Chapter 17

15 3 0
                                    

The Blood Sucker
(SaiDa FanFic Story)

Chapter 17: Unang pasiklab

"Masaya ako na nagkita tayo ulit, Jane. Sana nga lang nandito sina Luis, Jason at Rose Ann. Na-miss ko yung araw na magkakasama tayong lima." Ani Yoongi.

"Ako rin naman. Nanghihinayang ako sa araw na kasama pa natin sila. Kung maibabalik lang natin ang oras at maibabalik natin ang panahon, babaguhin ko iyon at ngayon ay makasama natin sila."

"Kahit papaano naman, may mga sumunod pang henerasyon sa kanila. Sa atin. May mga anak pa tayong makakatulong sa atin para mabago ang mundo."

"Tama ka."

"Ma! Kailangan na nating gawin. Narito na lahat ng mga taong makakatulong sa atin. Kailangan na muling pagbuklurin ang sinauna at makabagong Pangkat ng STB (Samahan ng mga Tagatugis ng Bampira)."

~~

"Chae, bulaklak na naman? Kaya hindi ka pinapansin ni Mina eh. Paulit-ulit na lang ang mga binibigay mo. Wala bang bago?" Ani Tzuyu.

"Eh di ikaw na magaling sa babae. Palibhasa kasi kayo nang dalawa ni Momo."

"Guys! Sama-sama na tayong bumalik sa loob. At bago ko malimutan, ito nga pala si Dahyun. Kaibigan ni Sana at anak ni Master Yoongi." Singit naman ni Jeongyeon sa dalawa.

"Magandang gabi sainyo. Nakita ko na kayo dati. Ang galing niyong lumaban. At maging nung gabi na may mga bampirang lumusob sa bahay ng mga Del Luna, nakita ko rin ang galing niyo. Sana makasama ko kayo sa susunod." Aniya naman ni Dahyun sa mga ito.

"Yung mga pana na may disenyo mula sa mga Salazar, sayo ba yun?" Tanong ni Tzuyu.

"Oo."

"Oh! Sige. Pasok na tayo."

~~

Napatigil naman ang lahat ng bisita sa mga ginagawa nila nang umingay ang speaker. Ibig sabihin ay may naghahanda na ng mikropono para magsalita.

"Magandang gabi sainyong lahat! Narito tayong lahat para sa espesyal na gabing ito. Ngayong gabi, makikilala niyo ang mga taong tumulong sa atin para mabuo ang samahang ito at mga tao ring nagpapatuloy nito ngayon." Panimula ni Yoongi.

Tahimik namang nakikinig ang lahat sa kanya nang biglang nagkagulo sa likod nila.

"Mga Bampiraaa!!" Sigaw ng isa sa mga bisita doon.

Bigla naman silang naalarma dahil dito. Sina Jeongyeon na kakapasok pa lang ay agad na hinanap ang mga kasamang mga babae na iniwan nila kanina.

Agad naman nilang nahila ang mga ito palayo sa komosyon.

Nanguna naman sina Yoongi at Matteo sa kanila at siyang humarap sa mga bampirang hindi nakatiis at lumusob na.

Nilabanan nila ito at hindi na nila naitago pa ang lihim nila.

"Magandang palabas." Komento naman ng isang lalaki na pumapalakpak pa habang papalapit sa harap ng dalawa.

"Alucard V, paano kayo nakapasok dito?" Tanong ni Matteo.

"Tinatanong pa ba yan, Taksil? Kaya kong gawin ang lahat ng gusto ko." Kahit magkalayo at halos dalawang metro ang layo nila sa isa't-isa, nagawa pa rin nitong saktan siya.

Lumutang si Matteo sa ere. At isa yun sa kapangyarihan ng Hari ng mga bampira na hindi kayang gawin nang kung sinumang bampira.

Sa nasaksihan ay napalusob na rin ang iba pang nanonood. Binitawan naman ni Alucard V ang lalaki at sa isang iglap ay naglaho na ito.

"Sa muli nating pagkikita, Matteo." Sambit nito bago mabilis na mawala.

~~

"Tiyo Jin!// Tito!!" Sabay na tawag sa kanya ni Dahyun at ni Sana.

"Maayos lang ako." Sagot niya naman.

"Kuya Jin, Master Yoongi!! Bampira rin kayo?" Tanong ni Nayeon.

"Bakit? May problema ba kung may bampira sa samahan natin?" Tanong ni Dahyun sa babae.

