SDTR: Kabanata 43

Start from the beginning
                                    

"Seriously, Claire?" Ngumingising tanong niya. "Oo nga!" Depensa ko.
Pero tinawanan niya lang ako, hinila ko siya palabas ng cr para makapasok ako pero huminto siya at hinarap ako. "Maligo ka na rin, gusto kang makita ni Ara." Aniya na nagpalundag sa puso ko!

Sasagot na sana ako pero napatingin nanaman ako sa labi niya kaya mabilis ko nalang isinara ang pintuan at doon ako nagsisigaw dahil sa kahihiyang inabot ko sa kanya.

Tahimik lang kami ni Ethan buong biyahe pero naririnig ko ang mahinang pag ngisi niya na may halong pang aasar sa akin at sa tuwing titignan ko siya ay bibigyan niya lang ako ng malapad na pag ngiti.

Napapailing nalang ako dahil alam kong hanggang ngayon ay pinagtatawanan niya ako sa isipan niya.

Nang makarating kami sa isang restaurant ay kaagad kong nakita doon sa loob si Ara na katabi si Marcus at may buhat buhat na baby, sa tingin ko ay yun na ang anak nilang dalawa.

Nakaramdam naman ng saya ang puso ko nang makita ko si Sebastian na panay ang halik doon sa kamay ng anak nila Ara at rinig na rinig ko ang halakhak ni Seb, aliw na aliw siya doon sa bata.

Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Ethan at naramdaman ko ang pagkapit niya sa baywang ko. "Are you alright?" Bulong niya.

Bumaling ako sa kanya at nakita ko ang pag aalala sa mukha niya, nginitian ko siya saka tumango ako. "Sabihin mo lang sa akin kung hindi ka komportable. Okay?" Paalala niya, tinanguan ko siya at naglakad na kaming dalawa palapit sa kanila.

Kaagad kaming nakita ni Ara at hindi maitatanggi ang kasiyahan sa mukha niya, "Seb, Daddy oh!" Turo ni Ara sa amin at mabilis na lumingon sa amin si Seb na kanina ay abala sa pakikipag laro sa anak nila Ara. Sa nakikita ko ngayon ay mukhang maayos na si Seb sa pamilya ni Ethan, mukhang alam na nila ang tungkol kay Sebastian at nasisiyahan ang puso ko sa katotohanang iyon.

Napaka lapad ng ngiti ni Sebastian, "Daddy!!" Sigaw niya at tumakbo siya palapit kay Ethan saka nagpakarga dito!

"Hey, little boy." Sambit ni Ethan at napangiti ako nang halikan niya sa pisngi ito habang karga karga.

"Sorry, Daddy, sumama ako kela Tita Ara. Because I heard that you are talking with her in the phone." Paliwanag niya, medyo tumangkad ng kaunti si Seb at sa naaalala ko ay April ang birthday niya at tapos na iyon, apat na taon na siya ngayon at nakakaramdam ako ng panghihinayang dahil hindi ko nasaksihan ang birthday niya. Sana ay naging masaya siya nung araw na yon.

"It's okay, natapos mo na ba ang homework mo?" Usisa ni Ethan sa anak.

"Yes, Daddy! Tinulungan ako ni Tita Monique." Masiglang kwento niya, tumango tango si Ethan sa kanya. Ilang sandali pa ay bumaling sa akin si Seb, ngumuso siya at kita ko sa mga mata niya ang pagkalungkot.

Hinila niya sa tainga si Ethan at may binulong siya doon. Tumingin sa akin si Ethan.

"Tita Claire." Bulong ni Ethan sa anak, "Daddy!" Suway ni Seb sa ama na nagpatawa sa akin. Sobrang nasabik akong makita na ganito sila kalapit sa isa't isa.

"I'm not going to talk to her Daddy, unless you allow me to call her as my Mama Claire." Bulong lang iyon pero hindi nalagpasan ng tainga ko upang marinig.

"Sisteret!" Natauhan ako nang marinig ko ang sigaw ni Ara, lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng sobrang higpit. Tumayo naman si Marcus at hinalikan ako sa pisngi.

Hindi ko maiwasang pagmasdan ang anak nila, lalaki ito at masasabi kong ang cute cute nito.

"Baby, Austin, si Ninang Claire oh." Masayang sabi ni Ara habang kinakaway kaway pa niya ang kamay ni Austin, tumungo ako upang mapagmasdan mabuti si Austin at masasabi kong ang lakas ng dugo nitong si Marcus.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Where stories live. Discover now