Bonus Chapter (Finale) - Fireworks

32.5K 892 546
                                    

A/N: This chapter contains a character-crossover from Sweet Surrender Side Story 2 (a little bit of spoiler below) by Heradevils. Rest assured that I got the permission and approval from the author herself. Enjoy reading. :)

PS. Not Edited.

Amanda

Sipping my coffee jelly, napakunot-noo ako nang mapansin ang pigil na ngiti sa labi ni Leyla habang tumitipa ito sa kaniyang phone. Pansin na pansin ang pigil na kilig nito dahil na rin sa pagkagat nito sa kaniyang ibabang labi kaya mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko.

Agad namang napalitan ng maliit na pagngiti ang pagkunot-noo ko nang tumingin ito sa akin.

"Love, may pupuntahan ako mamaya, okay?" Biglang usal nito na nagpahinto sa akin para muling uminom ng kape.

"Saan?"

Napakibit-balikat ito. "I'm going to visit my childhood friend, my love. I'll be back before 8pm, okay?"

"8 pm? At bakit ka gagabihin ng uwi?" Anas kong tiningnan pa ang oras sa pambisig kong relo. It's 4 in the afternoon at nandito kami sa paborito kong coffee shop matapos naming maghanap ni Leyla ng asong aampunin.

"Matagal na rin kasi kaming hindi nagkita, George eh, and dahil mamaya lang talaga siya free, pumayag na ako." Sagot nito na may ngiti sa mga labi.

"Hmm. Do you want me to drive—"

"No!" Agad na putol nito sa sasabihin ko kaya tinitigan ko ito nang may paghihinala.

"I mean, idaan mo na lang ako mamaya sa company niya, love." Pagbawi nito at saka sumubo sa kaniyang red velvet cake.

"Where?"

"RIBC." Mabilis na sagot nito na nakapag-patigil sa akin.

"Wait. RIBC? That's a broadcasting company, right?" Paninigurado ko na ikinatango nito.

Kibit ang balikat na muli akong uminom ng kape ko at saka hindi inaalis ang tingin sa mukha nitong napasandal sa aking inuupuan.

"Why are you smiling so widely?" I suddenly asked nang muli kong makita ang pag ngiti nito habang may binabasa sa phone.

"It's just that...my friend is so funny right now, Georgina." Natatawang tugon nito na ikinairap ko. Konti na lang talaga at pagseselosan ko na kung sino man ang kausap nito sa phone.

Ni sa buong oras na nakaupo kami dito sa shop, halos sa phone lang nakatutok ang atensyon nito eh, at hindi sa akin. Hindi ko rin mawari at tila ba parang ang saya-saya nito ngayon na para bang hindi ito nag rant at umiyak kahapon na gusto na nitong magka-baby.

That is why nandito kami ngayon at naghanap ng asong makakasama namin para naman sumaya ito kahit papaano at heto nga at kahit wala pang aso ay biglang nagbago ang mood nito.

Muling napukaw ang pansin ko nang marinig ko ang pagsinghap nito kasabay nang mahinang pagtili.

"Oh, gosh. Love, puwede mo na ba akong ihatid ngayon sa company niya?" Excited na tanong nito bago muling napakagat sa labi.

I took a deep breath and nodded. Hindi ko maintindihan pero sa ipinapakita nitong saya at sigla na makitang muli ang sinasabi nitong childhood friend ay may mumunting selos akong nararamdaman.

Stop it, Mandy! Ngayon ka pa ba maghihinala at magseselos sa mga gagawin ni Leyla kung kailan dalawang buwan na rin kayong kasal?

I mentally slapped my head. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko dahil lang sa may kausap itong iba ngayon.

Agad naman kaming umalis at nagtungo sa kompanya ng kaibigan nito. Nang makarating, namamanghang napatitig ako sa magara at mataas na building na nasa harap namin. RIBC o Ricci International Broadcasting Corporation—ang pinakasikat na broadcasting company sa bansa at hindi lamang dito kundi pati na rin sa ibang bansa.

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now