Chapter 32

24 3 0
                                    

The Blood Sucker
(SaiDa FanFic Story)

Chapter 32: Rason

Dahyun's POV

"Hindi man lang niya ako hinintay na magising. Umalis na naman siya." Sambit ni Sana nang maikwento ko sa kanya ang pag-alis ng pinsan ko at pagbalik nito sa kampo.

"Wag kang mag-alala. Hindi ko alam kung babalik pa siya dito pero kapag nasiguro ko na walang problema, babalik na rin tayo sa kampo. Sana maabutan pa natin siya." Sagot ko sa kanya. Ang huling pangungusap ko ay naibulong ko na lang sa sarili.

"Pwede bang ngayon na tayo bumalik? Gusto ko nang makita ang sina Kuya, Mom at si Dad. Nagkaroon ako ulit ng bagong pangitain. Nasa panganib sila. Hindi ko makita kung sino ang may gawa nun pero sa tingin ko, ako ulit ang dahilan. Gusto kong ayusin ang lahat. Ayokong may mangyayaring masama sa kahit na sinong malapit sa akin dahil sa akin."

"Oo, babalik tayo pero hindi ngayon. Ipagpabukas na lang natin yan. Masyado nang gabi. Magpahinga na muna tayo." Sagot ko.

"Sige."

"Sandali, may iba pa bang sinabi sayo si Mark?" Dugtong niya.

Natahimik naman ako nang maalala ko ang usapan namin.

-FLASHBACK-

Nang marating namin ang bahay ng kaibigan na tinutukoy ko, agad niya naman kaming inasikaso.

Hanggang sa makarating kami doon ay hindi pa rin nagigising si Sana. Si Manang lang ang tumitingin sa kanya sa kwarto habang ako ay nandito sa kanyang sala kasama ang pinsan ko at ang mga kasama naman namin ay nakapalibot sa buong bahay.

Tahimik lang kami buong oras hanggang sa simulan ni Mark ang usapan. Hindi ko inaasahan ang tanong niya. Akala ko hindi siya seryoso sa bagay na yun. Tiningnan niya ako saka nagsalita.

"Mahal mo siya hindi ba?"

Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siya.

"Silence means yes. Wag mo nang ikaila pa, Couz. Napapansin ko naman. Even to Sana. Maybe may rason lang siya kung bakit..... ka niya iniiwasan. At kung bakit.... hinayaan niya pa rin ako na maging boyfriend niya ulit. I know naman na hindi lang yun dahil sa one more chance na hiningi ko sa kanya."

"Paano mo naman nasabing iniiwasan niya nga ako?" Tanong ko.

"Napansin ko lang. Kapag nagkakasalubong kayo, umiiwas siya. Kapag nagkakatitigan kayo, siya ang rin unang umiiwas."

"Ngayon na alam mo na ang tungkol diyan, magagalit ka ba sa kanya? Sinaktan mo siya noon, malamang sa galit siya dapat sayo pero ngayon, binigyan ka niya ng pagkakataon. May posibilidad na may gusto pa nga siya sayo kaya ka niya pinagbigyan sa chance na sinasabi mo pero pwede rin namang ginamit ka lang niya. Anong mararamdaman mo?" Mahabang litanya ko sa kanya.

"I will accept naman kung ginawa niya lang yun para makaganti o para makaiwas sayo. Pero.... Hindi. Hindi ako magagalit. I understand naman. Ang totoo niyan, marami talagang nagbago mula nung makipaghiwalay siya sa akin. Alam ko namang babaero ako. I admit it. But.... Nasanay na rin ako na kasama siya at mula nang mawala siya ay nabawasan na rin ang pambababae ko. Nangyari yun lahat because of her. At ngayon, tatanggapin ko na lang na hindi ko na rin maibabalik ang dati. Ako ang kasama niya pero ikaw ang iniisip niya. Kaya nga.... Itutuloy ko na ang pagbabalik ko sa Maynila. Lalayo na lang ulit ako. I'm happy that I already meet you. Si Tito lang naman dapat ang hinahanap ko pero wala na siya."

