Kabanata 3 - Team Sports

30.3K 1K 495
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon ay ang pang-apat na araw na pagtuturo ni Miss Ventura sa klase namin.

For the past three days, she finished discussing about the syllabus and introduction of Physical Education which focuses on Team Sports/Game Sports. Sa loob ng tatlong araw na yun ay pansin na pansin kong palaging nagnanakaw ng tingin si Miss Ventura kay Denise girl. I know ako lang ang nakakapansin dahil ako lang naman ang nakakaalam kung ano ang mayroon sila.

It also saddened me dahil mukhang hindi talaga matandaan ni Miss Ventura na ako ang nakasama nito after itong iwan ni Denise girl sa loob ng cr. Siguro dahil na din sa kalasingan nito noong time na yun kaya wala talaga itong maalala.

Nandito ako ngayon sa locker room para magbihis ng aking PE uniform because starting today, palagi na kaming di-deretso sa covered court para sa aming mga activities.

For our midterm, magfo-focus ang klase namin sa basketball at sa finals naman ay sa volleyball. Though I already have a background knowledge about those two sports dahil hilig ko naman talaga ang sports, naeexcite parin akong pumasok sa klase nato dahil more on physical activities na kami. Di pa kasali na crushie ko si Miss Ventura ah. Shet kilig! Rawr!

We are 35 students in class and Miss Ventura grouped us into 7. Limang grupo kami lahat at may isang sumali sa amin from engineering since anim lang kaming nasa education department. Kilala din naman namin ito so hindi na awkward.

"Everybody, gather around with your group." Miss Ventura started to call us in the middle of the basketball court.

Mabilis kaming nagkumpulan sa harap nito at napako ang tingin ko sa suot nito. She's wearing a simple plain white shirt at maong pants na fit dito na pinartneran din ng white rubber shoes. She's just wearing a simple outfit pero lutang na lutang parin ang kasexy-han nito. Gosh! Nakalugay din ang wavy black hair nito kaya mas lalo talagang nadadagdagan ang appeal nito. Ang sarap talagang jowain! Ugh!

"We will be having our tournament starting today and we will be using the round robin tournament since our class consists of five groups." she explained while she roams her eyes around us and as expected, tumigil ang mga mata nito kay Denise girl.

"To start our game today, group one and group two, please remain in your place and the other groups, you may go back to the bench." nagsunuran ang mga kasamahan ko at dahil kabilang ako sa group two ay naiwan ako with my group.

I checked our opponent's members and I pouted when I saw that Denise girl is part of it.

"Now group one and group two, you already have chosen your captain ball, right?" Everyone nodded including me.

"Okay! Captains, please move forward."

I stepped forward dahil ang mga walanghiya kong mga kaibigan ay pinagkaisahan ako at ako nga ang ginawang captain ng team.

Nagulat naman ako nang kasabayan kong lumapit kay Miss Ventura si Denise girl na napatingin din sa akin sabay taas ng kilay. Great! Sya pa talaga ah!

Nang ibalik ko ang tingin kay Miss Ventura ay kagat-labi itong nakatitig kay Denise at mabilis din namang binawi ang tingin.

Muli akong ngumuso dahil grabe ah, wala ba sa vocabulary nito ang mag move on sa ex nitong iniwan ito? May mahal na ngang iba diba? Duh! Move on, move on din, Ma'am. Halata namang wala na kayong chance magkabalikan ng ex bebe mo eh. Psh!

Napapitlag ako nang sa pagtingin kong muli kay Miss Ventura ay nahuli ko itong napadako ang tingin sa nakanguso kong labi. But I guess nadistract lang ito at hindi aware na napatingin. Wag umasa, Mandy! Nakamamatay yan!

Bumalik ang atensyon ko sa harap nang makitang sumenyas si Miss Ventura sa likod namin. Lumingon ako at nakitang papalapit ang referee na kinuha nito. Gosh! Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.

"Both of you, pwesto sa gitna. We'll start the game now."

Sumunod kami sa utos ng ref at apat sa mga grupo namin ay pumasok na ng court. Lumabas na din si Miss Ventura at naupo sa table nito kaharap ng timer nito.

I heaved a sigh and focused my mind into our game. Nang pumito ang ref at hinagis ang bola ay nagsimula akong lumundag para abutin ito.

Luckily, I hit the ball at napunta ito sa team ko.

Lumipas ang ilang minuto ay patuloy parin kami sa paglalaro ng basketball at ramdam ko na ang pawis na tumatagaktak sa mukha at katawan ko. Ramdam ko na din ang pagod at hapo pero patuloy parin kami sa paglalaro.

We are now in our fourth quarter and the score is 42-47, lamang kami ng lima. Habang paliit nang paliit ang natitirang time ay mas lalong nagiging intense ang laro namin at nararamdaman ko na din ang pagiging aggressive ng mga kalaban namin.

I was dribbling the ball at tumatakbo patungo sa basket namin when one of our opponent bump into me at nawalan ako ng balanse at natumba sa semento. Dahil na din si Denise ang humahabol sa akin mula sa likod ay nagulat ito at hindi na nagawang huminto dahil sa momentum kung kaya napatid ang paa nito sa balikad ko na nakapag padapa din dito.

I groaned in pain when her foot made contact with my shoulder. Dahil sa sakit na nararamdaman ko ay hindi ko magawang bumangon at hinawakan na lang ang balikat kong nasaktan dahil sa lakas ng impact ng pagkakapatid ng paa nito sa akin.

"Mandy!" I heard Kate shouted my name and I saw her and my other friends approaching me.

"Denise!" my eyes darted to Miss Ventura and I saw her worried face while running towards her ex.

"Are you okay, Denise? Does it hurt?" hindi ko na marinig ang mga sinasabi ng mga kasama ko dahil tanging boses lang ni Miss Ventura ang nangingibabaw sa akin.

I chuckled bitterly at pinilit na bumangon kahit na masakit ang aking balikat sa tulong na din ng pag-alalay ng mga friends ko. Kung titingnan, okay lang naman si Denise at nakabangon din kaagad na walang iniindang sakit compared to me na pakiramdam ko ay magkakapasa na sa init na nararamdaman ko sa loob ng t-shirt ko.

I saw Miss Ventura's arms snaked into Denise' waist at tinulungan itong makaupo sa bench.

"Mands, ayos ka lang ba talaga? May masakit ba sayo? Need mo na ba itakbo sa clinic?" sunod-sunod na tanong ni Kate.

Bakit ganito? Crushie ko lang naman ito. Pero bakit ganito na lang ang nararamdaman ko? Bakit naman ako nakakaramdam ng sakit na kahit simpleng sulyap lang sa akin o pagkumusta sa kalagayan ko ay hindi nito nagawa? I'm also her student, right? Normal lang naman siguro na mag-alala din ito sa akin as her student, right?

"My shoulder...it hurts." wala sa sarili kong usal habang hindi parin inaalis ang tingin kina Denise. Miss Ventura is now wiping her face at binigyan ito ng tubig para uminom. What a lucky ass!

"Dito ba? Masakit, Mands?" I heard Arkiela uttered and caressed my shoulder.

Bakit ganun? Bakit mas nangingibabaw naman yata ang sakit sa puso ko kesa sa balikat ko? Why naman ganun? Why am I feeling this? Why? Normal bang maramdaman ito kung tanging paghanga lang naman ang nararamdaman ko para dito? Pero bakit ganito na lang kasakit? Bakit?

"Oo, masakit."

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now