Chapter 36

8 2 0
                                    

The Blood Sucker
(SaiDa FanFic Story)

Chapter 36: Sagupaan

"Mina! Nakita mo ba sina Tzuyu?!" Tanong ni Momo.

Kasalukuyan sila ngayong nakikipaglaban pa rin.

"Hindi ko nakita! Baka.... Baka pumasok na sila sa loob!" Sigaw pabalik ni Mina dito.

"Kayong dalawa, sumama kayo sa akin. Sumunod tayo sa loob. Kaya na nila dito." Biglang dating ni Nayeon at agad na utos sa kanila.

"Sige, Ate." Sagot naman ni Momo at tango lang ang sinagot ni Mina.

"Tulonggg!!!"

Hindi pa sila nakakalayo at nakakapasok sa loob nang marinig nila ang boses na yun.

"Si Sana yun di ba?" Tanong ni Momo.

"Siya nga! Ayun!" Turo ni Mina sa babaeng pinipilit na isama ng mga bampira.

"Sana, nandito n kami!"

"Wala na kayong makialam, mga mahihinang nilalang." Sigaw ng isa sa mga may hawak kay Sana.

Ang tatlo naman ay walang kaalam-alam sa maaaring mangyari sa kanila.

Ang alam lang nila ay kailangan nilang iligtas ang kaibigan nila.

Hindi nila napansin ang mga bampirang mabilis na nakarating sa likod nila at agad na tinurukan sila ng pampatulog.

Ilang segundo lang ay yumaman na rin ang pampatulog at isa-isa silang nagsitumbahan sa lupa na walang malay.

Napangiti naman si Sana sa tagumpay ng kanyang plano.

"Sige! Kunin niyo na sila at bumalik na tayo sa loob." Utos niya sa mga tauhan.

Nauna na itong pumasok habang siya ay napasulyap sa kumpol ng mga taong nakikipaglaban sa mga masasamang bampira.

Nahagip ng paningin niya ang mag-asawang hindi mapaghiwalay kahit pa mahirap na ang laban n kinahaharap nila.

Hindi niya maintindihan ang sarili at nakaramdam ng kakaiba. Medyo sumakit rin ang kanyang ulo na napansin ng isang bampirang kasama niya.

"Ayos lang po kayo, kamahalan?" Tanong nito.

Nilingon niya ito at tinanguan.

"Halika na. Bumalik na tayo sa loob. Malamang sa hinihintay na tayo ng mahal ko."

Bago pa sila umalis sa lugar na yun at bumalik sa loob, muli niya ulit sinulyapan ang dalawang tao kanina.

Katulad ng naunang pagsulyap niya ay naroon pa rin ang kakaibang pakiramdam. Pero kinibit-balikat niya lang ang mga ito at nagsimulang na ng humakbang paalis.

Pagpasok nila, sakto na naroon na ang apat na lalaking inaasahan na nila.

Sa senyales ni Alucard ay pumasok na sila. Kasama ang mga walang malay na sina Mina, Momo at Nayeon.

Si Sana naman ay walang emosyong hinarap silang lahat na naroroon.

Lumapit naman siya kay Alucard.

"Kumusta ka, mahal ko?" Tanong ni Alucard sa babae.

"Maayos lamang ako. Nakuha ko naman sila nang maayos." Sagot ni Sana sa lalaki.

"Sana! Wag kang maniwala  sa kanya. Kami ang totoo mong kakampi. Ako ang kapatid mo at ito naman ang mga kaibigan natin. Saamin ka maniwala." Sigaw ni Jeongyeon kay Sana na tinawanan lang ang mga narinig niya sa kapatid na ngayon ay hindi niya maalala.

"Kapatid? Wala akong maalalang mayroon akong kapatid, o kahit magulang. Ang tanging meron ako ngayon ay ang aking mahal na nasa harapan ko ngayon. Siya lang ang kakatigan ko. Siya lang ang paniniwalaan ko. At siya lang ang mamahalin ko." Sagot naman ni Sana sa kanila.

The Blood Sucker (SaiDa FanFic Story)Where stories live. Discover now