Chapter 11

16 3 0
                                    

The Blood Sucker
(SaiDa FanFic Story)

Chapter 11: Mga Panaghoy

"Mamaya pala ay may dadaanan ako sa bayan. May gusto ba kayong ipasabay para isahan na lang?" Tanong ng matanda.

Kakatapos lang nilang mag-agahan.

"La, gusto niyong samahan ko ulit kayo? Wag na nating isama itong si Sana baka kung saan nanaman mapunta yan." Aniya naman ni Jeongyeon.

"Ay! Granny, sasama rin po ako. May bibilhin po ako doon. Nakita ko po nung pagpunta natin dun." Saad naman ni Sana.

"Oh! Sige na. Sumama na kayong dalawa. Baka mag-away pa kayo eh." Wika ng matanda saka nag-ayos na ng mga dadalhin niya.

"Kayo Mina? Uuwi na ba kayo ngayon?" Pagbaling niya naman sa dalaga at sa grupo nito.

"Opo. May mga inaasikaso rin po kasi kaming importante ngayon. At saka po pala, nagpaplano kaming mag-transfer ng school this year kaya marami kaming inaasikaso." Sagot naman nito.

Tumango naman ang mga kasama niya bilang pagsang-ayon.

"Oh! Sige. Bale, kayong tatlo lang ang maiiwan dito sa bahay?" Tanong niya naman sa mag-asawa at kay Matteo.

"Ah! Ako po Ma, aalis rin. May inaasikaso kasi ako ngayong project diyan sa kabilang bayan. Dito po kasi ako nadestino. Kaya po ako nakadalaw rito dahil malapit lang naman. Dito po ulit ako uuwi mamaya." Sagot niya.

"So? Kami na naman ulit ang maiiwan dito sa bahay?" Tanong naman ni Jihyo.

"Oh, bakit ayaw mo ba? Tayong dalawa lang kaya pwede nating gawin ang kahit anong gusto natin. Gusto mo sundan na natin sila eh?" Pilyong tugon naman ni Daniel sa asawa.

"Tumigil ka nga diyan. Magdahan-dahan ka sa mga sinasabi mo. Eh diyan pa nga lang sa dalawa, nangongonsumi na ako. Dadagdagan mo pa?" Aniya ni Jihyo.

"Grabe ka naman sa akin. Baka lang naman. Baka makalusot lang naman eh." Maamong sagot ng lalaki.

Natatawa namang nanonood sa kanila ang mga kasama.

~~

Master Yoongi's POV

Umaga na pero wala pa rin si Dahyun. Kagabi pagkatapos niyang maghapunan ay siyang pag-alis niya dito sa bahay. Ang sabi niya ay pupuntahan niya ang bahay ng Tiyo niya. Pero.... pero bakit wala pa rin siya ngayon? Maging ang ilang mga tauhan namin na kasama niya ay wala pa ring bumabalik para magbalita saakin. Dapat ay kagabi pa lang ay nakauwi na siya o di kaya ngayon. Ano na bang nagyayari?

"Master! Master!" Tawag saakin ng isa sa mga tauhan ko.

Nandito pala ako sa kwarto ko. Walang ibang ginagawa kundi ang tumanaw dito sa terrace ng kwarto ko. Habang may hawak na isang baso na may lamang dugo. Hindi sa tao kundi sa hayop. Sinanay ko na kasi ang sarili ko para hindi ako matakam sa tao kung sakali man na magutom ako. Mas lalo na at mga tao ang mga kasama ko. Pati na ang anak ko.

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko rito.

"Master.... Ang anak niyo...." Saad niya na hinihingal. Rinig na rinig ko ang bilis ng tibok ng puso niya at mukhang hindi lang pagod ang nararamdaman niya. May kasama itong takot.... at pag-aalala. Alam kong takot sila sa akin pero kung wala naman silang ginawang mali ay hindi naman ako magagalit. At nag-aalala? Para kanino?

"Bakit ka ba humahangos? Anong nangyari sayo? Di ba ikaw yung isa sa mga kasama ng anak ko? Anong nangyari sa pinuntahan niyo?" Sunod-sunod kong tanong sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

Naguguluhan ako sa emosyong pinapakita niya. Ano ba talagang nangyari?

"Nangyari na ba? Kagabi?" Tanong ko.

The Blood Sucker (SaiDa FanFic Story)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن