Chapter 4

26 3 0
                                    

The Blood Sucker
(SaiDa FanFic Story)

Chapter 4: Ang Mabait na halimaw

Someone's POV

Nakauwi na ako ng bahay. Matapos dumating nung tatlong tao at dinala yung babae kanina, umalis na rin ako. Alam ko namang mapagkakatiwalaan sila. Hindi ko naman maramdaman sa kanila ang enerhiya na tulad ng nararamdaman ko kapag kasama ko si Papa.

At syempre, minsan ko na rin kasing nakikita ang grupo ng mga yun. Mas lalo na nung mga huling labanan. Sa tingin ko, grupo rin sila ng tumutugis sa mga halimaw.

Nakapasok na ako ng gate ng bahay namin nang maalala ko yung babae.

Aish nakalimutan kong tanungin yung pangalan niya. Maging ako hindi rin nakapagpakilala sa kanya. Ang ganda pa naman. Kaso pansin ko, masyado siyang maarte at matatakutin. Nakakarindi ang boses niya kapag sumisigaw. Pero maganda parin siya at hindi ko itatanggi yun. Sana makita ko siya ulit.

"Dahyun! Saan ka nagpunta? Alam mong nasa paligid lang ang mga kalaban, gala ka naman ng gala." Sermon sa akin ni Papa pagpasok ko ng bahay.

"Patawad po. Tumambay lamang po ako sa kakahuyan." Paliwanag ko.

"Sige na. Magpahinga ka na. Bukas, maaga kang gumising. Marami pa tayong aaralin bukas. Kailangan mo nang matapos ang yung pagsasanay bago ang sunod na laban." Saad niya.

"Opo." Tanging nasagot ko at umakyat na ng kwarto ko.

Pagpasok ko sa kwarto, nadatnan ko doon ang katulong namin. Si Sandy.

Lalaki siya at lahat ng katulong namin lalaki din. Dahil na rin sa utos ni Papa. Ayaw niya na may ibang babae sa bahay mas lalo na at pareho kaming lalaki dito.

"Young Master, matutulog na po ba kayo? Kumain na po ba kayo? Ipaghahanda ko po kayo ng makakain."

"Wag na, Sandy. Si Papa, maayos naman ba siya dito habang wala ako? Hindi ba siya... nagwala?" Tanong ko.

Ganun kasi si Papa minsan. Minsan ay sinusumpong siya mas lalo na kapag gutom at uhaw sa dugo. Tama, sa dugo. Isa siyang bampira katulad ng mga kalaban na tinutukoy niya.

Hindi na siya tulad ng dati. Mas lalo nung buhay pa si Mama. Matapos niyang mamatay, parang nawala na rin si Papa. Nag-iba na siya. Palagi siyang seryoso. Gusto niya palaging alerto dahil hindi daw namin alam kung kailan lulusob ang mga kalaban.

Yung sinabi niya namang pagsasanay kanina, magmula nung magbago na siya, siya na rin ang nagtuturo sa akin ng kung paano makipaglaban.

Kinabukasan nga ay maaga akong nagising. Dumiretso na ako sa kusina at nakahanda na roon ang magiging almusal ko. Wala doon si Papa. Malamang ay nauna na siya sa lugar na pinagsasanayan namin.

"Sinabi po ni Master Yoongi na sumunod na lang po kayo sa kanya pagkatapos niyong kumain. Mauuna na raw siya roon para ihanda ang susunod niyong aaralin." Saad saakin ni Sandy.

"Oo, Salamat." Sagot ko.

TIME SKIPPED

Tapos na akong kumain at kasalukuyan ako ngayong papunta na kay Papa. Nang biglang may kung sino ang kanina pa nakasunod sa akin. Hindi ko muna ito nilingon bagkus ay pinakiramdaman ko lang. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang makarinig akong kung ano na palapit sa akin. Agad kong nilihis ang ulo ko at may kutsilyong tumarak sa isang puno malapit sa akin.

Nilingon ko ang likod ko at nakita ko si Papa na nakangisi.

"Pa, ano yun?" Tanong ko.

"Parte yun ng iyong pagsasanay, Anak. Kailangan mong maging alerto palagi. Palaging pakinggan ang paligid at pakiramdam ito. Mas lalo na sa dilim dahil dun sila malakas." Sagot ni Papa.

The Blood Sucker (SaiDa FanFic Story)Where stories live. Discover now