Kabanata 41 - Betrayal

26.3K 1.1K 1.3K
                                    

"I want to go home, Charlie. I'm going back to the Philippines."

Napaangat ako ng tingin mula sa pagbabasa ng libro nang marinig na magsalita si Leyla na ngayon ay may kung anong inaayos sa isang folder.

"What?" tanong ko dahil hindi ako sigurado sa mga narinig ko.

Umirap ito na ikinatawa ko ng mahina.

"I want to go back to the Philippines, Cha. Gusto ko nang umuwi. Can I?" at ayon na nga, nagpacute pa sabay lapit para ipulupot ang mga braso sa bewang ko habang ipinatong naman ang baba nito sa balikat ko. She's back hugging me.

"Kaka-opera mo lang, babyahe ka na kaagad?" salubong ang kilay na hinawakan ko ang braso nito para ilayo ito sa akin.

Higit isang taon na din simula noong magising ito mula sa pagkaka-coma. Limang buwan din itong nakahiga lamang at tatlong buwan naman na hindi makapagsalita.

Sa loob ng mga buwang iyon, naghalo-halo ang mga emosyong nararamdaman nito. Most of the time, Leyla felt frustrated dahil pinipilit nito ang sarili na makatayo na mula sa pagkakahiga.

But she couldn't.

Kapag ganoon ang mga scenario, iiyak na lang ito nang iiyak at maya-maya pa ay aaluin ko ito para tumahan na.

Noong bumalik ang boses nito, palagi nitong bukambibig na kailangan nitong magpalakas at magpagaling kaagad para makauwi na ng Pilipinas at makitang muli si Amanda. Kapag ganoon ang nangyayari, palagi ko ding pinapaalalang may bago na ito saka ito tatahimik at sasabihing "I just wanted a proper closure.", but I know deep inside she was still hoping for a comeback pero masyado nang malabo iyon. It's been five years already.

She keeps on pushing herself to stand at sa determinasyon at pagsisikap naman nito, unti-unti din itong nakabangon kaya nagtuloy-tuloy na din ang pagte-therapy nito at sa awa ng Diyos, maayos na itong nakakagalaw katulad ng dati.

But I just hate the feeling na kapag tinutulungan ko ito noon na magpalit ng damit, palaging napapadako ang mga mata ko sa mga sugat nito sa katawan. It really hurts me seeing her scars and wounds on her tummy and on her back. Mayroon din itong maliit na tahi sa likod ng ulo nito na mapapansin lamang kapag hahawakan mo ito.

"Mag-iisang buwan naman na, Cha. Don't worry about me. Kaya ko na ang sarili ko." sagot nitong nakanguso at saka bumalik sa pag-aayos ng mga papel na hawak nito.

One month ago, palagi na lang itong nagrereklamo na masakit ang tyan kaya napagdesisyonan naming ipatingin ito sa doktor. That was when we found out na may maliit na bubog ng salamin mula dito na nakuha noong naaksidente ito kaya agaran din itong inoperahan.

Sabi ng doktor ay mga two months pa bago ito tuluyang maghilom kaya pinaalalahan itong mag-ingat palagi at huwag gagawa ng mga bagay na makakaapekto sa opera nito since three weeks pa lang ang sugat nito.

"What's that?" takang tanong ko na itinuro ang papel at mga folder na hawak nito.

She softly smiled. "Legal documents ng company nila George."

Napakunot-noo ako. "And?"

"I managed to negotiate with Mr. Badilla and here it is. This will be my birthday gift for her, Cha." nakangiti parin ito nang sabihin iyon na agad ding nawala nang marinig ang tanong ko.

"You wanna give that to her personally?"

I noticed her bit her lip and shook her head. "No. Hindi nya na kailangang malaman na sa akin galing 'to. I'll send this to her anonimously."

Napatango ako at saka malalim na bumuntong-hininga. "Okay. Prepare your things because....we're going home."

Halatang nagulat ito sa sinabi ko dahil sa pagkabitin ng hawak nitong folder sa ere. I chuckled and reached for her arms at marahan itong ibinaba. "We're going home, Leyla. Uuwi na tayo ng Pilipinas."

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now