Kabanata 5 - Flare

28K 986 459
                                    

"I am expecting you to comply all of your requirements before the sem ends. You're all graduating now and I hope you'll take initiative as it is all your responsibilities. I know how it feels...the pressure, the expectations of everyone around you....." nakapangalumbaba lang ako ngayon habang nakatingin at nakikinig kay Miss Zabuel na patuloy na nagsasalita sa harapan.

Matagal ko nang pansin ang kagandahan ni Miss Zabuel, pero iba parin talaga ang kagandahan ni Miss Ventura para sa akin, walang katulad.

Buntong-hininga akong napanguso at unti-unting lumilipad ang isip sa propesor kong dalawang linggo ko lang nakasama sa iisang klase noon. Isang taon at kalahati na din ang nagdaan at ngayon, huling sem ko na. Graduating na ako.

Kapag naman talaga minamalas eh no? After two weeks kasi, bumalik na din si Sir Joe nun kaya ayun, hindi ko na ulit nakita pa si Miss Ventura dito sa University. Huling pag-uusap namin noong nasa cr pa kami eh. Pagkatapos nun, parang hangin na lang ulit ako at laging si Denise ang nakikita. Ouch pain diba? Ang hirap magmahal nang taong may mahal namang iba.

Huling kita ko noon kay Miss Ventura, sa labas na ng University at kasama nito ulit si Denise and I don't know kung nagkabalikan ba ang mga ito o ano. Matagal na din yun eh.

"....Now I want all of you to be prepared because starting next week, I'll be giving you your schedule for your practice teaching--"

Natigil si Miss Zabuel sa pagsasalita nang may mahihinang katok na nagmumula sa pinto. Napatingin kaming lahat doon at nakita kong tiningnan ni Miss Zabuel ang kanyang attendance sheet.

"Come in."

Pagkabukas ng pinto ay isang napakagandang babae ang bumungad sa amin at nag-aalalang napatingin sa harap. Hindi ito pamilyar sa akin at ngayon ko lang nakita, bagong classmate ba to?

"Mukhang transferee." bulong sa akin ni Jady na katabi ko.

"G-good afternoon po, Ma'am. Sorry I'm late, nahirapan po akong hanapin ang classroom po." mahinang usal nito. Awww cutie naman.

"You're Ms. Fuenteval?" tanong ni Miss Zabuel habang nakatutok parin ang mga mata sa attendance sheet nito.

"Yes, Ma'am." tumango ito.

"Come here and introduce yourself. Ikaw na lang ang hindi nagpapakilala sa klase." seryosong sabi ni Miss Zabuel dito.

Nakasunod ang mga tingin namin dito habang naglalakad ito sa gitna. "Good afternoon, everyone. I am Flare Peyton Fuenteval. 21 years old from Alegria." pagpapakilala nito sa klase kaya napangiti ako. Ang pretty nya talaga.

"Take your seat." Miss Zabuel coldly said.

Ayyy, bat biglang cold? Ice ka, ma'am? Ice ka lang ba?

Napansin kong napapitlag ang bagong classmate namin dahil sa kalamigan ni Miss Zabuel kaya tinawag ko ito.

"Hey, tabi ka dito." napatingin ito sa akin kaya nginitian ko ito at tinuro ang upuan sa tabi ko.

"Thanks." nakangiting sagot nito matapos umupo sa bakanteng upuan.

"Welcome. I'm Mandy. Flare, right?" I offered my hand at tinanggap din nito agad yun.

She nodded her head. "Yes. Nice to meet you."

Ngumiti ulit ako dito at agad din namang napaayos ng upo nang magsalita ulit si Miss Zabuel.

"This afternoon, we will just be having our orientation. As it's our first day meeting tonight. Majority of you knows me already but I'll introduce myself again as we have a new student here."

Saglit itong napatingin sa katabi ko. "I am Three Chastity Zabuel. You can call me Miss Zabuel or Miss Chastity. I teach preschool so I will also handle you in your practice teaching in the elementary department or if not me, it might be Ms. Ventura." mahabang paliwanag nito na sa tingin ko ay para kay Flare.

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now