ang bango ng amoy ng mga dugo niyo. Pwedeng patikim?" Saad ni Christopher sa baritono at malalim nitong boses. Malamig rin ang hiningang lumalabas sa bibig nito na nagpatindig sa balahibo ng tatlong lalaki.

Sa takot ay nataranta ang mga ito na tumayo at nadapa pa kakamadali. Sigaw pa nang sigaw ang mga ito na kinatawa naman ng mga naroroon. Maging ang grupo nina Mina ay hindi na napigilang matawa sa hitsura ng mga ito.

Nagsilapit na rin ang iba pa nilang mga kasama at tinulungan si Christopher sa pananakot sa mga ito.

Inilabas nila ang mga itinatago nilang matutulis na pangil at mapulang mga mata. Sa hitsura nila ay para silang mga uhaw na. Ang tatlo naman ay hindi pa rin tumitigil sa pagsigaw dahil sa takot. Ngayon ay napapalibutan na sila ng mga bampirang kasama ni Christopher.

Napatigil naman sila nang biglang dumating si Matteo.

"Anong nangyayari rito?"

Nagsibalikan sa kani-kanilang pwesto ang mga lalaking pumalibot sa tatlo at naiwan naman si Christopher at ang grupo nina Mina sa lugar.

"Ayoko na! Ayoko na!" Sigaw nung isa.

"Ayoko pang mamatay! Iuwi niyo na kami." Pakiusap nang isa pa.

Si Mark naman ay hindi pa rin makapaniwala. Sumunod naman na dumating si Dahyun at nakita ang kalagayan ng tatlo. Nilapitan niya ang mga ito at tinulungan. Tumulong na rin sina Tzuyu dahil nakonsensya sa mga pinaggagawa nila dito.

"Ayos ka lang?" Tanong niya sa pinsan.

"A-ayos lang ako. Hindi lang ako makapaniwala na..... totoo ang mga.... bampira." Paputol-putol nitong sagot.

"Hangga't nandito pa kayo, masanay na kayo. Malala pa diyan ang mararanasan mo kung buhay pa si Papa."

"Oo nga. Pasalamat kayo dahil patay na si Master Yoongi. Kung hindi ay mamamatay na kayo sa takot. Napaka-istrikto niya mas lalo na kapag nagsasanay." Singit naman ni Sandy.

Tumagal pa nga ng ilang araw ang tatlo sa kanila. Wala naman silang magawa kung hindi ay sumunod na lang.

Dahyun's POV

Kasalukuyan kami ngayong kumakain. Kasama rin namin ngayon ang pinsan kong taga-syudad at ang dalawa niyang kasama.

Ngayon lang kami nagkita pero alam ko na noon pa na may pinsan ako. Pero ang hindi ko inaasahan, ang pinsan ko at ang lalaking nanakit kay Sana ay iisa. Kahit naiinis ako sa kanya dahil sa ginawa niya, hindi ko pa rin magawang saktan siya.

At saka, sino ba naman ako para gawin yun? Isang hamak na kaibigan lang ako ni Sana. Oo, may pagtingin kaming dalawa sa isa't isa. Nagkaaminan na nga di ba? Pero kung hindi lang dahil sa mga nangyari sa nagdaan, baka madali na lang saamin na gawin ang gusto namin at walang komplikasyon.

Dagdag pa na, mula nung muntikan na siyang makuha ng mga tauhan ni Alucard, nang magising siya ay nagsimula na rin siyang umiwas sa akin. Maging sa mga kaibigan namin. Buti na nga lang at hindi siya nag-iwas nung lumabas kami sa kuta.

Pero ngayon naman, sa pagdating ng pinsan ko, na hindi ko man lang nakilala mula noon, at siya na ring pagbabalik ng ex ni Sana, mas lalo lang naging komplikado ang saamin ni Sana. Mas lalo pa siyang umiwas at halos hindi ko na siya makausap.

Kapag lalapit ako sa kanya ay saka naman siya lalayo.

Hanggang isang araw, nakita ko silang dalawa ng pinsan ko na magkasama. Medyo malapit ako sa kanila kaya naririnig ko rin ang usapan nila.

"Sorry sa ginawa ko."

"Sa tingin mo, matatanggal ng sorry mo yung sakit? Ikaw ang ang una ko, Mark. First Love ko, at ang First Boyfriend ko. Pinaglaban pa kita kina Mom dahil akala ko hindi mo yun gagawin. Pero ano?"

Kahit hindi ko sila nakikita, alam kong umiiyak silang dalawa. Nakaramdam naman ako ng sakit sa May bandang dibdib ko.

"Sorry. Alam kong hindi ko na yun mababalik. Natukso lang ako at aaminin ko yun. Pero minahal naman talaga kita. At matapos mo akong hiwalayan nun sa parking lot ng University, natakot talaga ako sa posibleng gawin ng pamilya mo sa akin. Mas lalo na si Kuya Jeong."

"Hindi ako magtataka kung pinabugbog o binugbog ka pa ni Kuya dahil sa ginawa mo."

"Na ginawa niya nga. Pinagsabihan niya pa ako nun na kapag hindi kita tinigilan, tutuluyan niya na ako."

"Pero kahit ano pang gawin niya, ngayon na nakita na kita ulit, magkakaroon na ako ng chance to prove to you my self again, Sana. Just give me a chance. Just one more chance. Kung mabigo pa rin kita, nasayo na ang desisyon kung anong mangyayari sa relasyon natin."

Matapos nang narinig kong pakiusap ng pinsan ko kay Sana, hindi ko na tinapos pa ang pakikinig sa usapan nila. Mukhang alam ko naman na ang mangyayari. May pinagsamahan sila at hindi ako magtataka kung tatanggapin pa rin siya ni Sana sa kabila ng ginawa niya.

Third Person's POV

"Sige. Isang chance na lang. At aaminin kong may kaunti pa akong nararamdaman sayo. Kapag inulit mo pa, baka mawala na talaga yun ng tuluyan."

"T-talaga? Totoo?"

"Oo nga."

"Salamat, Sana. Pangako, hindi na kita ulit sasaktan."

Sa sobrang tuwa pa nito ay niyakap pa ang babae. At niyakap na rin siya nito pabalik.

The Blood Sucker (SaiDa FanFic Story)Where stories live. Discover now