Kabanata 1 - Panyo

56K 1.3K 959
                                    

"I'm breaking up with you! I'm sorry!"

"W-what? W-why? M-may nagawa ba ako? Tell me! Hindi mo na ba ako mahal?" naiiyak na sabi ng babae sa kausap nito.

"I'm sorry, pero wala na akong maramdaman para sayo. I'm inlove with someone else. Sorry."

Matapos sabihin yun ay ang tunog ng sumarang pinto ang naulinigan ko sa labas at ang paghikbi ng babaeng iniwan ng jowa nito.

Well, nandito lang naman ako sa loob ng cubicle at umiihi. Hindi ko naman alam na may drama palang magaganap sa labas. Kung alam ko lang edi sana hindi ko na tinuloy ang pag-ihi ko, ayan tuloy mga 20 minutes din akong nagtitiis umupo sa inidoro at nakikichismis sa kanila. Pasensya na pero hindi rin naman kasi nila ako masisisi kung nag eavesdrop ako diba?

Tsaka ayaw ko din naman na maistorbo sila. Mala-teleserye kasi yung nangyari eh. Iniwan ba naman yung tatlong taon na naging jowa sa kakakilala lang nito? Tskkk. What a jerk!

Narinig kong umiiyak parin ang babae sa labas kaya napag desisyonan ko nang lumabas.

Napasinghap ako nang sa paglabas ko ng cubicle ay agad na nagsalubong ang mga mata namin ng babaeng sawi sa pag-ibig dahil iniwan ng kanyang jowa. Pero gago! Iniwan lang nang basta-basta ang napakagandang dyosa na 'to?! Seryoso?? Damn, man!

Agad itong nagbawi ng tingin sa akin at naghilamos ng mukha. Namamaga ang mga mata nito at namumula din ang mga ilong dahil sa kakaiyak ngunit aaminin ko, hindi nabawasan ang kagandahan nito. This lady is gorgeous...no....This lady is ethereal. Ang ganda ng mga mata nitong kulay bughaw. Ang mga labi na natural na mapupula, oh gosh, ang kissable mammeh! Ang ganda din ng maliit ngunit matangos nitong ilong at higit sa lahat, ang napakasexy nitong jawline. Shit! My weakness!

"You eavesdropped...it's rude."

Napabalik ako sa kasalukuyan nang magsalita ito. Naramdaman kong namula ang pisngi ko dahil huling-huli ako nito...kagaya nang paghuli nito sa puso ko. Charot!

"I'm sorry, miss. It was kinda awkward to disturb you two." pagrarason ko dito.

Hindi na ako muli nito tiningnan at pinansin matapos sabihin yun pero nakita kong tumulo na naman ang luha nito. Dahan-dahan akong umusog palapit dito at kinuha ang panyo sa bulsa ko at in-offer dito.

She just stared at it at muling pinunasan ng kanyang mga palad ang kanyang mga luha.

"Miss---"

"I don't need that." masungit na pagputol nito sa sasabihin ko. Sus, sya na nga ginagawan ng mabuti, sya pa masungit eh.

At dahil sa matigas ang ulo ko, kinuha ko ang kamay nito na ikinagulat nito at mabilis na inilagay ang panyo sa mga palad nito. Inis na sumulyap ito sa akin kaya ngumisi ako dito.

"Use it, Miss. It's okay." napatango-tango pa ako dito para mas lalo itong makumbinsi.

Umirap muna ito at mas lumawak pa ang ngisi ko nang inilapit nito ang panyo sa kanyang mukha. I thought she was going to wipe her eyes but my smirk instantly faded nang malakas itong suminghot sa panyo ko. Rinig na rinig ko ang tunog ng sipon nito kaya napangiwi ako dito.

Ilang minuto na akong nakatulala sa harap ng salamin at hindi parin ako gumagalaw. Hawak-hawak ko sa mga kamay ko ang panyong may sipon nito at hindi makapaniwala sa ginawa nito. Matapos lang naman kasi nitong suminghot ay agad nitong nilagay sa palad ko ang panyo at saka walang paalam na lumabas ng cr. At shutaena, ramdam na ramdam ng palad ko ang malagkit na sipon nito. Fuck it!

Kung ganito lang naman ang matatanggap ko kapag gumawa ng mabuti edi sana hinayaan ko na lang syang umiyak nang umiyak kanina. Psh! Buti na lang maganda sya eh.

Matapos kong maghugas ng mga kamay ay lumabas na din ako ng cr. Ang maingay na paligid, usok ng sigarilyo at halo-halong amoy ng mga alak ang sumalubong sa akin. Mag-isa lang naman akong pumunta dito sa Jayro's at saka wala namang problema dahil suki naman na din ako dito. Isa pa 19 na ako kaya pwede nang gumala at pumasok sa mga bar.

