Capitulo 18

86 6 0
                                    


Third Person's Pov

"So anong plano?" Tanong ni Brie kay Harold.

"Plano?"

"Plano mo sa mga La Torre, at teka nga bakit ba galit na galit ka sa kanila? May ginawa ba sila sayo?"

"Wag kang panggap na hindi mo alam."

"Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam, si Gregory lang ang nakakaalam, hindi niya naman sinasabi sa akin. Is it about business? Is it about money? Dahil mas nakakangat sila kaysa sainyo?"

Hindi sumagot si Harold.

"I knew it! It's about power. Hindi niyo kasi sila maabot, dahil napakataas nila kaysa sainyo. Inggit kayo sa kanila."

"Shut up."

"Hindi ba totoo? Kaibigan nila ang pamilya niyo hindi ba? Pero bakit niyo sila tinatraydor?"

"Just shut up." Naiinis na sinabi ni Harold dito.

"Pero bakit ikaw ang nagpaplano kung anong gagawin sa mga La Torre? Bakit hindi ang lolo mo, wait...alam ba ni Mr. Ching ang ginagawa mo?"

"Kung hindi ka ba tumigil ay ipapasubo ko itong sigarilyo sa bunganga mo." Sabi ni Harold.

Tumahimik naman na si Brie.

Tumayo si Harold at tumingin sa labas.

"I'm doing this for my mother."

"Your mother?"

"Yeah."

"Why?"

"Wala." Maikling sagot ni Harold. Hinarap niya si Brie. "May ipapagawa ako sayo."

Ngumiti si Brie. "Finally, nabo-bored na ako eh, gusto kong may ginagawa ako. Ano ba iyon?"

"Seduce Cyrus."

"Cyrus? Teka nga...ngayon ko lang napansin. Bakit nga pala si Cyrus ang lagi mong pinupuntirya? Baka nakakalimutan mo may iba pang La Torre."

"Masyado na siyang pabida, masyado na siyang pakialamero, at ang ayoko ay ang galing niyang mang-agaw."

"Mang-agaw?"

"Arianna."

"Who is Arianna?"

"My girlfriend."

"Oh tapos?"

"I think Cyrus like her, "

"What?" Taas kilay na tanong ni Brie.

"Kaya gumawa ka na ng paraan para mapunta ulit ang atensyon ni Cyrus sayo, para lumayo na siya sa girlfriend ko."

Sumandal si Brie sa kinauupuan niya.

"This is not about the power anymore, it's about a girl."

"Tsaka na ang mga plano ko sa pamilya nila. Ang importante ay mailayo mo si Cyrus sa girlfriend ko, gawin mo lahat para mawala na siya paningin namin."

"Anong kapalit kapag nagawa ko ang gusto mo."

"Money at makikita mo si Gregory."

____

Napangiti si Cyrus dahil sa narinig, narinig niya lahat ang mga sinabi ni Harold. May listening device kasi siyang ibinigay kay Brie para marinig niya lahat ng pag-uusapan nila ni Harold.

Gusto ni Harold na lumayo siya kay Aria? Seriously? Natatakot ba siyang maagaw niya ang girlfriend nito? At anong ibig niyang sabihin na ginagawa niya lang ang lahat para sa ina niya? May nagawa ba ang pamilya niya sa mommy ni Harold?

His Name is CYRUSWhere stories live. Discover now