Chapter 27

11 2 0
                                    

The Blood Sucker
(SaiDa FanFic Story)

Chapter 27: Pagbabalik

Ngayon ang araw na lalabas sila ng kuta para bumili ng mga dagdag na pagkain nila. Naubos na kasi ang dati nilang naimbak dagdag pa na mas lalong dumami ang grupo nila. Maliban sa mga bampira na hindi naman kumakain ng mga kinakain nilang mga tao.

"Kuya, gusto kung sumama sa labas. Gusto kong maglakad-lakad. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin."

"Hindi, Sana. Dito ka lang. Hindi ka sasama sa labas. Baka balikan ka pa nila. Hindi natin alam kung anong pakay nila sayo." Pagtanggi naman ni Jeongyeon sa kanya.

"Alam ko namang kino-consider niyo ang mga sinabi ni Tito Namjoon nung isang araw. Iniisip niyo na ako nga yung babaeng pakay ni Alucard hindi ba? Paano kung ako nga?"

"Anong ibig mong sabihin, Sana? Nakakakita ka na ng mga pangitain?"

"Hindi, Kuya. Paano nga lang? Pero hindi naman ako yun. Kaya please. Hayaan niyo akong sumama. Gusto ko nang makalanghap ng hangin mula sa labas. Ilang araw na tayo dito sa loob."

"Hindi pa rin ako papayag." Giit ng binata sa kanya.

"Sasama na lang po ako kung sasama siya."

Napaiwas naman si Sana ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses sa likod niya. Kapag naaalala niya ang mga nakita niya nung nakaraan, kahit hindi pa man nangyayari ay nasasaktan na siya.

"Hindi rin ako papayag. Ikaw ang dahilan kung bakit muntik nang makuha ng mga yun ang kapatid ko. At ngayon, gusto mong ikaw ulit ang makasama niya?" Inis na sagot ni Jeongyeon kay Dahyun.

"Sasama po kami, Kuya. Dagdag na bantay na rin po para kay Sana. Kahit ano pa man ang rason nila kung bakit gusto nilang makuha si Sana, nasa panganib pa rin siya di ba? Pero tama naman po si Sana. Kahit minsan lang, kailangan natin ng sariwang hangin." Litanya ni Mina sa nakatatanda.

Sa huli, wala nang nagawa pa si Jeongyeon dahil sumama rin ang mga magulang nila sa labas. Bumalik ang mga ito sa bahay dahil may kukunin daw na ibang mga bagay.

Nagpatuloy naman sina Jeongyeon sa pagpunta sa bayan para mamili. Sumama na rin sa kanila si Sana at Dahyun kasama ang iba pa.

"Kayong dalawa, wag kayong lalayo saamin." Bilin pa ni Jeongyeon bago pumasok sa palengke.

"Babantayan po namin sila, Kuya Jeongyeon. Kami pong bahala." Paniniguro naman ni Tzuyu sa nakatatanda.

Nandito sila sa palengke sa kabilang bayan. Kung titingnan, hindi pa nakakaabot dito ang mga nangyayari sa San Lorenzo at San Luis. Medyo malayo din kasi ito sa mga nasabing bayan.

~~

"Manang, kilala niyo po ba ang mga ito? Nakita niyo po ba sila dito?" Tanong ng isang lalaki sa isang tindera.

"Ay! Hindi, Hijo. Hindi ko kilala o nakikita ang mga yan dito." Sagot naman ng ginang.

"Sige, Salamat po."

"Bro, baka maling bayan ang pinagtatanungan natin? Kanina pa tayo nagtatanong dito, hindi man lang natin mahanap kung nasaan ang bahay ng Tito mong yun. Wala bang nasabi ang Tiyo mo noon kung saan talaga sila nakatira?" Tanong ng kaibigan niya.

"Wala. Kung meron man, nakalimutan ko na. At wala namang nasabi sina Mom at Dad bago nila ako iwan."

"Bakit nga ba natin sila hinahanap?" Tanong naman ng isa pa niyang kaibigan.

"Curious lang ako sa sulat ni Mommy saakin. Sabi niya hanapin ko ang Tito kapag nabasa ko na ang sulat niya."

"Oh, sige. Dito ako sa kanan. Bahala na kayo kung saan kayo pupunta." Presinta nung isa.

The Blood Sucker (SaiDa FanFic Story)Where stories live. Discover now