"Oo nga!" Sang-ayon naman ni Sandy.

"Matagal na naming kilala at nakakasama sina Master Yoongi at Señor Jin. Iba sila sa mga bampirang kilala natin. Iba sila sa mga kampon ni Alucard V." Paliwanag naman ng isa sa mga tauhan ng mga Salazar.

"Sa lahat ng pamilyang nanguna noon, ang mga Salazar lang ang tanging tumanggap sa mga bampirang naging biktima lang din ng sitwasyon. Mga dating tao na pinili pa ring tumulong sa atin kahit na iba na sila sa dati." Paliwanag naman ng isa pa.

"Mga kasama, tama na!! Mamaya na lang nating pag-usapan ang mga bagay na yan!" Singit ni Yoongi sa mga ito.

"Pa, ayos lang kayo? Sabihin niyo kung may kailangan kayo." Ani Dahyun sa Ama.

"Nagugutom na ako at pagod." Sagot naman nito.

"Ito, inumin mo." Binigay naman ni Matteo ang bagay na palagi niyang dinadala, kung saan nakalagay ang dugong iniinom niya.

Matapos nun ay bumalik ulit ang lakas niya. Ang kanyang mga mata ay naging pula maging ang kay Matteo. Nakaramdam naman ng takot ang mga naroroon pero hindi ang mga tauhan nila.

Inalalayan na sila nito paalis sa lugar at pumunta na sa kanilang kwarto.

Naiwan naman ang mga Del Luna at ang grupo nina Mina.

Kinuha naman ng Lola nina Sana ang mikropono at itinuloy ang pagsasalita.

"Ngayon na nagsimula na silang magpakitang muli, senyales na rin ito na nagsisimula na rin sila."

"At bilang isa sa mga bumuo ng samahan na ito, panahon na para mamulat naman tayo sa mga nangyayari. Ako si Jane mula sa pamilya ng mga Morales, sa ngalan na rin ni Fred ng mga Salazar, na ngayo'y kilala niyo bilang si Master Yoongi, at sa tatlo pang mga yumao naming mga kasama mula sa pamilya ng mga Del Luna, Chan at Solares. Ito na ang panahon para maghanda para sa parating na apokalipso."

"At ngayon ay ipinapakilala ko sainyo ang mga bagong salinlahi ng STB."

"STB? Narinig ko na rin yan nung araw na nakita namin si Dahyun." Aniya ni Sana nang marinig ang tatlong letra nito.

Nasa likod niya naman sina Mina at sinagot ang tanong niya.

"Yun ang pangalan ng Samahan namin. STB ay Samahan ng mga Tagatugis ng Bampira." Sagot ni Mina sa kanya.

"Sa angkan ng mga Morales, ang nag-iisa kong pamangkin, si Mina."

Lumapit naman sa kanya ang dalaga at tumayo sa tabi niya.

"Sa angkan ng mga Chan, ang nag-iisang anak ni Jason at bunsong anak naman ni Rose Ann, si Tzuyu."

"Sa mga Solares, ang panganay na anak ni Rose Ann, si Nayeon."

"Sa mga Salazar naman, ang nag-iisang anak ni Fred, si Dahyun."

"At sa mga Del Luna, ay ang panganay namin ni Luis na si Matteo. Sa ngayon ay siya lang kasi ang may alam sa kanila. Itinago ko sa kanila ang lahat. Pero ngayon ay ipinapakilala ko pa rin ang aking isa pang anak, si Daniel. At ang mga anak niya, sina Sana at Jeongyeon."

"Mabuhay ang mga Morales!!" Sigaw ng isa sa mga bisita.

"Mabuhay!"

"Mabuhay ang mga Del Luna!!"

"Mabuhay!!"

"Mabuhay ang mga Solares!!"

"Mabuhay!!"

"Mabuhay ang mga Chan!!

"Mabuhay!!"

"Mabuhay ang mga Salazar!!"

"Mabuhay!!"

"Mabuhay ang buong STB!!"

"Mabuhay!!"

~~

"Kung ganun, sila pala ang bagong salinlahi ng limang angkan."-V

"Oo nga. Hindi ko aakalain na isa pa sa kanila ang babaeng natitipuhan ko."-JK

"Malapit na ang araw na hinihintay nating lahat. Ang pagpapalakas ng ating kaharian, at ang digmaan na hinihintay nila. Makikita rin natin sila sa araw na yun."-JM

The Blood Sucker (SaiDa FanFic Story)Where stories live. Discover now