Kabanata 50 - Epilogue

41.5K 1.3K 974
                                    

Note: Unedited!

"Miss Casabuena! Wait!"

Napalingon ako sa dalawang pigura kung saan ang isa ay pamilyar na sa akin na ngayon ay mabilis na naglalakad habang ang isa naman ay habol ang hiningang tumatakbo palapit dito. Nakaguhit sa mukha ng huli ang pangamba at takot kasabay nang paghawak nito sa braso ni Riley para pigilan ito.

"Miss Gertrude, please hear me out! Let me explain! Nagka-emergency lang po sa bahay kaya hindi ako kaagad nakaalis. Please, let me take the exam. Please, ma'am."

Hindi ko na namalayan na napahinto ako sa paglalakad dahil na din sa nasasaksihan ko ngayon. I checked my wrist watch and it was already nine in the morning. Meaning, first schedule of the examination's already done kaya ngayon ay mayroong 30-minute break bago magsimula ang pangalawang exam ng mga estudyante. Na late ba ito sa kanyang exam kay Riley?

Napabalik ang tingin ko sa dalawa nang mapansin ang pagbuga ng hangin at pagpikit ni Riley bago nito hinarap ang kanyang estudyante at saka pabalyang tinanggal ang kamay nito na ngayon ay nakahawak parin sa kanyang braso.

"You're almost two hours late, Miss Franco." seryosong usal nito at mas humakbang pa palapit sa estudyante nitong ngayon ay napaatras dahil na din sa takot nito.

"And if you are telling the truth, bakit kita nakitang nanggaling sa office ni Miss de Leon? Care to explain?" naniningkit ang mga mata nitong hindi inaalis ang pagkakatitig sa mukha ng kaharap nito.

"M-miss Charlotte-"

"Call her Miss de Leon, Miss Franco."

"N-nakita po ako ni Miss de Leon na tumatakbo sa daan kaya s-sinabay niya na po ako dito." the student explained at narinig ko pang may sinasabi pa ito nang may umagaw sa pansin ko.

"Miss Ventura!"

Napalingon ako kay Mr. President na ngayon ay malawak ang ngiti habang papalapit sa akin kaya napangiti ako at sinalubong ito.

Bago pa man ito makalapit sa akin, naagaw ang pansin ko nang dumako ang aking tingin sa likod nito dahil hindi ito nag-iisa habang papalapit sa gawi ko. May kasama itong isang hindi pamilyar na mukha dahil ngayon ko lang ito nakita dito sa loob ng University.

"Good morning, Miss Ventura. How are you?" Mr. Stefano greeted me.

I gave him a warm smile before I answered. "Good morning. I'm great, Sir."

He nodded. "That's good. Anyways..." luminga ito sa kanyang likod at saka hinawakan sa braso ang babaeng nasa likod nito at iginiya palapit sa akin.

"This is my only daughter, Miss Ventura. Caroline. Kakauwi niya lang galing New York and next sem, dito na siya mag-aaral. Third year." wika nito at saka sinenyasan ang kanyang anak na batiin ako.

"Hi. Nice to meet you, Miss Ventura. I'm Caroline Stefano." she offered her hand and I immediately accepted it.

"Hello, Miss Stefano. Nice to meet you." I smiled widely and shook our hands.

"Please call me Caroline, Miss Ventura." pagkatapos nitong sabihin iyon ay pinisil nito ng mahina ang kamay ko kaya napunta dito ang tingin ko. Nang ibalik ko ang tingin sa kanyang mukha ay nahuli ko ang mabilis na pagdaan ng mapaglarong ngiti sa labi nito. Hindi ko na lang ito pinansin at saka tipid na nginitian ito.

"Okay, Caroline." tanging nasambit ko at mabilis na binawi ang kamay mula sa pagkakahawak nito.

Muli itong ngumiti at saka humakbang palapit sa kaniyang ama.

"Oh before I forgot. I have a favor to ask, Miss Ventura." napabalik ang tingin ko kay Mr. Stefano nang magsalita ito.

"Yes, sir. Ano po iyon?"

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now