Inilibot ko ang tingin sa paligid at agad namataan ng mga mata ko ang babaeng sawi sa pag-ibig. Nasa bar counter ito at mag-isang umiinom at halatang lasing na. Napag-isipan kong tumabi dito at umorder ng drink.

Pasulyap-sulyap ako sa gawi nito at hindi ko mapigilang tumingin dito, sobrang ganda talaga nito, hindi nakakasawang titigan eh. Napadako din ang tingin ko sa mga legs nito, nakasuot ito ng maikling silk bodycon dress at hapit na hapit ito sa katawan nito. Sexy!

Pansin ko din ang ibang kalalakihan na napapatitig dito at sa katawan nito kaya sinasalubong ko ng masamang tingin ang mga ito at agad din namang umiiwas. Nakakadiri talaga ang mga lalaki! Eww!

Ibinalik ko ang tingin dito nang marinig ko itong umorder ulit ng alak. Pailing-iling akong nakatunganga lang dito habang umiinom din ng aking alak at pinagmamasdan lang itong uminom. Ayoko nang makialam pa dito dahil baka mamaya hindi na lang sipon ang mahawakan ko kundi pati ang suka nito no!

Sa isang paglagok nito ng alak ay ang pagtama din ng mga mata namin. My heart instantly beat so fast sa hindi malamang dahilan kung kaya napaiwas ako ng tingin dito. Ano ba ang nangyayari? Pakiramdam ko tuloy ay may mga nagkakarera sa loob ng dibdib ko sa lakas ng pagtibok nito.

Nang ibalik ko ang tingin dito ay namumungay na ang mga mata nito dahil sa kalasingan. Kahit anong pilit ko sa sariling magpigil ay hindi ko na nagawa nang akma ulit itong iinom kaya kinuha ko ang baso sa kamay nito.

"Hey, that's mine. Give it back to me." lasing na usal nito at sinubukang abutin ito sa mga kamay ko.

"No, Miss. That's enough! You're too drunk to drink another one." Mas lalo kong iniiwas ang baso dito nang sinubukan nitong tumayo and I froze in my seat nang masubsob ito sa akin dahil sa kalasingan nito at nang marealize ang aming posisyon.
Her right hand is on my thigh while her left hand is on my right boobie. Mas lalo pang nagulo ang pag tibok ng dibdib ko nang sa leeg ko masubsob ang mukha nito. I could feel her hot breath on my neck and I gasped when I heard her moan at the same time ay ang pagpisil nito sa boobie ko. Oh my goodness!!

"Hmmmm so soft, baby." she drunkenly mumbled in my neck. Agad nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan nang maramdaman ko ang mga labi nitong gumalaw nang magsalita ito.

"M-miss---"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang marahan itong humiwalay sa akin at napatitig sa dibdib ko. Naniningkit ang mga mata nito at maya-maya ay humagikgik ito na hindi parin inaalis ang kamay sa boobie ko. "Gosh, they're so big." kasabay ng pagsabi nito ang pagpisil ulit nito dito. Fuck!

My eyes widen when I felt her hand squeezed it again. Of my fucking gosh!! What the hell?! Gulat akong naitulak ito at mabilis ding nahawakan ulit nang muntikan itong matumba at masubsob sa counter.

"Leyla!" napalingon ako sa pamilyar na boses na sumigaw at nakita ko ang babaeng palapit sa amin. Nakatitig ito sa babaeng sawi na ngayon ay nakapikit na ang mata habang nakasandal sa akin.

"Goodness! Buti na lang at naisipan kitang balikan dito. What the fuck are you doing?!" singhal nito sa wala nang malay na babaeng tinawag nitong Leyla. Kaya pala pamilyar ang boses nitong kadarating lang na babae, sya ang kausap nito kanina!

Agad nitong hinablot sa akin ang ex nito at hirap na inalalayan ito patayo.

"You need my help--"

"No! Stay away from her!" putol nito sa akin at masama akong tinitigan. Okay? Goodness! What an asshole. Matapos iwan ang jowa nito, sa akin pa ito may ganang magalit? Buti nga hindi ko pinabayaan yun eh. Tssss.

Sabi ko na hindi talaga maganda ang babalik sa akin kapag tinulungan ko ang babaeng yun eh. Pero kawawa naman kasi kapag hinayaan ko lang, mamaya mapahamak pa. Edi konsenya ko pa? Diba? Maganda pa naman. Tsk!

Pero agad din akong napakagat sa aking labi nang maalala kung paano nito pinisil ang boobie ko kanina. Gosh! Buti na lang talaga at dumating yung maldita nyang ex! Kasi naman eh....pisil lang naman yun pero sumakit agad ang puson ko. Shutacca Mandy! Talande talaga! Tssss!





A/N: Hi guysss. So eto na po ang story ni Mandy! I hope na magustuhan ninyo. :)

Votes are much appreciated poooo. Thank you and love you all! ❤

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن