Capitulo 3

113 9 0
                                    


Cyrus Pov

'I don't love you.'

'Pera lang ang habol ko sayo.'

'Hindi kita minahal!'

'Pera lang ang habol ko sayo.'

Napasigaw ako at malakas na sinuntok ang punching bag. Paulit-ulit na naririnig ko ang mga sinabi ni Brie, paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko, gusto kong magwala pero nakakahiya naman dahil hindi ko pamamahay ito, mabuti nalang at wala sila. Gusto kung ilabas ang galit ko pero di ko magawa.

"Cyrus! Hi Cyrus."

Tiningnan ko ang babaeng tumatawag sa akin, binuksan nito ang kahoy na gate at nakangiting lumapit sa akin. Familiar ito pero nakalimutan ko na ang pangalan.

"Hindi mo ba ako naaalala?" Tanong niya. "Ako ito si Isla, nagkita tayo sa palengke." Anito.

"Ah, yeah."

"Mag-isa mo lang ba? Wala si Aria?" Tanong nito.

"May pinuntahan lang saglit, may sasabihin ka ba sa kanya?" Tanong ko. Napatingin ako sa kamay niyang humawak sa kamay ko.

"Wala naman, sa totoo lang ikaw talaga ang pakay ko eh. Gusto sana kitang imbitahan, may salo-salo kasi sa bahay, gusto ko sanang pumunta ka kung okay lang."

"Isla anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Aria na kararating lang.

"May salo-salo kasi sa amin mamaya, kung gusto niyo ay pumunta kayo, 6pm. Pumunta na kayo Aria, isama mo itong si Cyrus para makapasyal naman siya sa bahay." Anito na hawak-hawak pa rin ang kamay ko, babawiin ko na sana ang kamay ko pero mahigpit na hinawakan niya iyon, ano bang problema nito at nakahawak siya.

"Ah sige pupunta kami, iyon lang ba ang sasabihin mo?" Tanong ni Aria na lumapit sa akin at siya na mismo ang nag-alis ng pagkakahawak ni Isla sa akin, mukang nairita naman si Isla sa ginawa ni Aria.

"Sige aalis na ako, aasahan ko kayo. Lalo ka na Cyrus." Sabi nito sa akin at umalis na.

"Halatang type ka nun, siguradong target ka niyan. Alam mo ba halos lahat ng nilandi niyang lalaki ay naging boyfriend niya, kaya mag-iingat ka, isusunod ka na." Banta nito.

Natawa ako sa sinabi niya. "Hindi madaling magamot ang sugat ng puso ko, malabong magmamahal ulit ako." Ani ko.

Napatingin ito sa akin, tahimik na nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"May problema ba?" Tanong ko.

"Nasaktan ka talaga sa ginawa ng girlfriend mo ano, kung sabagay sino ba namang hindi masasaktan. Sobra ang ginawa sayo, pero wag mong isara ng tuluyan yang puso mo, sige ka hindi ka makakapag-asawa."

"Mas maganda ng hindi makapag-asawa kaysa lokohin ka lang ulit." Umupo ako at huminga ng malalim.

"Alam mo hintayin mo nalang ako at magluluto ako ng meryenda natin. Hindi mo pa natitikman ang babana cue at lumpiang gulay ano?"

"I already tried to lumpiang gulay, hindi na ulit ako umulit na kumain dahil sa may buhok ang kinain ko, dalawang beses na."

Tinapik nito ang balikat ko. "Wag kang mag-alala, dahil yung lumpiang gagawin ko ay malinis, malinis akong gumawa eh." Anito at pumasok na, sumunod naman ako sa loob.

"Kailangan mo ng tulong?" Tanong ko.

"Wag na, yakang-yaka ko ito. Maupo ka nalang at at manuod kung paano gawin at paano lutuin."

Umupo naman ako at pinanuod siya, isa-isa niyang itinuturo sa akin kung anong gagawin. Mabilis siyang gumalaw, sanay na talaga ito sa pagluluto, hindi lang sa pagluluto sa ibang gawain pa sa bahay, ito nga siguro talaga ang kinalakihan niya hindi tulad sa akin na nasanay na may katulong. Nakikita ko na talaga ang kaibahan ng ibang mayayaman sa mga mahihirap.

His Name is CYRUSWhere stories live. Discover now