"Seryoso ka na talaga sa pag-alis mo? Paano kong hanapin ka ni Sana paggising niya? Kahit pa sabihin natin na ginamit ka nga niya, nobyo ka pa rin niya. Magpaalam ka ng maayos sa kanya. Baka magalit lang siya ulit sayo kapag iniwan mo siya nang walang maayos na pamamaalam. Masasaktan siya ulit."

"Call me coward and I will admit it. Duwag nga ako at hindi ko kayang sabihin sa kanya ang lahat. Ikaw na lang ang bahala sa kanya. Mamaya na ako babalik sa kampo para magpaalam rin. Hindi ko siya kayang ipagtanggol, sinasaktan ko pa siya."

"Sinaktan mo nga siya at yun ang pinakamalaking pagkakamali mo sa kanya. Nung hindi pa tayo nagkakakilala, palagi niyang nababanggit sa akin ang tungkol sayo. Inaamin kong nakaramdam ako ng inis dahil mahal ko na rin siya. At nasaktan rin ako nung makita ko kayong magkausap. At kung gusto mong matanggap ka niya at tuluyan nang magbago, sa susunod mong magiging karelasyon, ayusin mo na ang sarili mo."

"Sige. I'll take that as an advice. Thank, Couz."

"Walang Anuman. Ikaw na lang ang kaanak na meron ako ngayon. Wala naman akong kakilalang iba pang kaanak natin kundi ikaw na lang. Pamilya lang ang magiging kakampi mo sa lahat ng oras, tandaan mo yan."

At nung kinagabihan nga nung araw na yun, nagpaalam na siya sa akin. Isinama niya ang ilan sa mga tauhan na kasama namin at ang iba ay naiwan saamin dito.

-End of Flashback-

"Hoooyy!! Natulala ka na diyan." Singhal sa akin ni Sana.

Nabalik naman ako sa sarili dahil dun.

"Ha? Ano nga yung tanong mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ano ba ang iniisip mo at bigla kang natulala? Wag mong sabihing nakakakita ka rin?" Saad niya.

"Nakakakita ng ano? Ng pangitain?" Tanong ko.

"Hindi, ng multo. Sabihin mo naman para makapaghanda naman ako." Sagot niya.

"Wala akong nakikitang pangitain tulad mo, mas lalo na ng multo. Kung meron nga eh, tatawagin ko ang multo ni Papa nang magkausap kami."

"Kalimutan mo na nga yung tanong ko. Magpahinga na tayo."

"Sige. Mauna na ako. Magpahinga ka." Paalam ko.

Bago pa ako makalabas ng kwartong yun, naalala kong muli ang sinabi ng pinsan ko. Muli kong hinarap si Sana na ngayon ay nakahiga na at naghahanda nang matulog.

"Bakit? May sasabihin ka?" Tanong niya.

"Sinabi pala ni Mark.... Babalik na siya ng Maynila. Tungkol naman sainyo, pinapalaya ka na raw niya. Pinapangako niya ring magbabago na siya at hindi ulit mananakit ng damdamin ng iba, kung magkakaroon pa ulit siya ng bagong karelasyon."

"Yun lang.... ba?" Tanong niya ulit.

"Wala na siyang nasabi pang iba maliban na lang sa ako na raw ang bahala sayo. Dahil dun, ipinapangako ko kong.... Palagi kitang babantayan at poprotektahan laban kay Alucard at sa mga tauhan niya. Hindi na kita hahayaan pang makuha niya ulit, Sana. Tandaan mo lang na.... ginagawa ko ito para sa kaligtasan na rin ng lahat at dahil..... Mahal.... Na mahal....... Kita."

Pagkatapos ko yung sabihin ay agad na akong lumabas ng kwartong yun.

Mahal ko na talaga siya at inaamin ko na yun ngayon. Sana ay ganun rin siya sa akin. Gagawin ko ang lahat para matapos na ang lahat ng ito. Ipinangako ko kay Papa na tatapusin ko ito. Sa tulong ng iba pa, magagawa at matatapos rin namin si Alucard at lahat ng mga kasamaan niya. Puputulin ko ang sungay niya at ibabalik ko siya kung saan siya nagmula.

The Blood Sucker (SaiDa FanFic Story)Where stories live. Discover now