Chapter 8

20 3 0
                                    

The Blood Sucker
(SaiDa FanFic Story)

Chapter 8: Ang angkan ng mga Vampire Slayer

Palabas na ng bahay sina Sana at Jeongyeon nang magsalita si Sana.

"Ay! May nakalimutan ako sa loob, Kuya. Mauna ka na lang doon. Susunod ako." Paalam ni Sana sa kapatid. Bumalik ito sa loob at naiwan ang binata. Naglakad na lang ito papunta sa naghihintay na mga kasama sa likod-bahay. Malapit sa dagat.

~~

"Ma, maiwan na muna namin kayo. Maglalakad-lakad lang po kami ng asawa ko." Paalam naman ni Daniel.

"Sige, anak. Ako na ang bahala sa kanila. Magkikwentuhan na lang kami." Sagot naman ng matanda.

Nang makalayo na ang dalawa, nagsalita naman si Nayeon.

"Tita Jane! Malapit na. May naiisip po ba kayong gagawin natin ngayon?"

"Hija, hindi ba ikaw na ang bagong lider nila? Bakit mo sa akin yan tinatanong? Magmula nang magretiro ako nung huling laban, umalis na rin ako sa grupo. Gusto kong pag-usapan niyo yan bilang isang grupo at balitaan niyo na lamang ako para alam ko rin ang gagawin. Ako na ang bahala sa pamilya ko." Sagot ng matanda.

"May nasimulan na po kaming plano, Tita. Naghahanda na rin po kami ng mga bagong kagamitan at nag-ensayo para rito." Sagot naman ni Chaeyoung.

"Bakit nga po pala kayo nagdesisyon nun na magretiro na? Gayo'y ang bata niyo pa noon?" Tanong naman ni Momo.

"Yun kasi ang usapan namin ng asawa ko. At.... Napagkasunduan na rin namin ng mga kasama namin. Kapag nagkapamilya na kami ay ipapasa na namin ang trabaho sa susunod na henerasyon."

"Napag-usapan na naman natin ang nakaraan. Naalala ko na naman sina Mama at Papa." Singit ni Tzuyu.

"Ang lambot mo ata ngayon, Tzu?" Tanong ni Chaeyoung sa kaibigan.

"Bakit? Gusto mo bang magalit ako?" Walang emosyong tanong ng lalaki.

"Hindi. Pero baka madala ka na naman ng emosyon mo kapag inalala mo na naman ang nangyari. Alam namin ang lahat ng nangyari sainyo ni Ate Nayeon kaya naiintindihan ka namin."

"Tama ka. Emosyon at ang sarili natin ang kalaban natin ngayon. Kapag hindi natin nakontrol ang sarili natin, baka maging sagabal pa ito sa mangyayari sa atin sa susunod na kinabukasan." Pag-sang-ayon naman ni Nayeon.

"Pero minsan inaalala ko ang ilan sa mga yun para alam ko kung anong pinaglalaban ko." Sabat naman ni Tzuyu.

"Habang tinitingnan kayong lima, naalala ko na naman ang grupo na binuo ng pamilya namin noon. Mula sa ilang pamilya ng mga Vampire Slayer nung panahon namin, lima doon ang kilala at magaling sa pakikipaglaban. At sa limang pamilya na yun, nagmula kaming limang magkakaibigan. At di nagtagal, kami na rin ang nanguna sa mga magagaling na Slayer." Kwento ng matanda.

"Pwede niyo po bang ikwento ang panahon niyo noon, Tita Jane? Baka po kasi may sarili rin kayong bersyon kaysa sa alam na namin." Suhestiyon ni Momo.

"Sige ba." Masayang tugon naman ng matanda sa kanila.

-Flashback-
(Ito na ang kinukwento ni Jane sa kanila.)

Jane's POV

Mahigit tatlong dekada na ang nakakaraan, tahimik namang namumuhay ang mga tao noon. Hanggang sa isang araw, dumating ang isang grupo ng mga lalaking naka-itim at parang mapuputla na ang balat. Lahat ng tao na makikita at makakasalubong nila ay kanilang kinukuha at kinakagat. Nung una ay inakala lang nilang baliw ang mga ito. Pero nang lumaon ay natakot na rin sila nang mapagtantong may iba na.

The Blood Sucker (SaiDa FanFic Story)Where stories live. Discover now