Capitulo 29

115 7 0
                                    


Aria's Pov

"If you want ate sa hotel mo nalang isurprise si Kuya Cyrus. We can talk to kuya Lance, pwede naman niyang ipaayos yung hall doon." Ani Maxene ng magpatulong ako sa kanya.

"Pwede naman, pero nakakahiya kay Lance, baka busy iyon eh."

"Makakapag-bigay iyon ng time sa atin. Don't worry ate kaming bahala. Ano bang balak mo sana bukod sa isurprise siya?"

"Sasagutin ko na din siya sa mismong birthday niya." Nakangiting sinabi ko.

Napanganga at nanlaki ang mata ni Maxene dahil sa gulat. "Really? Oh my gosh I'm excited!"

"Wag ka lang maingay ha."

"Sure ate, you can trust me. Siguradong masaya ang birthday celebration ni Kuya. Sino pa ba invited?"

"Gusto ko sanang makausap ang daddy mo at si Don Ignacio."

"Si daddy sigurado pupunta iyon, pero si lolo? Naku malabo ata."

"Malay mo hindi ba? Kaya pwede mo ba akong samahan sa mansion niya? Kakausapin ko siya."

"Sige ba ate, pero dad is here. You can talk to him."

Sinamahan ako ni Maxene na puntahan ang daddy niya na nasa study room. Agad naming sinabi ang plano sa kanya at sinabi naman niyang makakapunta siya at gastos na niya ang ibang kailangan.

Masayang lumabas kami ng study room, si Don Ignacio na ang pupuntahan namin. Saktong lalabas na sana kami ng bahay ay nakasalubong namin si Savory at Sir Oliver.

"Oh no." Bulalas ni Maxene.

"Bakit?" Tanong ko.

"Talk to him, siya kasi ang inutusan nina Kuya Kendrick na maging body guard namin." Bulong ni Maxene.

Tiningnan ko si Sir Oliver na seryoso lang naman. Kinausap ko naman ito pumayag naman siya pero syempre kasama namin siya.

"Bakit kasi ako pa ang inutusan na maging guard ng mga iyan eh." Reklamo nito habang nagmamaneho."

"They trust you, that's why." Ani Savory. Sumama din kasi ito.

"Ang dami kong inaatupag dinagdagan pa nila."

"Bakit ka kasi pumayag big bro Oliver?" Tanong ni Maxene

Hindi naman iyon sinagot ni Oliver.

"Nandito na tayo."

Kumabog ang dibdib ko ng pumasok ang sasakyan sa napakalawak na bakuran ni Don Ignacio La Torre. Hindi ko pa siya nakakaharap pero kinakabahan na ako.

Naabutan namin siya na nasa likuran at naglalaro ng golf. Binati siya ng dalawang apo niya na napakasaya ng makita ang kanilang lolo.

Napalunok ako ng dumako ang tingin niya sa akin.

"Dinala namin si ate Aria dito, may sasabihin kasi siya." Ani Savory. Naglakad ito papunta sa upuan at umupo.

"Magpakuha kayo ng meryenda." Utos nito sa dalawang apo na agad namang sumunod. "Maupo ka." Anito naman sa akin.

Huminga ako ng malalim at naupo. Nakatingin lang siya sa akin. Hinihintay ang sasabihin ko.

"Nandito po ako para sana yayain kayo sa gagawin naming surprise party para kay Cyrus."

"Anong meron?"

"B-birthday po niya kasi."

Tumango naman ito. "Ilang taon na siya dapat mag-asawa na, para may batang tumatakbo dito." Aniya. Siguro gusto na nitong magkaroon ng apo sa tuhod. "Kailangan ba ang kasal niyo?"

His Name is CYRUSजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें