Capitulo 5

101 9 0
                                    


Third Person's Pov

Napapreno ng wala sa oras si Gregory.

"Sh*t!"

"What the hell!" Sigaw naman ni Brie, mabuti nalang naka seatbelt ito kaya hindi siya tumama sa harapan.

"Hindi ka ba marunong magmaneho?! Sigaw ni Gregory sa naka motor na bigla nalang sumulpot sa harapan nila at muntikan nilang mabangga. Hiniram niya lang ang sasakyan sa pinsan niya na nakatira dito sa Biliran, hindi pwedeng magasgasan o masira iyon lalo na at kabibili lang.

"Is he insane?" Bulalas ni Brie.

Lumabas si Gregory para harapin ang driver ng motor. Namangha siya dahil maganda ang motor, ito yung motor na pangarap niyang makuha pero dahil nga sa mahal ay malabong mapasakanya.

"Gregory baby, hayaan mo na lang siya." Tawag ni Brie dito. "Pumasok ka na at umalis na tayo."

"Sandali lang! Boss ano bang problema mo at basta-basta ka nalang sumusulpot? Alam mo bang delikado ginagawa mo? Balak mo bang sirain yang motor mo, kung ayaw mo yang motor mo at balak mong magpakamatay ay ibigay mo nalang iyan sa akin at tumalon ka nalang sa bangin."

Hindi inaalis ng lalaki ang helmet niya, kaya hindi makita ni Gregory ang mukha nito, kung sino ang driver na ito.

Napaatras si Gregory ng bumaba ang lalaki, inayos nito ang gloves na suot. Humakbang ito palapit sa kanya kaya muli siyang napaatras hanggang sa tumama na siya sa saksakyan kaya wala na siyang aatrasan.

"A-anong k-kailangan mo? S-sino ka?"

"Oh my gosh!" Bulalas ni Bries sa loob, kinakabahan siya, parang may masamang binabalak ang lalaki, wala siyang magawa.

Napaubo si Gregory dahil sa malakas na pagsuntok ng lalaki sa tyan niya.

"Hey you! How dare you to punch him? Sino ka ba huh?" Sigaw na ni Brie, kahit kinakabahan ay bumaba lumabas siya para puntahan si Gregory.

"If it's proven that you're guilty, hindi lang iyan ang aabutin mo." Ani ng lalaki sa kanila. Tumayo ang balahibo ni Brie ng marinig ang boses na ito.

"Who are you?" Lakas loob na tanong niya.

Sumakay na ang lalaki sa motor niya. "Rider, never forget that name, I'll see you again." Anito at sumaludo pa bago pinatakbo ang motor.

_____

Aria's Pov

"Halika na." Hinila ko so Cyrus para makisali sa sayawan, nagsimula na kasi eh na-late kami.

"Sigurado ka bang ayos na yang paa mo?" tanong nito.

"Oo okay na okay na ano. Nandun sina Polo, halika." Sabi ko at nilapitan namin si Polo kasama ang mga kaibigan niya, pinapanuod nila ang mga mag-aasawang nagsasayawan.

Tiningnan ako ni Polo mula ulo hanggang paa. "Wow ang ganda naman ng suot mo, bagay na bagay sayo." Sabi nito.

Ngumiti ako at tiningnan si Cyrus na nanunuod na ngayon. Nagpapasamamat ako sakanya dahil siya ang nagbigay ng dress na ito. Hindi ko nga alam kung saan niya nakuha ang ipinambili niya, ang sinabi niya lang ay may nagpahiram sa kanya ng pera, hindi niya sinabi kung sino.

"Siguradong mag-eenjoy ka dito bro." Ani Polo dito.

"Sa tingin ko nga." Sagot ni Cyrus.

"May mga pwedeng kainin dito, pakain ni Mayora, kaya kahit anong gusto mong kainin ay pwede mong kainin ng libre." Sabi ko sa kanya.

"Cyrus!"

Ayan na naman po si Isla.

"Naku terno tayo ng damit oh." Natutuwang sinabi niya.

His Name is CYRUSWhere stories live. Discover now