Sana's POV

"Mom, una na ako sa kwarto. Magpapahinga na po ako." Paalam ko sa kanila.

"Hoy! Sana! Wag kang tumakas! Maghuhugas ka pa!" Sigaw sa akin ni Kuya pero hindi ko na siya pinansin.

Dumire-diretso lang ako sa paglalakad. Nang akmang papasok na ako sa kwarto namin eh, nahagip ng mata ko yung kwarto na pinagdalhan namin dun sa mayabang na lalaki.

Gusto kong malaman ang nangyari sa kanya kahit naiinis ako. Kaya di ko na namalayan na nasa harapan na ako ng pinto ng kwartong yun.

Agad kong binuksan ang pinto at dahan-dahang pumasok sa loob. Sinara ko naman yun matapos kong pumasok.

Lumapit ako sa higaan kung saan siya nakahiga. Kahit paano naman ay may awa pa rin naman ako.

"Ano kayang nangyari sayo?"

"Siguro, nakalaban mo rin yung mga kakaibang lalaki kagabi."

Para akong tanga habang patuloy siyang tinatanong na akala mo ay magsasalita siya at sasagutin niya ang mga tanong ko.

Tumayo na ako pagkatapos ko siyang titigan ng ilang minuto. Siguro ay mahigit pa nga sa isang minuto na tinititigan ko siya. Namemorya ko na nga ang mukha niya.

Ang singkit niyang mata, ang balat niya na kasing puti ng tokwa, ang labi niyang--

Sandali? Bakit ko ba iniisip ang bagay na ito? Hindi! Hindi! This is not happening.

Agad akong humakbang pero isang kamay ang biglang kumabig saakin. Agad ko itong nilingon at nakita kong gising na siya. Nagpilit rin siyang umupo.

"Ahh!!" Mahina niyang hiyaw dahil sa sakit ng katawan niya.

Agad naman akong lumapit sa kanya at inalalayan siya.

"Wag mo kasing ipilit kung hindi mo pa kaya, Mr. Mayabang." Saad ko sa kanya habang inaalalayan ko siya.

"K-kaya ko na ang sarili ko. Kailangan ko nang makauwi. Baka hinahanap na ako ni Papa." Sagot niya naman.

"Pero hindi ka pa magaling. Tingnan mo nga yang sarili mo. Puno ka ng sugat at nanghihina ka pa. Kailangan mo pang magpahinga." Nag-aalaala kong sabi sa kanya.

Gusto kong mainis dahil sa ginawa niya sa akin. Kahapon lang ata yun siguro.  Grabe. At ngayon ay nagkita ulit kami.

"Salamat. Salamat sa.... pagtulong sa akin." Nanghihina niya pa ring sabi.

"Walang Anuman. Pasalamat ka napaka-curious kong tao. Kahit natatakot ako, sinusubukan ko pa ring alamin ang isang bagay. Nang makita kita dun sa isang malaking puno, natakot ako pero lumapit pa rin ako sayo."

"Salamat. Uhmm.... Ako nga pala si.... Dahyun." Pakilala niya.

"I'm Sana. Sana Andrea Del Luna." Pakilala ko naman saka ngumiti.

"Del Luna? Ahh!" Tanong niya na parang may excitement sa boses niya na napurnada dahil sa pagsakit ng sugat niya.

"Bakit? May problema ba sa apelyido ko?" Tanong ko naman.

"Wala. Nabigla lang ako. Kilala kasi ang mga Del Luna noon sa bayang ito. Kasama ang apat pang pamilya na nangunguna noon." Kwento niya.

"So? Ibig mong sabihin, mayaman at sikat ang pamilya namin noon."

"Uhm... Malapit na dun." Sagot niya.

Napatingin naman ako sa Wall Clock sa kwartong yun. Halos ilang oras na pala kami dito nag-uusap.

"Dahyun? Kailangan ko nang umalis. Ang alam kasi nila natulog na ako eh. Baka magtaka sila." Paalam ko.

"Sige. Salamat ulit."

Kinabukasan, maaga akong nagising. Dumiretso ako sa baba at nakita kong nakahain na si Mom ng umagahan namin.

"Kumain na po ba yung lalaking ginamot natin?" Tanong ni Kuya.

"Hindi pa. Kagabi pa yun eh." Sagot naman ni Granny.

"Hi! Guys!"Bati naman ni Tito na kararating lang.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Granny dito na akala mo ay parang bata ang sinasabihan niya dahil sa paglalakwatsa nito.

"Nag-overtime ako, Ma. Urgent kasi yung project namin. Kailangan na naming matapos kaagad. At saktong nagkaproblema pa." Sagot naman ni Tito.

Tumango na lang si Granny bilang tugon.

"Granny? Ako na lang po ang magdadala ng pagkain dun sa lalaki." Presinta ko.

"Samahan na kita, Sana. Ikinuwento sa akin ni Mom na kinaiinisan mo ang lalaking yun. Kaya sasamahan na kita. Baka sermunan mo siya kapag nagising at mas lalong mabinat." Saad naman ni Kuya.

Hindi ko na sya inintindi. Nagtanong naman si Tito at sinagot siya ni Dad. At ako naman ay kinuha na ang tray ng pagkain at nagsimula nang maglakad papunta sa kwartong yun.

Binuksan na ni Kuya ang pinto pero wala kaming nadatnan na lalaki doon. Di kaya umalis na siya? Pasaway yun ah. Hindi pa nga siya magaling eh.

Dali-dali namang tumakbo si Kuya pabalik kina Dad at ibinalita ang nakita. At ako naman ay naiwan dito sa kwarto.

Paglingon ko sa may side table, may papel doon. At may isang maliit na tela.

Kinuha ko yung tela at May laman ito. Isang kwintas na may disenyong puso. Sa gitna ay may parang butas na korteng susi. Katulad nung kwintas na nakita ko sa palengke.

Kinuha ko naman ang papel at binasa. Dalawang papel yun. Ang isa ay nakapangalan para sa aming lahat at nagpapasalamat siya  sa pagtulong raw sa kanya.

At yung isa naman ay para sa akin.

Nang marinig ko ang mga yabag sa labas, agad kong tinago ang kwintas at ang sulat. Ibinigay ko yung isang papel sa kanila at nagpaalam. Dumiretso ako sa kwarto. Dun ko na lang babasahin ang sulat niya.

The Blood Sucker (SaiDa FanFic Story)Where stories live. Discover now