Chapter 15

18 3 0
                                    

The Blood Sucker
(SaiDa FanFic Story)

Chapter 15: Imbitasyon

Nakauwi na ang magkapatid.  Agad naman silang tinadtad ng tanong ng mga magulang nang makarating. Para silang nasasailalim sa isang interrogation dahil sa paraan ng pagtatanong ng Ama. Ang kanilang Lola ay nakikinig lang.

"Kailan pa ito nagsimula?"

"Gaano mo na ba kakilala ang taong yan? Ni hindi man lang nagpapakita saamin tapos ikaw ay grabe makatiwala. Gusto mo ba ulit masaktan tulad nang nangyari sainyo ni Mark?"

Napataas ng tingin sa Ama si Sana dahil sa huling tanong nito sa kanya.

"Sasagutin ko naman po lahat ng tanong nyo, Dad. Pero kung pwede, isa-isa lang? At... Kung pwede? Wag niyong itulad dito ang nangyari saamin ni Mark. Magkaiba sila. Magkaiba sila ni Dahyun."

"So? Dahyun pala ang pangalan niya?" Saad muli ng kanyang Ama.

"Opo.... At wag po kayong magalit. Mabait siya. At saka nakita niyo na rin siya. Siya yung lalaking tinulungan natin."

"Kung ganun, nakikipagkita siya sayo nang ilang araw na,  magaling na ba siya?" Tanong naman ng Lola niya.

"Opo. Nung araw na nagpumilit daw po siyang umalis dito, umuwi siya nun at agad siyang pinagpahinga ng Papa niya. Pinapasabi niya rin na nagpapasalamat daw ang Papa niya dahil sa pagtulong natin sa kanya."

"Kahit na. Sana man lang sinabi mo saamin. Lalaki pa rin siya at babae ka. Alam mo naman siguro ang pinupunto ko, Sana. Kaya sa susunod kung magkikita kayo, pwede bang siya na lang ang papuntahin mo rito? Nang makilala din namin siya nang maayos." Saad muli nang Ama saka lumabas ng bahay.

Napalingon si Sana sa Ina, kapatid at Lola niya. Ang mga ito ay nakatingin rin sa kanya.

Bumuntong-hininga naman siya bago magsalita at sundan ang Ama.

"Ako na po ang bahalang kumausap kay Dad." Sambit niya.

"Tama yan. Matampuhin talaga ang Daddy niyong yan. Sa kanilang magkapatid, siya ang seryoso palagi." Kwento naman ng kanyang Lola.

~~

Nadatnan niyang nakaupo sa buhanginan ang Ama. Nakatalikod ito sa gawi niya. Dahan-dahan siyang lumapit dito at umupo sa tabi nito. Niyakap niya ito saka nagsalita.

"Sorry, Dad. Hindi ko naman po gustong magsinungaling."

"Pero ginawa mo pa rin." Sagot naman ng lalaki sa kanya.

"That's why I'm sorry."

"Sana, wala tayo sa ibang bansa para mag-english ka."

"Patawad po. Hindi ko na po uulitin."

"Ang alin? Ang pagsisinungaling mo sa akin? Sa amin? O ang pag-e-english mo?"

"Yung pag-e-english po." Sagot ni Sana na ikinalingon ng Ama niya.

"Biro lang po. Syempre po yung pagsisinungaling. Pangako po hindi na po talaga maulit. Maliban na lang kung para sa ikabubuti ng sitwasyon. Saka.... Pangarap ko din pong maging isang sikat na tagapagbalita. Hindi pwede ang mga kasinungalingan sa larangang yun."

"Tama ka. Isang taon na lang, gagradweyt ka na rin. At isang araw, makikita ka na rin naming nagbabalita sa TV." Aniya ni Daniel habang nakatingin sa dagat at yakap na din ang anak.

~~

"Hello, Guys! Pasensya na ngayon lang ako nakauwi." Bungad ni Matteo nang makauwi. Nagmano siya sa Ina at binati ang pamangkin at hipag na nadatnan sa kusina.

"Nasaan sina Daniel at Sana?" Tanong niya sa mga ito.

"Ayun! nag-uusap sa labas. Kakain na, Kuya. Sumabay ka na saamin." Sagot naman ni Jihyo sa kanya.

"Hindi na. Katatapos ko lang kumain sa site. Nagkaayaan ang mga kasama ko eh." Sagot naman ng lalaki saka ay umakyat sa kwarto.

Pagpasok sa kwarto niya ay agad niyang ibinaba ang mga gamit na dala. Kinuha niya ang isang lalagyan at uminom dito. Agad nawala ang kanyang gutom dahil dun.

