Kabanata 20 - Sweat

28.8K 1.2K 750
                                    

(Amanda Georgina Muriedo)

"Pauwi na ako ng Manila, Mands. Meet tayo pagbalik ko dyan ah, may kwento ako."

Malawak akong napangiti nang makatanggap ng text message mula kay Flare na uuwi na ito. Paano ba naman kasi, higit isang linggo din itong nawala simula nung mangyari ang pagpapakalat ng video ni Miss Zabuel sa buong campus. Pasalamat na lang din talaga at hindi ko na nakita pa dito si Denise kundi makakalbo ko talaga ang bruhang yun.

Miss na miss ko na talaga ang bestfriend ko at buti na lang ay uuwi na din ito. Alam ko kasing umuwi ito ng probinsya nila dahil sa nangyari sa nanay nito at dahil na din sa mga nangyari noong nakaraan. Buti na lang at natapos na din ang lahat. Hindi ko lang alam kung ano na ang nangyari sa kanila ni Miss Zabuel. Huling kita ko ay noong tinanong ako nito kung nasaan ang bestfriend ko.

Na expelled na din si Denise dito sa University at hindi na talaga ito nagpakita pa. Serves her right, chararat sya!

Napukaw ang atensyon ko at napataas ang tingin nang makarinig ng mga nagtatawanan sa pangatlong table mula sa kinauupuan ko. Nandito ako sa cafeteria at kumakain ng lunch. Saktong pag-upo ko kasi kanina ay bigla namang dumating si Miss Leyla....kasama si Charlie.

Malungkot akong napayukong muli sa aking phone dahil hindi ko yata sila kayang titigan na masyadong magkalapit at masaya.

It's been a week since dinala ko si Miss Leyla sa bahay nang magkasakit ito. After I broke down in front of her, pinilit ko ang sarili kong maging maayos kaya wala na ding nagawa si Miss Leyla noong lumabas ako para mag luto ng dinner. I let her stay sa kwarto ko habang sa guest room ako natulog. Sinigurado ko naman muna na komportable sya bago ko sya iwan para makapagpahinga.

Maaga din naman ako nagising nang sumunod na araw para ipagluto ito ng breakfast but she insisted na umuwi na at doon na lang daw kakain. I have no choice but to follow her. She just said her appreciation and thanked me bago ito umalis.

At ngayon nga, after nang encounter na yun, isang linggo na din itong umiiwas at hindi ako pinapansin. Hindi naman na ako nagtataka dahil in the first place, yun naman talaga dapat diba? Nagkataon lang naman talagang ako ang nakakita dito noong gabi na kailangan nito ng tulong.

Sa loob ng isang linggo, palagi ko syang nakikita at nakakasalubong ngunit kapag nararamdaman kong umiiwas nga ito ay umiiwas na din ako. Sometimes when she's around, pasikreto akong sumusulyap dito lalo na kapag practice time namin. Nagugulat na lang ako minsan kapag napapasulyap ako dito, nagtatama ang mga mata namin na mabilis din nitong iniiwas.

I sadly smiled when I heard Charlie said something na ikinatawa ng malakas ni Miss Leyla. Ang saya naman.

Habang nakatingin sa aking phone para lang maiiwas ang tingin sa dalawang taong nasa harap ko ay bigla na lang akong napapitlag nang may nagpatong ng isang frappe sa mesa ko. When I looked up para malaman kung sino iyon, ang magandang ngiti ni Riley ang sumalubong sa akin. Awang ang mga labing nakatingala ako dito habang nakayuko naman ito sa akin.

"Missed me?" she sweetly asked. The way her eyes twinkled made me smile widely too.

"Rai." mahinang usal ko dahil hindi ako makapaniwalang nandito na ito.

Isang linggo din kasi itong wala dahil sa seminar na dinaluhan nito kaya nga doble hirap sa akin na wala na nga ang bestfriend ko, wala din itong katabi ko ngayon para makausap ko.

Tumabi ito sa akin habang malawak parin ang ngiti sa mga labi. Her white pearly teeth are showing at isa talaga ito sa favorite ko sa kanya. Ang ganda ng mga ngipin nya.

"How are you? I missed you, Mands." she softly said na pinisil pa ang ilong ko bago ako hinalikan sa pisngi.

"Akala ko ba bukas ka pa uuwi?" kunot-noo kong tanong dito na hindi sinagot ang tanong nito.

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن