Chapter 9

18 3 0
                                    

The Blood Sucker
(SaiDa FanFic Story)

Chapter 9: Dagdag na bisita

"Anong nangyayari rito?" Isa naman nina Daniel na nagmadali pang lumapit sa kanila nang marinig ang umiinit ng usapan ng dalawa.

"Gusto ko lang tumulong, Dad. Pero mukhang pinapamukha pa nilang walang magagawa ang mga pulis para tumulong." Sagot naman ni Jeongyeon sa Ama.

"Pasensya na po, Kuya Daniel. Nagkaroon lang po siguro sila ng hindi pagkakaintindihan." Sagot naman ni Mina sa pinsan.

"Okay, tama na yan. Ayoko nang nag-aaway. Iba ako kung magalit. Jeongyeon! Makipag-away ka ulit at baka gusto mo ulit ng dagdag na parusa?" Saway ni Daniel sa kanila.

"Okay lang, Dad. Nasanay na rin ako. Sabi niyo nga di ba? Paano pa ako naging pulis kung hindi ako nagpagod sa mga trainings at academics." Sagot naman ni Jeongyeon sa Ama.

Napatigil naman sila nang may marinig na sigaw ng babae mula sa loob ng bahay.

"Si Sana!" Biglang sambit ni Jeongyeon sa pangalan ng kapatid bago tumakbo papunta sa loob ng bahay.

Sumunod naman silang lahat pero hindi pa man sila nakakapasok nang bigla namang may mga lalaking humarang sa kanila.

"Ano ba yan? Mga ninja ba yan?" Tanong ni Jihyo sa asawa na ngayon ay nakikipaglaban na sa ilang lalaki katulad na rin ng iba pa habang pinoprotektahan ang asawa.

"Hindi ko rin alam, Jih. Ano bang nangyari sa mga taon na wala ako dito? Marami na ngang nagbago sa bayang ito." Sagot naman ni Daniel.

Ang ingay naman sa loob ng mula sa sigaw ni Sana ay dinig pa rin. Bakas sa boses nito ang takot. Paulit-ulit ito sa pagbanggit ng....

"Ahhhh!!! Halimawww!!!" Sigaw nito.

Ilang minuto pa ay bigla nalang natumba ang ilan sa mga lumusob na mga lalaki. May isang lalaki sa malayo ang nakita niyang mabilis na kumilos at segundo lang ay marami na agad siyang napatumba. Si Jeongyeon naman ay patuloy rin sa paglaban dito. Pero hindi niya maitatanggi na napakalakas nito sa kanya.

Lahat ng mga nagbabalak na lumapit kay Sana ay agad na natutumba. Lahat sila may mga palaso nang nakatarak sa likod. Hanggang sa lahat ng nga ay napatumba na nila.

~~

"Tzu, ikaw ba may gawa nun? Ang alam ko, wala naman tayong mga dalang armas ah." Tanong ni Chaeyoung dito.

"Hindi. Saka.... Ibang klase ng palaso ito. Hindi ito akin. Wala pa akong palaso na may ganitong disenyo." Sagot naman ni Tzuyu sa kanya.

"Dan, ano ba yun? Bakit parang may kakaiba sa kanila? 그들은 무섭다!! (Nakakatakot sila!!) Yung mga anak natin sa loob."

Agad naman silang pumasok sa loob. Nadatnan nila malapit sa gate ang dalawa na nanghihina habang inaalalayan ng isang lalaki na may takip ang mukha.

Agad na nilapitan ng mag-asawa ang mga anak nila. Habang kinikilala naman ng grupo nina Nayeon ang lalaki. Pati na rin ng matanda.

Ang lalaki naman ay lumapit sa isang nakabulagta nang lalaki at inapakan ito. Napansin niya kasing gumagalaw pa ito.

"Sinong nagpadala sa inyo?" Tanong niya rito.

"Wala! Mamatay ka na, Tra--" Hindi naman naituloy ng lalaki ang sasabihin niya nang biglang hugutin ng lalaki ang palaso na nakatarak sa likod nito.

"Uhm... Ang mga Salazar." Saad niya na kinakunot naman ng noo ng matanda.

"Paaano mo nalaman na sa mga Salazar nga ang palaso na yan?" Tanong nito.

Hindi naman siya sinagot ng lalaki at tinanggal naman nito ang takip sa mukha.

"Matteo?" Pagtawag ng matanda sa lalaki.

"Ako nga po. Ang galing ng pagbabalik ko, di ba? May magandang pasok." Saad nito.

