Kabanata 25 - Rage

28.2K 1.1K 407
                                    

Ang maingay na paligid, usok ng sigarilyo at amoy ng mga alak ang agad na sumalubong sa amin ni Flare pagkapasok na pagkapasok pa lang ng bar.

Adrenaline rushed into my system nang makita ang mga nagkakasayahang mga tao sa paligid kaya malawak akong napangiti. I held Flare's arms and pulled her into the bar counter. While doing so, I roamed my eyes around noticing everyone's stare at my bestfriend. Definitely, she's a head turner.

We were both wearing a bodycon dress at ang pinagkaiba nga lang, nakasuot ako ng black satin bodycon dress while my bestfriend was wearing a creamy silk dress. Hinayaan ko lamang na nakalugay ang aking buhok at nag apply ng light make-up sa mukha.

Nang makarating sa bar counter ay agad kaming sinalubong ng nakangiting waiter kaya napangiti na din ako dito.

"What's your drink, Madams?" tanong nito at hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagsuri nito sa mga dibdib namin ni Flare. I know agaw pansin ang dibdib ko dahil na din sa nakalitaw ang cleavage ko ngayon. But I don't care, asset ko 'to. Maglaway kayo!

Flare and I both smirked dahil we all know, hanggang tingin lang naman ang waiter na ito sa dibdib namin.

Muli kong inilibot ang tingin sa paligid at nang magsimulang mag-play ang nakakaindak na tugtog ay napapasunod ang katawan ko dito. Gosh! I missed this!

Mas lalo pa akong naexcite dahil nga kasama ko ang bestfriend ko ngayon at ito ang unang beses na makakasama ko itong mag-saya.

We started to drink our liquor at kapansin-pansin ang pananahimik ng katabi ko. Hinawakan ko ito sa balikat at mabilis naman itong tumingin sa akin. "You need to loosen up, babe."

She smiled at me at muli kaming tumungga ng alak. Wala namang problema kapag nalasing kaming pareho dahil nakausap na din namin si Arkiela na kapag dumating ang hating gabi at hindi pa namin sya natatawagan ay ito na mismo ang pupunta ng bar para i-check kami.

Nasa malapit lang din kasi ang bahay nito kaya wala daw problemang sunduin kami kapag nalasing kami pareho ni Flare.

Lumipas pa ang ilang sandaling pakikipag-inuman ay ramdam ko na ang pagkahilo, though kaya ko pa naman dahil alam ko pa ang mga ginagawa ko.

Nakikisabay din ako sa pagsayaw mula sa upuan ko dahil ang ganda talaga ng mga pinapatugtog nila ngayon. I wanted to dance kasama ng mga nagwawalang mga tao sa gitna ng dance floor, pero hindi ko naman pwedeng iwan si Flare lalo pa at mukhang nahihilo na din ito. I need to look after her dahil ako ang nag-invite sa kanya dito.

Habang nag-eenjoy na tumitingin sa paligid ay maya't-maya din ang pagkukwentuhan namin ng katabi ko. I know she was getting drunk dahil na din patawa-tawa na ito na hindi nito palaging ginagawa.

We were talking about something nang may mamataan ako sa isang table. I knitted my brow when I saw that it was Miss Andy kasama ang mga hindi ko pamilyar na mga mukha. But I could tell na mga teachers din ito dahil na din sa dalawa pang mga kasama nito na alam kong mga teachers ito sa college department. Pito silang lahat at alam kong mga lasing na din ang mga ito base na din sa mga ginagawa ng mga ito ngayon.

"Is that Miss Andy?"

I heard Flare asked. Tumango ako dito at muling tumungga ng alak. Gosh! Gusto na talagang magwala ng katawan ko.

Dahil sa ayaw ko naman iwanan si Flare ay dito na lang ako sa upuan sumasabay na umindak.

When I looked at Miss Andy's table again ay nagulat pa ako nang mahuling sa akin ito nakatingin. I know she was drunk dahil namumungay na din ang mga mata nito.

Nang magtama ang mga mata namin, she raised her glass and smirked at me. Kinuha ko din ang baso kong may lamang alak at katulad ng ginawa nito, I raised mine too. We both sipped our drink at napapilig ako ng ulo dahil sa hilo na nararamdaman ko. Yeah, lasing na nga talaga ako.

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now