Chapter 2

38 3 0
                                    

The Blood Sucker
(SaiDa FanFic Story)

Chapter 2: Unang Pagkikita

Third Person'S POV

Tumigil sila sa isang lumang bahay at kumatok roon. Isang matandang babae naman ang nagbukas sa kanila ng gate at pinapasok sila.

"Ma?" Tawag dito ng Dad ni Sana.

"Daniel? Ikaw na ba yan anak ko?" Tanong naman ng matandang babae.

"Opo, ako nga po ito. Kumusta po kayo dito?"

"Maayos naman. Mag-isa na nga lang ako eh. Yung Kuya mong si Matteo, umalis na rin. Ang balita ko nag-asawa na rin siya sa Maynila." Sagot ng matanda.

"By the way, Ma. Ito nga pala ang pamilya ko. Ito ang asawa kong si Jihyo. At ito naman ang mga anak ko. Si Jeongyeon ang panganay ko at si Sana ang bunso namin." Pagpapakilala ni Daniel sa tatlo.

"Magandang hapon po, Tita." Bati ni Jihyo sa matanda.

"Kahit Mama na lang ang itawag mo sa akin, Hija. Asawa ka na ng anak ko. Marapat lang na tawagin mo na rin akong Mama." Nakangiting sagot naman ng matanda.

Sunod namang lumapit si Jeongyeon at nagmano.

"Hello po. Mano po, Lola." Pagbibigay galang ng binata.

"Pagpalain ka ng Diyos, Apo. Ang gwapo mong bata." Puri nito.

"Salamat po, Lola." Masayang sambit naman ni Jeongyeon.

"Hello po, Lola. Mano po." Bati naman ni Sana sa matanda. Masaya naman itong tinanggap ng matanda at niyakap ito.

"Hay grabe. Ang bilis ng panahon. Dati ay ang mga anak ko ang inaalagaan ko. Ngayon ay may mga apo na ako. Ang gaganda't gagwapo pa." Masayang saad ng matanda.

"I know right, granny." Sagot ni Sana.

"Oh! Sige. Pasok kayo. Alam kong pagod kayo sa biyahe. Pwede na muna kayong maidlip sa kwarto. Gigisingin ko na lang kayo kapag kakain na." Saad ng matanda.

"Tutulungan ko na po kayong maghanda ng hapunan, Ma." Alok naman ni Jihyo sa Matanda.

"Sige. Salamat, hija." Tugon ng matanda.

"Mom, maglalakad-lakad lang po ako diyan sa labas." Paalam naman ni Sana.

"Sige. Pero wag kang lalayo. Masyadong madilim na sa labas." Aniya ng Ina niya.

"At mas lalong wag kang pupunta sa may parteng gubat, Apo. Maraming mga delikadong bagay ang naroon." Segunda ng Lola.

"Gaya ng ano po, Lola?" Singit ni Jeongyeon sa usapan ng tatlo.

"Basta! Wag mo nang itanong. Wag na lang kayong pupunta roon. Karamihan sa mga pumupunta roon ay hindi na nakakabalik." Sagot ng matanda.

"Sige po. Mauuna na po ako." Paalam ni Sana dito.

Sana's POV

Hindi ako makapaniwala sa sinabi sa akin ni Granny kanina. Parang gusto ko tuloy malaman kung ano ang meron sa gubat nila dito.

Nagsimula na akong humakbang papunta sa direksyon ng gubat. Nang biglang tinawag ako ni Kuya.

"Hoy! Sana! Saan ka pupunta? Pupuntahan mo ang gubat na sinabi ni Lola noh?" Usisa niya.

"Ano naman kung pupuntahan ko nga yun? Gusto ko lang naman malaman kung totoo ba yun. Matapos kong marinig ang kwento niya mas lalo tuloy akong nagka-interes na alamin ang tungkol dun." Sagot ko.

"Ang sabihin mo, gumagana na naman ang curiosity mo. Kapag may nangyari sa'yong masama diyan, hindi ka namin maililigtas." Sermon ni Kuya.

"Eh gusto ko ngang puntahan eh. Kung gusto mo, sumama ka na lang sa akin. Para may proteksyon rin ako."

The Blood Sucker (SaiDa FanFic Story)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum