Kabanata 34 - Vanished

23.5K 923 721
                                    

"W-what? With Charlie too?" nanlulumong tanong ko.

She slowly nodded her head and look me straight in the eye. Tumaas ang dalawang kamay nito at hinawakan ang mukha ko.

"You said you trust me, right?" mahinang usal nito.

Napansin kong nanunubig na ang mga mata nito habang haplos-haplos parin ako sa magkabilang pisngi.

"I-ilang araw kayo magse-stay doon? Anong gagawin nyo?" tanong ko na hindi ito sinagot. Nagsisimula na namang bumilis ang tibok ng puso ko sa mga naiisip ko. Andaming paano.

Paano kung hindi na ito bumalik? Paano kung sa pagbalik nito, kasal na ito kay Charlie? Paanong kung ipilit ng mga parents nila ang kasal at hindi sila makabalik? Paano na ako?

"George, we'll be staying there for four days. But I promise you, I'll be back okay? I promise you, kapag may nangyaring masama, uuwi ako kaagad. Uuwi ako sayo...sayo lang, Georgina."

"I trust you."

Yun lamang ang nasabi ko.

Okay na sana eh. Graduate na ako eh. Pwede na sanang ipangalandakan sa lahat na girlfriend ko si Leyla. Pwede ko na sanang ipagmalaki sa lahat na ito ang mahal ko. Pero bakit andaming nagiging hadlang?

Napabalik ako sa kasalukuyan nang hawakan ni Leyla ang isang kamay ko.

"Wait for me, please? Four days, George. Apat na araw lang ang kailangan ko. Charlie and I have already planned to tell our parents na hindi kami magpapakasal sa isa't-isa."

Napakurap-kurap ako. "You'll do that?"

Tumango ito. "Yes. We've already planned to ruin the engagement party and let everyone knows that we're against it. I don't care about my parents reputation. I don't care if they'll be mad at me. I just want to be with you. To spend my lifetime with you. Sigurado na ako, Georgina..."

She cupped my face again and leaned closer. "...sigurado na ako sayo."

My tears started to fall down on my cheek when she said it. Tila ba lahat ng agam-agam sa puso ko ay biglang nalusaw sa mga sinabi nito. Sigurado na din ako sayo.

I felt her fingers wiped my tears and kissed my cheek. "Wait for me, my love. I'll be back. Babalik ako sayo, mahal ko."

Napapikit ako nang muli kong maramdaman ang labi nito sa akin. I kissed her back slowly at nang maghiwalay kami ay pinakatitigan ko ito.

"Hihintayin kita."

--

"Umaambon pa. Ayaw mo bang mag stay pa muna saglit?" tanong ko nang lumabas kami ng bahay.

She shook her head no. "I'm sorry, George. Nasa bahay sila Dad and I need to prepare my stuffs too."

Tumango naman ako dito. "Wait, may kukunin lang ako." ani ko at mabilis na pumasok sa bahay. Nang makita ang hinahanap ay agad din naman akong bumalik sa labas at nakangiting nilapitan ito.

"Wear this, Ley." isinuot ko sa kanya ang varsity jacket ko na may nakalagay na apelyido ko sa likod. Isinuot ko din sa kanya ang baseball cap ko at nang maayos ay malawak akong napangiti.

"Bagay na bagay sayo--"

"Mas bagay tayo."

Awang ang bibig ko nang magsalita ito at maya-maya'y mahina akong napahagikgik. Nagiging cheesy na talaga ang dating masungit na professor ko eh.

I snaked my arms around her waist at mataman itong tinitigan. "Bagay na bagay, Ley. Kaya sa akin ka lang."

She softly smiled and pecked my lips again. "Sayo lang, George."

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now