Kabanata 2 - New Professor

39.6K 1.1K 323
                                    

Excited akong bumaba ng aking sasakyan at pasipol-sipol na nagpatuloy sa paglalakad papasok ng University. Sino ba naman kasi ang hindi maeexcite diba, Third year na ako, new sem na naman, meaning, new friends at new subjects. At last, tapos ko na lahat ng mga Math subjects ko. Hindi na ako mape-pressure kada papasok ako kasi sobrang strict nang naging professor ko noon. Suplada na nga, di pa maintindihan ang mga tinuturo. Buti na nga lang talaga nakapasa pa ako eh. Tamang copy lang sa mga seatmates. Lol

Medyo panatag din ako this sem kasi gusto ko yung mga major subjects ko at kilala ko din ang mga professors ko, at isa na lang ang minor subject ko which is PE nga, tapos nahalo pa kaming mga Pre-School students sa Engineering dahil anim lang naman kami.

"Hi Mandy!"

"Good morning, crush."

"Maganda ka pa sa umaga, Amanda baby!"

Rinig ko ang mga fans kong binabati ako habang naglalakad ngayon sa gitna ng hallway ng campus papuntang classroom at tanging mga flying kiss, kaway at mga ngiti lang ang tugon ko sa kanila. Ayaw ko naman na matuyuan ako ng laway kung iisa-isahin ko pa silang batiin. Nakakapagod kaya yun!

"Mands!" napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita kong hinihingal na tumatakbo si Kate papunta sa akin.

"Oh?"

"Wait!" nahahapong kumapit ito sa balikat ko.

"Bakit ka ba kasi tumatakbo? Ang aga-aga stressed na yang mukha mo. Gayahin mo ako oh, chill-chill lang kaya mas maganda pa ako sa umaga."

I heard Kate snorted and lightly punched my arms. "Ang aga-aga, mahangin na."

"Hindi naman ako nagsabi nyan, yung isang fan ko." irap ko dito.

"Psh! Ewan ko sayo."

"Hey! Watch your steps!" biglang singhal ng babaeng nakasabayan ko papasok ng classroom dahil nagkabanggaan kami sa pinto. Si Kate naman kasi ayaw bumitaw eh.

Nang makapasok ako sa classroom ay nilingon ko kung sino yung nakabanggaan ko. Nanlalaki ang mga mata ko nang matitigan ko ito. Oh wow! Small world! Eto yung babaeng iniwan ang jowa dahil may mahal nang iba, na literal din na iniwan sa bar! Gagi! Magiging classmate ko pa pala ang babaeng 'to.

Bigla na namang pumasok sa isipan ko ang babaeng iniwan nito. It's been two months nang mangyari yun, pero minsan sumasagi parin talaga ito sa isip ko. Kumusta na kaya yun? I doubt na nakamove-on na yun. Pinagpalit ba naman sa iba. Tsk!

Nabalik ang atensyon ko sa kasama ko nang hinigit na naman ni Kate ang braso ko. Sa likod kami umupo dahil nasa likod na din ang apat pa naming mga classmates na kinawayan kami. Hirap talaga kapag ibang blocks kasama sa klase eh, ang awkward.

"Balita ko part-timer lang yung teacher natin ngayon sa PE. Bale baka mga two weeks lang sya magsa-sub. On leave daw kasi si Sir Joe kasi nadisgrasya sa motor nya. Kawawa naman." Si Kate.

"Weeeh? Di nga? Kilala mo ba sino magsa-sub?" singit ni Jady.

"Hindi eh." kamot sa ulong sagot ni Kate. "Kilala mo ba, Adi?"

Umiling din ito. "Ang alam ko lang, teacher daw yun sa Elementary Department. Sa Preschool din."

"You mean si Miss Andy?" curious na tanong ni Arkiela.

"Hindi. Yung isa. Nakalimutan ko pangalan eh." kakamot-kamot na usal ni Adi.

"Hindi naman siguro si Miss Three yun diba? Prof natin sa major subject yun eh." sabat ulit ni Kate.

Bored na nangalumbaba ako sa upuan ko dahil hindi ako makarelate sa kanila. Hindi ko naman kasi kilala yung mga pinag-uusapan nila pwera na lang kay Miss Zabuel kasi teacher namin yun last sem. Baguhan lang din yun dito eh. Kakalipat lang din kaya ito lang ang kilala ko.

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora