Capitulo 10

100 7 0
                                    


Aria's Pov

"Si Cyrus?" Tanong ko kay Lance.

"May pinuntahan lang sila ni Kuya Ken, bukas pa sila babalik. Hindi ba siya nakapag-paalam sayo?"

Umiling ako. Kaya naman pala dalawang araw ko na siya hindi nakikita, hindi ko din naman siya matawagan hindi ko na tuloy masabi sa kanya ang mga nalalaman ko lalo na't bukas na ang party.

"May problema ba Aria?" Tanong ni Lance. Tiningnan ko siya, sa kanya ko kaya sabihin?

"Lance may sa—."

"Mr. Lance La Torre!"

Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa narinig kong boses ng boss ko. Nakatalikod ako mula sa kanya.

"Harold." Sambit ni Lance.

Dahan-dahan akong humarap, nginitian ko si Sir Harold, nagulat naman siya ng nakita niya ako.

"Arianna what are you doing here? Magkakilala kayo?" Tanong nito sa amin ni Lance.

"Ah—."

"Hindi po, nakasalubong ko lang po siya eh may gusto lang po sana akong tanungin tungkol dito sa hotel." Putol ko sa sasabihin ni Lance, nagtatakang tumingin si Lance sa akin, kinausap ko naman siya gamit ang mga mata ko na sabayan nalang niya ako. Delikado kapag nalaman ni Sir Harold na kilala ko ang mga La Torre baka kung ano ang isipin niya.

"Ah yeah, she's just asking me something." Ani Lance, nakahinga naman ako ng maluwag.

"This is my new secretary Aria." Pakilala nito sa akin. "He is Lance La Torre, ang nagpapatakbo sa hotel na ito."

Nginitian ko si Lance. "Hello po sir, isa po pala kayong La Torre." Kunwaring sinabi ko. Nagtataka man ay tumango na lang ito.

"She will be my date tomorrow sa party." Ani Sir Harold. Nagulat ako dahil hindi naman ako pumayag nung tanungin niya ako.

"Talaga?" Tanging nasabi nalang ni Lance, halatang nagulat din naman ito.

Tiningnan ako ni Sir Harold at sumilay ang ngiti sa labi niya. Pagbibigyan ko siya, papayag na akong maging date niya para nakasunod lang sa kanya ako bukas at malaman kong anong binabalak nila ni Gregory.

____

Third Person's Pov

"I'm bored here! Hindi ako makalabas dahil wala akong pera! Hindi ko ma-contact si Cyrus, gusto ko ng umuwi!" Naiinis na sinabi ni Brie sa kausap sa telepono na si Gregory. Ginamit niya ang landline ng hotel dahil wala siyang cellphone.

"Don't worry Brie, tutulungan tayo ni Harold. Gagawa siya ng paraan para makauwi ka and he is willing to help us para makabangon ulit ang negosyo natin."

"Ano naman ang kapalit?"

"I can't tell you, sa amin nalang iyon. "

"Come on Gregory! Parang alam ko na kung ano iyon!" She shouted. "Wag na wag kang gagawa ng kung ano lalo na't hindi pa mabango ang pangalan mo!"

"Let's not talk about this Brie, tatawag nalang ako kapag pwede ka ng umuwi."

"Wag na! Ramdam ko na babalik si Cyrus dito, madami lang ata siyang ginagawa dyan. Baka magtaka pa iyon kung sinong tumulong sa akin na makauwi."

"Sa tingin mo ba ay babalikan ka ng taong iyon? Sinadya kang iwan dyan Brie!"

"How sure you are? Hindi magagawa ni Cyrus iyan sa akin because he's crazy in love with me."

"Bahala ka." Sabi ng kanyang nobyo. "Sa tingin mo ay makakabalik ang lalaking iyon dyan pagkatapos ng mangyayari bukas?"

Napatayo ng maayos si Brie. "What do you mean?"

His Name is CYRUSOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz