Capitulo 9

99 7 0
                                    


Aria's Pov

Kanina pa nanlalamig ang mga kamay ko, sa hotel palang ay kinakabahan na ako pero mas lalo akong kinabahan ng papunta na kami sa mansion ng lolo ni Cyrus. Ang dami kong iniisip tungkol sa pamilya La Torre, kung mababait kaya ang ibang moyembro ng pamilya, lalo na ang mga nakakatandang La Torre.

Mahigpit na hinawakan ko ang seatbelt ng pumasok na napakalawak na bakuran ang sasakyan.

"Breath Aria, baka mawalan ka na ng malay dyan."

"Kinakabahan ako Cyrus."

Mahinang tumawa si Cyrus. Inalis na nito ang seatbelt niya, ako naman ay walang balak alisin iyon.

"M-maiwan nalang ata ako dito sa kotse. Hintayin nalang kita."

Lumapit si Cyrus sa akin at siya na mismo ang nag-alis ng seatbelt ko. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Kinakabahan ka nga talaga, don't be. Hindi kumakain ng tao ang pamilya ko." Sabi niya. Lumabas na siya, umikot siya para pagbuksan ako ng pintuan.

Nagdadalawang-isip ako kung bababa ba ako o hindi.

"They're waiting Aria."

Dalawang beses akong huminga ng malalim bago lumabas, sabay pa kaming napatingin sa paparating na sasakyan. Hindi ko makita kung sino ang nasa loob.

Lumabas ang nagmamay-ari ng sasakyan. "Buenos noches." Bati nito, si Sir Neiji pala. Naintindihan ko ang sinabi niya, magandang gabi iyon ang ibig sabihin nun. Kahit papaano ay napag-aralan ko iyon.

"Buenos noches." Bati naman ni Cyrus dito.

"Magandang gabi sir Neiji."

"Nah! Don't call me sir, Neiji nalang."

"S-sige po N-Neiji."

"Wag ka ma ding mag po."

"Pumasok na tayo, they're waiting." Ani Cyrus. Nakasunod lang naman ako sa kanila.

"Oh hi Ate Aria! Mabuti nalang at inimbitahan ka ni Kuya. Halika at dito ka sa tabi namin ni Savory umupo." Ani Maxene ng makita niya ako, hinila ako nito at pinaupo sa gitna nila ni Savory.

"Hi ate!" Bati ni Savory. Nginitian ko naman siya. Nawala ang ngiti ko ng mapansin kong nakatingin sa akin ang mga taong nasa hapag, triple na ang kaba ko. Tatlong ginong at tatlong ginang ang nandoon na hindi familiar sa akin at isang may edad ng lalaki, marahil ay ito si Don Ignacio.

Tumayo ako. "M-magandang gabi po sainyo." Bati ko sakanila habang pinaglalaruan ko ang daliri ko.

"Who is she?" Tanong ng isang ginong, mukha kasing edad ni tatay ito.

"She's Arianna." Pakilala ni Kuya Kendrick sa akin.

"Anak siya ng mga tumulong sa akin." Ani Cyrus at naupo ito sa tabi ni Sir Lance.

"Kumain na tayo."

Tumayo ang balahibo ko ng marinig ko ang boses ni Don Ignacio. Sa pananalita pa lang niya ay nakakatakot na.

Tahimik ang lahat tanging ang kutsara't tinidor lang ang naririnig. Ganito ba sila dito hindi nag-uusap tuwing kumakain?

"Kumakain ka lang ng kumain ate, huwag kang mahiya." Nakangiting sinabi ni Maxene.

"What's your family name iha?"

Sadyang nagulat pa ako sa tanong ng daddy ni Cyrus.

"Castillo po."

"Castillo." Ulit nito. "Well thank you for saving my son."

"W-wala pong anuman."

"If you don't mind pwede ko bang tanungin kung anong pangalan ng ama mo?"

His Name is CYRUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon