Chapter 1

83 3 0
                                    

The Blood Sucker
(SaiDa FanFic Story)

Chapter 1: Ang Kinalimutang Bayan

Sana's POV

"Hi, Mom!" Bati ko kay Mom pagkauwi ko sa bahay.

Pabagsak akong umupo sa Sofa dahil sa pagod. Dagdag pa yung nangyari kanina. Nakakainis!

"Oh! Sana, Anak. Kumusta ang School mo? Ang alam ko, ngayon yung laro niyo di ba?" Tanong ni Mom sa akin. Galing siya sa Kusina mukhang nagluluto ito ng hapunan namin.

"Okey lang naman po. Nakakapagod. At nakakainis. Pero change topic muna tayo, Mom. Uuwi ba ngayon sina Dad at Kuya Jeongyeon?" Tanong ko.

"Hindi ko alam. Hindi naman sila nagsabi na mag-o-overtime sila ngayon kaya baka umuwi na rin yun mamaya." Sagot ni Mom sa akin.

"Sandali lang, Anak. May problema ka ba? Sa tingin ko meron eh. Sabihin mo saakin." Usisa niya. Mukhang napansin pa din niya kahit pinilit kong itago.

"Wala toh, Mom. Nakakainis lang talaga yung kanina." Sagot ko.

"Tungkol na naman ba ito sa boyfriend mong walanghiya? Di ba sabi ko sayo, hiwalayan mo na yang Mark na yan. Sinasabi ko sayo, lolokohin ka lang niyan." Sunod-sunod niyang sabi sa akin.

"Mom?"

"Bakit?"

"Tama po kayo. Babaero siya.  Niloko niya ako." Kwento ko na napaiyak na rin.

Niyakap niya naman ako habang tinatapik ang likod ko.

"Okay lang yan. Nandito naman kami eh. Hindi pa siya ang para sayo."

"Sorry po. Hindi po ako nakinig sainyo. Siya pa naman ang first boyfriend ko tapos ganun lang gagawin niya saakin?" Himutok ko.

"Tahan na. Gago lang talaga yun. Teka, ano ba ang nangyari?"

-FLASHBACK-

Palabas na ako ng Gymnasium at katatapos lang ng laro ng School namin laban sa ibang School na dumayo pa saamin. Hindi ako player, isa akong cheering squad member. At ang boyfriend kong si Mark ay part ng basketball team.

"Sana, uuwi ka na?" Tanong sa akin ng kasama ko sa cheering squad.

"Oo, eh. You know naman na istrikto ang Dad ko. Bakit ba?" Sagot ko.

"Nagsabi kasi si Coach na magpapa-dinner daw siya mamaya sating lahat. Kasama na rin ang Basketball Team kasi nanalo sila." Sagot niya.

"Ay! Sorry. Hindi ako pwede eh. Sa susunod na lang. Inaabangan ko kasi si Dad. Nung isang araw pa yun nagsasabi na may sorpresa daw siya saamin. Palaging hindi natutuloy kasi late na silang umuwi ni Kuya." Sagot ko.

"Ah, okay. Sige, kita na lang tayo sa Lunes."

"Sige, bye." Sagot ko.

Nang makalayo na siya, pumunta na ako sa parking lot.

Papunta na ako sa kotse ko nang mahagilap nang mata ko ang dalawang tao sa di kalayuan sa pwesto ko. Walang iba kundi ang boyfriend ko at isang babaeng estudyante. Naglalampungan sa labas ng kotse mismo ng boyfriend ko.

Sa inis ko, nilapitan ko sila at hinila ko yung babae sa buhok. Sinabunutan ko siya at sinampal dahil naiinis ako.

"Ano ba, Sana! Tama na yan!" Awat saamin ni Mark. Hindi ko siya pinansin.

"Sabing Tama na eh!" Sigaw niya saka ay pinaghiwalay niya kami.

Ngayon ay yakap-yakap niya ako para hindi ko masaktan yung babae niya.

"Bitiwan mo nga ako! Hindi pa ako tapos sa babaeng yan!" Sigaw ko.

"Cel, umalis ka na muna." Pakiusap niya naman dun sa babae at umalis na nga ito pero mukhang naiinis rin.

The Blood Sucker (SaiDa FanFic Story)Where stories live. Discover now