Sana's POV

Ilang minuto bago mangyari ang lahat ng kaguluhan ngayon. Nagpaalam ako kay Kuya na babalik muna ako sa loob para may kunin sa loob. Ang totoo, wala naman talaga. May gusto lang akong malaman. May nakita kasi akong kakaibang bagay sa sala. Nakalagay sa may likod ng litrato nina Granny at ng asawa niya. Bata pa sila sa litrato. At infairness naman ay maganda talaga ang lahi namin.

Akma ko na sanang kukunin ang nakasabit nilang litrato nang biglang may napansin akong lalaki sa labas ng gate namin. Purong itim ang damit niya. Mula ulo hanggang paa.

Lumapit ako sa kanya para tanungin kung may sadya ba siya saamin.

"Hello po? Sino po sila?" Tanong ko.

"Dito pa ba nakatira si Jane Del Luna?" Tanong nito.

"Opo. Ano pong kailangan niyo sa Lola ko?" Tanong ko ulit sa kanya.

Aba! Kung magnanakaw ito, sasapakin ko talaga ito. Gagamitin pa talaga si Granny para lang makapasok. Tingnan natin kung makalusot siya saakin.

"Ah! Kung ganun--"

Hindi niya na natuloy pa ang sasabihin pa nang may biglang sumugod na mga lalaki. Ang bibilis ng mga kilos nila. Parang isang kurap mo lang, nasa harap mo na agad sila.

Agad naman niya itong nilabanan. Ako naman ay sigaw nang sigaw dahil lahat sila papunta sa akin.

Patuloy siya sa pakikipaglaban habang pinoprotektahan ako. May ilan pang dumating at nagsitalunan sila sa bubong. Mukhang papunta sila sa likod.

"Ahhhh!!! Halimawww!!!" Sigaw ko nang may isang papalapit na naman sa akin.

Kanina pa sila ah. Ano ba ang gusto nila sa akin?

Hindi pa man tuluyang nakakalapit sa akin ang lalaking yun, bigla naman itong natumba. Akala ko dahil dun sa lalaki pero hindi. Kasi nakalayo na siya sa akin at patuloy sa paglaban sa iba pa. So? Kanino ang panang yun?

At paglingon ko ulit dun sa lalaki, ang bilis niya. Parang katulad niyang kumilos itong mga lalaking ito.

Bigla namang dumating si Kuya at tumulong na. Panay ang hiyaw ko kapag may palapit na sa likod ni Kuya.

Pagkatapos ng nangyari, lahat sila tumba dahil sa mga palaso sa likod nila.

Hinang-hina si Kuya matapos nun at ako naman ay pagod kakasigaw. Ang sakit kaya sa lalamunan.

Lumapit ulit saamin ang lalaki at tinulungan si Kuyang makatayo. Dahil na rin sa pagod ay napasalampak na siya sa sahig.

Napansin ko naman sa di kalayuan ang pagtalon ng isang lalaki mula sa isang puno. Tumakbo agad siya pagkababa at sumakay sa isang sasakyan na mukhang naghihintay sa kanya.

Hindi ko makita ang mukha niya. Dahil katulad nitong lalaki ay may takip rin siya sa mukha. Parang yung lalaking nakilala ko sa gubat. 

Patuloy lang sila sa pakikipag-usap sa lalaki habang yakap naman kami nina Mom at Dad. Ano ba ang nangyari ngayon? Ito ba ang bakasyon sa probinsya? Bakit parang dinaig pa ang pelikula sa sinehan?

"Okay lang ba kayong dalawa?" Tanong ni Mom saamin. Tiningnan naman ni Dad si Kuya.

Yung lalaki naman ay lumapit sa isa pang mukhang may balak pa atang gumalaw. Tinanong niya ito pero mukhang maangas. Hindi na nga natapos ang sasabihin dahil bigla niya namang tinanggal ang palaso sa likod nito.

~~

"Uhm... Ang mga Salazar." Saad niya na kinakunot naman ng noo ni Granny at pati na rin nina Mina.

"Paaano mo nalaman na sa mga Salazar nga ang palaso na yan?" Tanong naman ni Granny sa lalaki.

Walang naging sagot ang lalaki sa tanong na yun bagkus ay tinanggal niya ang takip sa mukha niya. May konting hawig siya kay Dad pero mas gwapo si Dad.

"Matteo?" Pagtawag ni Granny sa kanya.

"Ako nga po. Ang galing ng pagbabalik ko, di ba? May magandang pasok." Saad nito.

Sino naman kaya siya? Bakit kilala siya ni Granny? Ano? Kamag-anak ulit namin, ganun? Dalawang araw pa lang kami rito, ang dami na agad nangyari. Sana naman wala nang sumunod pa. Nakaka-tense na eh. 무서운 아. 많은 일이 일어나고 있다. (Nakakatakot na ah. Ang daming nangyayari.) Ano ito pelikula?

The Blood Sucker (SaiDa FanFic Story)Where stories live. Discover now