Capitulo 20

96 8 0
                                    


Cyrus Pov

"What did you say?"

Inilapag ko ang ballpen at sumandal sa kinauupuan ko. Tumingin ako kay Brie.

"Kailangan ko bang ulitin?" Tanong ko sa kanya.

"You want me to work sa kompanya ni Oliver Ching?"

"Aha."

"Are you joking Cyrus?"

"Tumatawa ba ako? Hindi naman di ba? So I'm not joking."

"Sa tingin mo ay makakapasok agad ako doon?"

"Akong bahala Brie o mas magandang magmakaawa ka kay Harold, para siya ang magpasol sayo doon. Oh no, ako na pala. Hindi pala sila close na magpinsan."

Padabog na umupo ito.

"Ano bang iuutos mo kaya mo ako pinapatrabaho doon? And oh my gosh , hindi ako sanay sa pagtatrabaho alam mo iyan."

"Because you're a brat, sinanay ka ni Gregory, okay ng hindi ka magtrabaho may pera kang mahahawakan."

Umirap ito dahil sa sinabi ko.

"Hindi basta-bastang nakakakuha ng pera Brie, you need to work bard para kumita. Hindi yung sitting pretty ka lang dyan, maluho o ano."

"Fine! Ano bang ipapagawa mo kung sakaling nakapasok na ako doon?"

Sinabi ko naman na sa kanya lahat ng gagawin niya. Gagamitin ko siya, magiging spy ko siya. Alam kong magagalit si Kuya Kendrick sa gagawin ko. Kaibigan siya ni Oliver Ching.

"My gosh Cyrus."

"Ayaw mo ba? Sayang malaki pa naman ang ibabayad ko say—."

"Off course gagawin ko ang sasabihin mo." Nakangiting putol nito sa sinasabi ko.

"By the way, wala bang nababanggit si Harold?"

"Na ano?"

"About your boyfriend."

"Wala...ilang beses niyang sinasabi na hindi niya alam kung nasaan siya, kahit ang totoo niyan ay itinatago niya."

"Okay, you can leave now Brie."

Tumayo naman na ito, bago humakbang ay nilingon ako. "Are you still angry at me Cyrus?"

"No."

"You're not angry but you can't forgive me? Am I right?"

Huminga ako ng malalim.

"I'm sorry pero hindi ako basta-bastang nagpapatawad ng isang tao lalo na kung may malaking kasalanan." I told her. Totoo iyang sinasabi ko. Hindi ako madaling magpatawad.

Tumango lang naman ito at lumabas ng opisina.

Nagbuntong hininga ako. Kailangan kong bisitahin sina Aria at ang nanay niya. Dalawang araw na simula ng makabalik kami dito eh hindi ko pa sila nakakausap.

"Magandang hapon po Aling Ana." Bati ko sa ginang na naabutan kong nagwawalis sa bakuran.

"Magandang hapon iho. Napadaan ka?"

"Gusto ko lang po kayo kumustahin." Saad ko.

"Halika at pumasok ka na muna." Anyaya nito kaya pumasok naman na ako.

"Wala pa si Aria, nasa paaralan pa lang. Siya ba ang pakay mo?"

"Opo, kayo din po. Gusto kong malaman na maayos lang kayo dito."

"Maayos naman kami kahit papaano. Maraming salamat sa mga ipinadala mong pagkain. Punong-puno ang ref ngayon." Nakangiting sinabi ng ginang. "Siya nga pala baka gusto mong magmeryenda, bibili lang ako." Anito.

His Name is CYRUSजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें