Kabanata 13 - Wish

27.1K 1.2K 1.3K
                                    

Luminga-linga ako sa paligid para hanapin ang pamilyar na pigura na namataan kong tumakbo paalis ng lobby ng hotel.

Nagpupuyos ang kalooban kong hinanap ito kani-kanina pa nang dumating ang ambulansya at dalhin ang kaibigan ko sa ospital.

Then finally, I saw her na palabas ng resort at bago pa man ito makasakay ng kotse ay tinawag ko ito.

"Denise!"

She stopped on her track and faced me. Kunot ang noo nitong pinagkrus ang mga braso sa dibdib nito.

"What?"

"What happened?" kalmado kong tanong dito. I'm giving her the benefit of the doubt but once na malaman kong may kinalaman ito sa pagkalunod ng bestfriend ko ay ako na mismo ang sisingil at maglulublob dito sa tubig.

"What what happened, Amanda? It was an accident." she shrugged.

"You're a swimmer, Denise. Don't fool me." I coldly answered. Naiinis ako dahil parang wala lang dito ang mga nangyari.

"Well, guess what? Even the fittiest and toughest swimmers could feel leg cramps too."

"Pero bakit mo hinayaan si Flare?! I saw you with my own eyes, Denise. Hinayaan mo lang sya!" nanggagalaiti kong usal dito.

"Gosh, Amanda! What's not clicking? I told you it was an accident. Hindi ko rin ginusto ang nangyari." salubong ang mga kilay na sagot nito sa akin. At sa hindi inaasahan ay bigla itong ngumisi.

"Isa pa, hindi ko naman alam na ganun pala ka-lampa ang kaibigan mo."

Parang nagpanting ang tenga ko sa narinig kaya mabilis akong lumapit dito at mahigpit na hinila ang kwelyo nito papunta sa akin. Ramdam ko ang panunubig ng nga mata ko sa inis at galit dito. Sinasagad nya ako!

Our face were just few inches apart and I whispered angrily. "Don't you dare call my friend lampa, Denise! Baka lumpuhin kita!" nag-iinit ang pisngi kong banta dito. Nang wala itong isinagot ay nagpatuloy ako.

"Oras na malaman kong sinadya mo ang pagkalunod ng kaibigan ko, ako mismo ang makakalaban mo, Denise! Mark my word, sisiguraduhin kong igaganti ko si Flare mula sayo! Pangit ka!"

"Muriedo!"

Hindi ako natinag sa pamilyar na boses na tumawag sa apelyido ko at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakakapit sa kwelyo nito. Napansin kong napatiim-bagang ito at unti-unting namumula ang mukha nitong sinalubong ang galit na mga mata ko.

Then suddenly, may mga braso na humapit sa bewang ko at hinila ako palayo dahilan upang mabitawan ko ang kwelyo ni Denise.

"Stop it, Miss Muriedo. Are you out of your mind?!" singhal nito sa akin at pagkatapos ay hinarap si Denise.

"Go home, Denise. The company driver is waiting for you."

Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa amin at sa huli ay napunta sa mga braso nitong nakapulupot sa bewang ko.

And then I realized, nakayakap parin pala si Miss Leyla mula sa likod ko! Oh gosh!

Bigla akong napalayo dito na ikinakunot ng noo nito.

"So, is she your new toy, Ley? Naka move on ka na talaga sa akin? Mas masarap ba sya?" ngisi nito kay Miss Leyla.

Tangina, Denise?! Pinagsasasabi ng chararat na 'to?! Kung meron mang toy dito, sya yun. Mukha syang si Chaka Doll na pinagulong-gulong sa tae ng kalabaw!

"What are you talking about?" salubong ang kilay ni Miss Leyla na nagtanong dito.

"Sya na ba ang ipinalit mo sa akin? Really? Downgrade yan, Leyla?"

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now