Capitulo 21

94 9 0
                                    


Cyrus Pov

"Hi Miss." Nakangiting bati ko sa babaeng busy sa pagtipa sa keyboard. Secretary ata ito ni Tita Hari.

Nagningning ang mga mata niya ng makita niya ako. Napatayo siya, inayos niya ang damit niya at inalis ang butones ng damit niya kaya kitang-kita ang cleavage nito.

Napangiti ako at lihim na napailing.

"Hi Sir, what can I do for you?" She asked.

"I want to talk to your boss, tita Hari. Tell her that Cyrus La Torre is here." Ani ko.

"Oh I'm sorry sir, but Ma'am Hari is not here. Next week pa siya makakapasok."

"Oh, ganun ba. Sayang naman."

"You can talk to me sir if you want."

"Huh?"

She smiled, nang-aakit na ngiti. "Baka gusto mo akong ilabas sir?"

Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya kaya naman namutla siya. "What's your name?" I asked.

"I'm Dessa."

"Dessa... Hmm." Pumikit ako pero agad ding namang nagmulat . "Beautiful, like you." Sabi ko at kinindatan siya, mas lalo naman siyang namutla. "You know what, if you're not busy later labas tayo, if you want."

"Sure why not."  Pagpayag niya.

"Okay." mas lalo kong inilapit ang mukha ko, sa iginagawad niyang tingin sa akin ay gusto niyang halikan ko siya, nagkatitigan lang naman kami. "Pwede bang pumasok sa opisina ni Tita Hari, may kailangan lang akong iwan sa table niya." I said.

Parang wala sa sarili na tumango siya kaya mas lalo akong napangiti. Lumayo na ako sa kanya, kinindatan ko siya at tahimik na sinundan lang niya ako ng tingin habang papasok sa opisina ni tita Hari.

Nagsimula naman na akong maghalungkat doon. Isa-isang binuksan ko ang mga drawer. Binuksan ko ang mga envelope ay may nalaglag na mga litrato.

I stopped.

Picture ni daddy at tita Hari ang mga iyon. May relasyon ba sila dati? Dito ba nakuha ni Aria ang litrato na nasa kanya? Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at kinuhanan ng litrato iyon bago ibinalik ang mga iyon. Inilibot ko ang paningin ko at huminto iyon sa isang box na nasa taas ng cabinet.

Kinuha ko iyon at binuksan, mga sulat iyon. Mga sulat ni tita Hari para kay daddy! Kinuha ko ang isa at binasa iyon.

'Erick bakit hindi mo sinasagot ang mga sulat ko sa'yo, talaga bang kinalimutan mo na ako. Mas pinili mo talaga si Emilie kaysa sa akin? Nakalimutan mo na ba ang masasayang araw na pinagsamahan natin?'

May relasyon nga talaga sila dati? Kinuha ko ang ibang mga sulat, ipapakita ko kay daddy ito. Binuksan ko ang isang drawer pero naka lock iyon,.mabuti nalang marunong akong magbukas ng kahit walang susi.

Napangiti ako ng mabuksan ko iyon. May baril doon. Baril? Bakit may baril si Tita Hari eh ang alam ko ay ayaw na ayaw niyang humawak ng baril at hindi siya marunong gumamit nito. Sakanya ba ito?

Muli kong inilock iyon. Napatingin ako sa isang pintuan na nandito. Bubuksan ko na sana iyon pero tumawag si Brie.

"What is it?" Tanong ko.

"Where are you? Oliver wants to talk to you."

"Sige pupunta na ako." sabi ko. Babalikan ko nalang ito sa susunod. Lumabas naman na ako ng opisina at nakangiting lumapit sa sekretarya na nakaupo at tulala pa rin. Anong nangyari dito? Na-hipnotismo kaya sa akin?

Umiling ako at nilampasan na siya, wala talaga siya sa sarili kaya di ako napansin nito. Bahala siyang umasa na may date kami mamaya.

____

His Name is CYRUSWhere stories live. Discover now