Kabanata 47 - Birthday

33.7K 1.3K 1.2K
                                    

This Chapter is dedicated to those people who greeted my girl Flare Peyton a Happy Birthday on Tiktok. 😂

Napabuntong-hininga ako sabay kamot sa aking ulo nang isa na namang matalim na irap ang ibinigay ni Leyla sa akin.

Isang buong linggo ko na itong sinusuyo simula noong gabi na umuwi kami galing sa presinto pero hanggang ngayon nagsusungit parin ito sa akin.

Akalain nyo yun?! Natiis ako ng isang linggo? Tapos kaka-comeback pa lang namin nun ha?!

Paano ba naman kasi, tinanggihan ko kasi ito noong magyaya itong mag ano kasi baka hindi lang yung ano nya ang bumuka kapag nag ano kami...

Kasi diba? Baka pati na rin ang tahi nya sa tiyan bumuka. Diba? Concern lang naman ako sa sugat nya at hindi pa gaanong naghihilom.

Pero heto nga at irap ito nang irap sa akin habang nakaupo kami sa sala at nakaharap ito sa kanyang laptop.

Tumayo ako at naglakad papunta sa gawi nito at saka umupo sa kanyang tabi. "Ley-"

"I'm busy. Don't talk to me."

Napanguso ako dahil heto na naman sya, laging pinuputol ang kung ano mang sasabihin ko.

Muli akong napakamot sa ulo at akma na sanang aakbay dito nang makarinig ng mga katok sa labas ng bahay. Ni hindi man lang natinag ang katabi ko kaya ako na ang tumayo at saka lumapit sa pinto para pagbuksan ang kung sino man ang nasa labas.

"Hi. Nandito ba si Leyla?"

Salubong ang kilay na tinitigan ko ang bakulaw na nasa harap ko at ngayon ay nakangisi pa ng malapad sa akin.

"Matt?"

I mentally rolled my eyes when I heard the excitement on Leyla's voice. Nilampasan ako nito na para bang hindi ako nag-eexist at saka sinalubong ng yakap ang ngayon ay tuwang-tuwa nang kapre.

After they exchanged their hugs and kisses on the cheek, iginiya nito ang unggoy sa sofa na hindi parin ako pinapansin so I decided to go to her room and changed my clothes.

Mabilis akong bumaba at nang magtama ang mata namin ni Leyla ay kunot ang noo nitong binistahan ang suot ko.

"W-where are you going?" tanong nitong nawala ang angas sa mukha.

"I'm going to talk to Victorina."

Mas lalo pang kumunot ang noo nito kaya pinigilan kong matawa.

"Who is that?" she asked na biglang tumalim ang titig sa akin.

"I mean Victoria-"

"Why?"

"There's something I need to discuss to her. Babalik din ako agad. For now..." pinaglipat-lipat ko ang tingin sa kanilang dalawa bago muling nagsalita.

"...enjoy your bebe time."

At saka ako lumabas ng bahay nito na hindi nagpapaalam. Nakakainis kasi talagang ni hindi man lang ako kinakausap at pinapansin pero pagdating ng bakulaw na yun sobrang saya pa at may pa kiss and hug oang lalaman. Edi wow!

I stepped on the gas at mabilis na lumabas ng bakuran nito. Mabilis ang patakbong binagtas ko ang daan papunta sa inuupahang bahay ni Victoria at buntong-hiningang napangiti ng malungkot.

I feel bad for her, to be honest. Vic is a good person at nakakalungkot lang na dahil sa kapatid nito ay naubos ang lahat sa kanya. Nang malaman din nito ang nangyari sa kapatid ay halos mawalan ito ng ulirat dahil sa natanggap na balita.

But at the end of the day, she accepted Denise' fate. Sinabi nitong pinagbayaran nito ang nagawa ng kapatid kay Leyla at pati na din sa akin at sa tatay ko. Humingi din ito ng tawad sa lahat ng mga nagawa ng kanyang kapatid sa amin. We've talked a lot actually, kasama na din si Leyla.

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now