Chapter 10

18 3 0
                                    

The Blood Sucker
(SaiDa FanFic Story)

Chapter 10: Ang mahangin na Tiyuhin

Sa pagtataka ay lumapit si Sana sa lalaking kanina pa niya gustong malaman kung sino. Kung hindi lang siguro yung nangyari yung kanina ay nalaman na niya ang sadya nito.

Seryoso niyang tinitigan ang lalaki na parang sinusuri ito. Napansin niyang may hawig ito sa Ama niya pero wala siyang pakialam.

"Hoy! Sino ka ah? Layuan mo nga si Granny! Baka kung ano ang balak mo sa kanya. Wala akong tiwala sayo! Kahit kahawig mo pa si Dad, mas gwapo pa rin siya! Naiintindihan mo?!" Saad niya sa lalaki na ikinatawa naman nito.

Habang ang mga kasama niya ay pinipigilan siya.

"Sana! Tumigil ka na diyan. Hindi mo talaga siya kilala?" Tanong ni Jeongyeon sa kapatid.

"Hindi at wala akong pakialam. Hindi pa nga siya nagpapakilala, naiinis na ako  sa kanya. Hitsura pa lang ang hangin na." Sagot naman ni Sana sa Kuya niya.

Nagtawanan naman ang grupo ni Mina sa inasta niya.

"Bakit ba kayo natatawa diyan? Anong nakakatawa ah? Mina!" Tanong ng lalaki sa babae.

"Eh kasi naman, Kuya. Hindi ka pa pormal na nagpapakilala, naamoy niya na agad ang kahanginan mo sa buong katawan." Natatawang sagot ni Mina.

"Hoy! Mina! Hindi ako mahangin. Noon pa man nagsasabi na ako ng totoo. Gwapo naman talaga ako eh. Ako na nga ang pinakagwapong lalaki sa balat ng lupa." Pagmamayabang ng lalaki.

Sumingit naman si Jeongyeon sa usapan nila.

"Eh, bagay pala kayo nitong kuneho dito eh. Feeling maganda rin kasi siya."

Isang masamang titig naman ang binigay sa kanya ni Nayeon pero wala siyang pakialam. Tinawanan lang niya ito.

"Alam mo, Boy? Kung hindi lang kita pamangkin, baka kung ano na ang nagawa ko sayo." Inis na saad naman ng lalaki kay Jeongyeon.

"Alam mo, Kuya? Mula nung dumating yan dito, siya na ang ultimate basher ko." Pagsusumbong naman ni Nayeon.

"Eh totoo naman kasi." Pagtutuloy pa ni Jeongyeon.

"Tama na yan! Jeongyeon! Sana! Magbigay-galang kayo sa tiyuhin niyo." Saway naman ni Daniel sa dalawa.

"What?! T-tiyo ko yan?" Medyo pasigaw naman na tanong ni Sana sa Ama.

"Bakit? Ayaw mo? Sabagay, hindi naman kasi halata sa akin." Aniya naman ng lalaki.

"Hindi! What I mean is... Halata naman kasi sa hitsura mo. Talaga ngang ang ganda ng lahi natin." Sagot ni Sana nang nakangiti at nagbigay-galang sa lalaki.

"Hays akala ko kung ano na ang sasabihin mo. Sabagay nga naman totoo." Segunda ni Jeongyeon habang umaasta na parang model sa pwesto niya.

"Dahil diyan, kayo na ang paborito kong pamangkin magmula ngayon." Masayang saad naman ng lalaki.

"Bakit? May iba pa ba kayong pamangkin, Kuya Matteo?" Singit naman ni Mina.

"Wala na. Kami lang naman ni Daniel ang magkapatid eh."

"Hay naku, Kuya Matteo. Kahit kailan hindi ka parin nagbabago." Saad naman ni Daniel saka lumapit sa lalaki at niyakap ito.

"Ikaw ah. Ang tagal mong bumalik dito. Akala ko hindi ka na babalik." Sambit ni Matteo sa kapatid sa gitna ng kanilang yakapan.

"Ikaw rin naman ah. Iniwan mo dito si Mama." Pagbabalik naman ni Daniel dito.

"Oh! Siya. Tama na yan. Bumalik na tayo sa loob." Alok naman ng matandang babae sa kanila.

The Blood Sucker (SaiDa FanFic Story)Where stories live. Discover now