Capitulo 27

105 7 0
                                    


Cyrus Pov

"I already called the police." Salubong ni Ice sa amin ni Newt. "And I already checked the list of the guest, hindi mismo pangalan niya ang inilagay niya, at noong isang araw lang sila dumating." Sabi nito. "Sinabihan ko na ang mga securities, they're ready. And yung mga guests sinabihan na namin na wag na munang lalabas ng kwarto nila."

"That's good. Si Paolo?"

"I'm here."

Nilingon ko si Paolo na nakahiga sa sofa dito sa lobby, hindi ko siya napansin. May tama pa ito, hindi nalang sana siya lumabas.

We hear the sirens. The cops is already here, pero bago pa man sila makapasok ay nakita namin si Harold at dalawang kasama nito na tumatakbo.

"Harold!" Sigaw ko, lalapitan ko na sana soya pero pinigilan ako ng mga kasama ko dahil naglabas ito ng baril, itin*tok ang baril sa isang lalaki na naka helmet sa di kalayuan.

Sandali..... Bakit siya nandito?

"Who's that?"

"Rider." Sambit ko.

"Rider who?"

Nagulat na kami ng magpalitan na ang mga ito ng bala. Mag-isa lang ni Rider, he needs help.

"We need to do something." I said.

"No! The cops is already here, hayaan na natin sila."

Nakapasok na nga ang mga pulis at pinalibutan na si Harold at dalawang kasama nito na parehong may tama ng bala, natamaan sila ni Rider.

"Hinding-hindi niyo ako mahuhuli! Maglamatayan muna bago niyo ako makuha!" Sigaw nito at tumawa ng malakas at sunod-sunod na ipinutok ang baril sa mga pulis at ginamit pang panangga ang isa sa kasama niya.

"Hindi siya pwedeng makatakas! Anong ginagawa nila? Sa dami nila hindi nila kaya si Harold?" Inis na sinabi ko, hinanap ng mga mata ko si Rider. Wala na siya, saan na nagpunta iyon?

"Kailangan na nating pumasok Cyrus, halika na." Hinila ako ni Newt, nagpumiglas ako pero pinagtulungan ako ng tatlo.

"Cyrus stop! Hayaan mo ang mga pulis na huliin siya. Trust the cops Cy, kaysa naman sumugod ka. Paano nalang kung may mangyari sayo?! Isipin mo naman kaligtasan mo."

"Pero hindi siya pwedeng makatakas!"

"Cyrus!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Aria bakit ka lumabas? Bumalik ka na sa—."

Sinugod niya ako ng yakap. "Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan? Wala bang nasaktan sa inyo?" Nag-aalalang tanong nito.

Hinawakan ko siya sa balikat at pinakalma. "I'm okay, walang nasaktan. But I need to go out, baka makatakas si Harold. Kailangan na siyang makulong."

"Hindi...hindi ka lalabas, delikado Cyrus. May mga pulis na hindi ba? Hayaan nalang natin sila."

"Pero Aria..."

"Kung lalabas ka hindi natin matitiyak na makakabalik ka pa dito. Hindi natin alam ang mangyayari sayo." Sabi nito at napaiyak na siya. "Cyrus please."

I hugged her. "Okay, okay. Hindi na ako lalabas, I'll stay here."

"Cyrus."

Lahat kami ay napatingin kay Kuya Kendrick, kasama si Oliver. Kanina pa ba sila nandito? At bakit sila nandito? Alam ba nila na dito mahahanap si Harold?

"Let's talk." Sabi nito sa akin. Iniwan ko na muna ang mga kasama ko at sumunod sa kapatid ko at kay Oliver.

Wala na kaming narinig na putukan. Malakas ang kutob kong nakatakas si Harold.

His Name is CYRUSTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang