Capitulo 23

103 7 0
                                    


Aria's Pov

"Uuwi ka na ba?" Tanong ni Beth sa akin pagkatapos ng last subject ko.

"Hindi, didiretso ako sa Ace Corporation."

"Hindi ka ba nahihirapan?"

Ngumiti ako. "Hindi naman. Sanay na ako. Oh siya mauna na ako. Kita nalang ulit tayo bukas." Sabi ko. May isang subject pa kasi siya kaya naunang natapos ang akin. Lalabas na sana ako ng gate pero nakita ko ang kotse ni Harold, nasa parking lot ito. Bumukas ang bintana at sumilip ito.

"Get in." Utos niya. Hindi ko alam na susunduin niya ako, hindi man lang siya tumawag.

"Hindi mo sinabi na susunduin mo ako."

"Wala akong ginagawa kaya nagpunta na ako dito, may mga hindi ka pa natapos na files?"

"Madami pa." Tipid na sinabi ko.

Binuksan naman nito ang radyo, sakto naman na ang balita ay tungkol sa mga La Torre, ilang issue na ang ibinabato sa mga ito.

"Sinasabi ko na nga ba eh, may mga itinatagong baho ang pamilyang La Torre, masyado sila malinis sa paningin ng lahat pero ngayon ay madumi na." Umiiling na sinabi ni Harold.

Sumandal lang naman ako at tumingin sa labas.

"Dyan mo ba gustong mapunta Arianna?"

Kunot-noong sinulyapan ko ito.

"Gusto mong mapunta sa mga La Torre kaysa sa pamilya ko?"

"Anong sinasabi mo?"

"Hindi ako tanga Arianna, alam kong may nararamdaman ka para kay Cyrus. Kaya mas gugustuhin mong mapunta sa mga adict kaysa sa akin na matino, mas pipiliin mo pa ang drug adict kaysa sa akin?"

"Hindi adict si Cyrus, hindi siya gumagamit ng droga. Napakabuti niyang tao." Pagtatanggol ko.

"Says who? Hindi mo siya kilala Arianna, hindi mo kilala ang pamilya nila kaya wag mo siyang ipagtanggol." Anito at inihinto ang sasakyan niya. "Ako dapat ang kampihan mo dahil ako ang boyfriend mo." Napansin ko ang pag-igting ng baga niya. Ito na naman siya, baka masaktan na naman ako.

"Nagsasabi lang ako ng toto— aray Harold ano ba!" Sigaw ko ng sakalin niya ako, naalis ko naman agad ang kamay niya. "Alam mo ikaw ang mas nagmumukhang adik!" Sigaw ko at lumabas ng kotse niya.

"Arianna! Where are you going?!" Sigaw niya at lumabas.

Agad akong pumara ng taxi at mabilis na pumasok. "Magkita nalang tayo sa opisina mo!" Ani ko sa kanya, narinig ko ang malakas na pagmura niya.

Pagdating ng kompanya ay inihanda ko ang sarili ko sakaling may gawin si Harold sa akin.

"Is Harold there?" Tanong ng taong nasa likuran ko, tinig ng babae iyon.

Humarap ako sa taong iyon. "Wala pa p—."

"You! How come that you're still here?!" Sigaw ni Ma'am Hari, galit siya "Bakit hindi ka pa sinesante ni Harold?!"

"M-ma'am s—."

"Kung hindi ka kayang alisin ni Harold ako na ang mag-aalis sayo! From now on you're no longer working here because your fired!"

Napapikit ako dahil sa sobrang lakas ng boses niya. Huminga ako ng malalim bago iminulat ang mga mata, mula sa likod ni Ma'am Hari ay nakatayo na doon ang i ang staff at nakatingin na sa amin.

"Ma'am magpapaliwanag po ako, bumalik po ak—."

"I don't need your explanation! What I want is you must leave and don't show your face again, killers daughter!"

His Name is CYRUSWhere stories live. Discover now