Kabanata 23 - 1 Versus 1

28.9K 1.1K 835
                                    

"1v1? W-what's that? Is that a food?"

Natawa ako ng malakas na ikinairap naman nito kaya marahang iginiya ko ito sa sofa at pinaupo sa aking tabi. Para naman itong mabait na bata na sumunod sa akin at mabilis akong hinarap na nagtatanong ang mga mata.

I playfully grinned when I intensely looked her in the eyes. Pansin ko ang paglunok nito ng laway nang dahan-dahan akong lumapit dito at inabot ang kanyang dalawang kamay. Nang mahawakan ang mga ito ay marahan kong minasahe ang mga daliri nito bago ko inilapit ang aking bibig sa tenga nito na kanyang ikinabigla.

"Ready your fingers, Miss Ventura. Dahil mapapasabak ang mga 'yan sa 1v1 natin." I seductively whispered.

Pigil na pigil ang tawa ko nang napasinghap ito kasabay ng pagtulak sa akin palayo at naniningkit ang mga matang tinitigan ako.

"What the hell are you talking about, Muriedo?!" sigaw nito sa akin.

"Sabi mo babawi ka, diba? Nakalimutan mo na bang sinabi mong sayo lang dapat ako kumalampag?" usal ko at pinigilang matawa dahil sa sama ng tingin nito.

"What the heck?! I don't even know what kumalampag means!!"

"Oh? Eh bakit mo sinabi yun na parang alam mo?" pang-aasar ko pa.

Natigilan ito. She looked so confused kaya kagat-labing napangisi ako. Ang cute nya! Bwisit!

"I-I don't know. Flare just told me that luluhod and kakalampag were just like sasambahin at gugustuhin. There's nothing wrong with it!" pairap nitong usal.

Awang ang bibig at hindi makapaniwalang tinitigan ko ito. Sinabi ni Flare yun? Ang gagang yun! Matapos ang ilang sandaling katahimikan ay malakas akong napabunghalit ng tawa. Umilag pa ako nang sinubukan nya akong hampasin sa braso at nang hindi ito magtagumpay ay hinuli ko ang mga kamay nito at mabilis na hinila palapit sa akin.

"Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin nun, Ma'am?" kagat-labing ngisi ko.

"I don't know and I don't care. Stop it, Georgina. You're so annoying--"

"Yung ginagawa ng mga nagha-honeymoonjxgfhfhjddjdbd-"

Hindi ko na naituloy ang mga sasabihin ko nang binusalan nito ang aking bibig gamit ang kanyang kamay. Tatawa-tawang lumayo ako dito matapos kunin ang kamay nitong ipinantakip sa bibig ko.

"Gosh! I hate your dirty mouth."

"I'm just kidding, Miss Leyla. Ang seryoso mo naman." tatawa-tawang usal ko.

Inirapan lang ako nito ulit at nagtataka nang magpalinga-linga ako sa gawi nito.

"What?"

Ang sungit!

"Where's your phone, Ma'am?"

Nagtatakang tinitigan ako nito pero kinuha din naman ang phone nito sa loob ng shoulder bag na nasa likod.

Akmang kukunin ko na ito sa kanyang kamay nang mabilis nito akong pinigilan. "Anong gagawin mo sa phone ko?" kunot-noo nitong tanong.

"Hey!"

Mabilis kong hinablot ang phone nito na hindi pinansin ang kanyang tanong at napasimangot nang may password ito.

"Password?"

"Ano muna?"

"Ivi-video natin, Ma'am--awwww!!!" napangiwi ako nang walang ano-ano'y hinagis nito ang shoulder bag sa akin. Ang sakit din nun ah! Parang may bato pa yatang laman sa bigat nun eh.

"Sisipain kita palabas ng office kung hindi ka titigil!" nanggigigil na sabi nito.

"Ang sakit nun, Ma'am ha! Ganyan ka ba? Sabi mo you like me pero sinasaktan mo ako." nguso ko dito.

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now