Prologue

208 6 0
                                    

The Blood Sucker
(SaiDa FanFic Story)

Prologue

Si Sana ay isang adventurous na dalaga. Masyado siyang curious sa lahat ng bagay. Pero sa kabila ng katangian niyang yun, hindi pa rin mawala sa kanya ang pagiging matatakutin. May pagkamaarte rin siya at reklamadora masyado.

Siya ay nagmula sa angkan na siyang tanging natitira na lamang sa lahat ng mga Sinaunang Vampire Slayer.

Ang kanilang angkan na lamang ang nakakaalam ng tanging solusyon para tuluyang matalo ang mga imortal na nilalang na unti-unting sumasakop sa sangkatauhan. Ngunit ang solusyon na yun ay nakalathala sa isang lumang libro na ngayon ay hindi nila alam kung nasaan. Tanging ang kanilang mga ninuno lang ang nakakaalam sa kung saan ito nakakubli.

Makikilala niya si Dahyun, isang Vampire Slayer. Ang kanyang Ama ay naging biktima ng mga Bampira at isa na sa mga ito ngayon. Pero kahit ganun ay may sarili pa rin itong isip at siyang nagtuturo sa kanya.

Kabaliktaran ng ugali ni Sana. Si Dahyun ay matapang at palaban. Wala rin siyang kaarte-arte sa katawan at ginagawa ang lahat nang walang reklamo. Hindi siya gaanong mahilig sa mga adventure dahil ang araw-araw niyang buhay ay ganun na rin naman.

Makikilala nila ang isa't isa dahil sa isang pangyayari na magmumulat kay Sana tungkol sa tunay na nangyayari sa mundo.

Kasama ang kanilang pamilya at mga bagong mga kaibigan na makikilala, magkakasama nilang lalabanan ang kasamaan.

Sa gitna ng mga pangyayari, mahahanap nila ang pag-ibig na magdadala sa kanila ng dagdag na pwersa para mas lalong lumaban.

ABANGAN....

The Blood Sucker (SaiDa FanFic Story)Where stories live. Discover now