Kinabukasan, sinadya niyang tanghali na lumabas ng kwarto niya. Alam niyang pipilitin siya ng kanyang pamilya na kumain. Nung una lang siya hindi tumanggi kahit ang totoo ay nasusuka siya dito. Hindi na siya sanay sa pagkain ng tao. Ang lalagyan na may laman ng pulang likido sa loob ang palagi niyang dala kahit saan man siya pumunta dahil yun lang ang kaya niyang malunok at tanggapin ng sistema at katawan niya. Dahil tulad ng mga kinatatakutan ng lahat sa bayang yun, isa na rin siyang bampira na hindi pa din alam ng pamilya niya.

Bago siya lumabas ng kwarto, may kinuha muna siyang papel mula sa bag na palagi niyang dala. Isa yung imbitasyon.

"Good Morning!" Bati niya sa mga ito.

"Oh! Kuya, Good Morning din. May pagkain pa diyan, kumain ka na lang." Bati naman sa kanya pabalik ni Daniel.

"Okay lang. Mamaya na lang." Sagot niya.

"Heto nga pala. Pinapabigay ng Boss namin. May pa-party daw yung Master Yoongi sa bahay niya. Imbitado tayong lahat." Saad niya saka ibinigay ang papel.

"Tayong lahat? Buong pamilya?" Tanong ni Daniel.

"Oo." Tipid nyang sagot sa kapatid.

"Sandali, Yoongi ba kamo? May sinabi rin sa akin si Mina tungkol sa kanya. Kilala nga siya ng lahat. Pero kahit kailan daw hindi man lang ito nagpapakita. Tanging nga tauhan niya lang ang nakakakita ng mukha niya." Tanong ng Ina.

"Siya nga po, Ma."

~~

"Ate, nakita mo na ba itong imbitasyon ni Master Yoongi?" Tanong ni Tzuyu sa kapatid na abala sa mga ginagawa nito sa kanyang mesa.

"Oo. Meron rin ako. Nabasa ko lang kanina. Sabihan mo ang iba. Kailangan nating pumunta. Pagkakataon natin yun na makilala siya nang personal. Dagdag pa na kilala niya ang mga magulang natin." Sagot naman ni Nayeon.

"Tama ka naman diyan, Ate. Kailangan talaga natin siyang makilala. At Baka nga nakita na rin nina Chae ang imbitasyon. Maging ang iba pang mga kasama natin ay meron din." Sagot naman ni Tzuyu.

~~

Sa kampo ni Alucard V, dumating ang kanang kamay niya para magbalita.

"Nandiyan na naman yung sipsip." Bulong ng isang bampira sa kasama niya.

"Ano ka ba, Kook? Nagseselos ka lang ata eh. Kahit papano naman nakakatulong siya saatin. Hayaan mo na lang. Suportahan mo na lang ang kamahalan, ang kapatid mo." Saad naman ng kasama niya.

"Itikom mo na nga lang ang bibig mo, Huseok. Naiinis ako kapag nagsasalita ka. Parang hindi ka kaanib ah. Sabihin mo nga, bumaliktad ka na ba sa grupo?" Tanong naman ng bampirang nagngangalang Jungkook.

"Hindi noh. Ayoko ko lang ng problema. Diyan ka na nga lang. Pupuntahan ko sina Jimin baka nagsasaya na naman ang mga yun." Sagot ni Huseok sa lalaking kausap.

"Oh! Matteo? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng lalaking tinatawag nilang kamahalan.

"Nalaman ko pong may okasyong idadaos sa bahay ng mga Salazar. Inimbitahan niya roon ang ilan sa mga taong nagmula pa sa pamilya ng mga tagatugis ng mga bampira noon. Mukhang gagamitin nila ang pagkakataon na yun para makapaghanda laban sa atin." Balita niya.

"Ganun ba? Pwes! Sisirain natin ang plano nila. Kailan at saan gaganapin ang okasyon?"

"Sa kanyang bahay na nasa kabilang bayan pa, malapit lang dito."

"Sa bayan ng San Luis?"

"Tama po kayo."

"At talagang dun niya pa naisipang magtago. Sa bagay, kapangalan kasi ng kanyang kaibigan ang lugar na yun. Sige. Sa mismong araw, magpapadala ako ng mga tauhan sa kanila. Bubulagain natin sila. Sa may kakahuyan ko na lang sila padadaanin para malapit lang." Aniya ng pinuno.

"Magpapaalam na po ako. Babalik pa po ako saamin."

"Sige. Salamat sa impormasyon."

The Blood Sucker (SaiDa FanFic Story)Where stories live. Discover now