Chapter 13

16 3 0
                                    

The Blood Sucker
(SaiDa FanFic Story)

Chapter 13: Sikretong Kaibigan

Sana's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto. Isinuot ko yung kwintas. Pero tinago ko lang sa loob ng damit ko. Then, kinuha ko naman yung sulat at binasa.

~~
Dear Sana,

Una sa lahat, salamat sa pagtulong saakin. Kahit medyo nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa una nating pagkikita at alam ko namang naiinis ka sakin pero tinulungan mo pa rin ako. Maraming Salamat.

Yung kwintas ay bigay ko na sayo. Yan mismo yung kwintas na tinitingnan mo sa palengke. Pasensya na sa sinabi ko. Hindi naman talaga iyon ang gusto kong sabihin. Gusto ko lang sanang bilhin yun para sayo.

Siguro nagtataka ka kung bakit ko naman yun bibilhin para sayo. Gusto ko lang sanang makipagkaibigan sayo nung araw na yun. Ang saya ko dahil nakita kita ulit ang kaso mukhang nainis ka naman. Hindi ko kasi nakuha ang pangalan mo nung una talagang nagkita tayo sa kakahuyan. Oo, sa kakahuyan. Ako yung lalaking nakamaskara na nakilala mo doon.

"Tama nga ang hinala ko nung nakita kita sa palengke.  Sabi na nga ba. Boses mo palang nakilala ko na." Saad ko sa sarili ko matapos kong mabasa ang parte ng sulat niyang yun. Muli ay pinagpatuloy ko ang pagbabasa.

Ngayon na nalaman mo na kung sino ako, masaya ako na magkaibigan na tayo. Kung gusto mo akong makausap, naroon lang ako palagi kung saan tayo unang nagkita. Doon kasi ang tambayan ko. Tawagin mo lang ang pangalan ko at darating ako.

-Dahyun-

~~

Matapos kong mabasa ang sulat niya ay lumabas na ako. Nadatnan ko silang lahat sa sala at nag-uusap.

"Ang batang yun, hindi man lang nagpaalam. Hindi pa nga siya magaling." Aniya ni Granny.

"Siguro ay gusto niya lang na umuwi na, Ma. Hayaan nalang natin. Sana ay maayos siya." Saad naman ni Tito.

"Ang totoo po nyan...... nakausap ko po siya kagabi." Pagsingit ko.

Napatingin naman silang lahat sakin. Para akong nasa hot seat ngayon dahil sa mga tinginan nila.

"Ang sabi niya, kailangan niya na raw bumalik dahil hinahanap na siya panigurado ng Papa niya. Hindi ko nga rin siya pinayagan kasi nang pinilit niyang kumilos, umaaray pa rin siya sa sakit. Pero nung halos ilang oras na kaming nag-uusap, nagpaalam na rin ako para magpahinga. Hindi ko naman alam na magpupumilit pa rin siya." Kwento ko.

"Weh? Sigurado ka? Yan ba talaga ang nangyari? Hindi mo ba siya sinermunan? Inis ka sa kanya di ba?" Tanong naman ni Kuya.

"Eh nag-sorry na rin naman siya. Namali lang din ako ng pagkakaintindi sa sinabi niya." Sagot ko.

"Nakuha mo ba ang pangalan niya?" Tanong ni Tito sa akin.

"Ah! Siya po si Da--

"Aling Jane?! Tao po!"

Aba! Mukhang may bisita pa si Granny ah.

Lumabas naman si Granny matapos marinig ang pagtawag sa kanya. Ako naman ay nagpaalam na muna at dumiretso sa likod-bahay. Umupo ako sa may buhanginan at hinayaang mabasa ng tubig-dagat ang mga paa ko. Napatingin naman ako sa may kakahuyan na nasa kanan ko. Nakakatakot ang lugar kung titingnan. Pero naniniwala pa rin akong hindi lahat ng kwento ay totoo. Kaya hahakbang na sana ako patungo roon nang pigilan ako ni Kuya.

"Hep! Hep! Hep! Saan ka na naman pupunta? Ako ang napapahamak dahil sa mga ginagawa mo eh."

"Maglalakad-lakad lang ako, Kuya." Sagot ko.

The Blood Sucker (SaiDa FanFic Story)Where stories live. Discover now