Capitulo 13

82 7 0
                                    


Aria's Pov

Ilang araw ng hindi ko nakakausap at nakikita si Cyrus, pero nagtataka na rin kasi ako tuwing pumupunta ako sa kompanya nila ay hindi nila ako hinaharap, lagi siyang may meeting, lagi siyang umaalis, kahit nasa opisina siya ay sinasabihan niya ang secretary niya na hindi siya makalabas dahil madami siyang ginagawa. Maging sina Kuya Ken ay hindi ko na nakita at nakausap, si Maxene ay minsan ko lang makausap dahil may pinagkaka-abalahan naman ito. Siguro nga busy lang talaga sila, dahil balita ko ipinakulong na ni Cyrus sina Gregory at Brie, baka busy ito sa kaso, kaya pala hindi ko na nakikita si Gregory dahil nasa kulungan na.

Nakuha ng atensyon ko ang pagtunog ng cellphone ko. May tumatawag at new number iyon.

"Hello?"

"Hi is this Miss Castillo?" Tanong ng nasa kabilang linya, babae iyon.

"Ako nga, sino po sila?"

"Hi this is Tori, Sir Cyrus's secretary."

Napaayos ako ng pagkakaupo.

"Ah yes po? May problema po ba?"

"Wala namang problema pero pinapaalala ni Sir Cyrus ang tungkol sa pag-aaral niyo, sa susunod na linggo na po iyon di po ba?"

"Oo—."

"Kung may kailangan ka daw ay sabihin niyo lang sa akin. Kung may mga kailangan kayong gamitin para sa pag-aaral niyo ay kayong mahiyang lumapit sa akin, sabihin mo lang sa akin Miss Castillo para sabihin ko kay Sir."

"Bakit hindi siya ang kumausap sa akin?"

"I don't know, pero madami lang po siyang ginagawa. Super busy kasi ni boss ng ilang araw."

Tumikhim ako. "Sige po, tatawag nalang po ako kung may kailangan ako, paki sabi sa kanya na salamat." Ani ko. Nagpaalam naman na siya.

Pinadalhan ko ng mensahe si Cyrus, sinabi kong ako na ang gagastos sa mga gagamitin ko sa school dahil nakakahiya na talaga sa kanya, at mabuti nalang talaga pumayag si Sir Harold na mag-aral ako at hindi ako alisin sa trabaho, ang importante daw ay hindi ako aalis sa kompanya nila.

Segundo, minuto at oras na ang lumipas pero wala pa ring reply si Cyrus. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi niya sinasagot. Parang masama ang pakiramdam ko, hindi kaya iniiwasan niya ako? Bakit naman kaya? Hindi kaya....wag naman sana.

"Arianna." Tawag ni Sir Harold sa akin.

"Sir—."

"Stop calling me sir, I'm your boyfriend." sabi niya.

"S-sorry h-hindi kasi ako sanay." Mahinang sinabi ko.

"Fix your stuff my pupuntahan tayo."

"Saan po?"

"Basta sumama ka nalang."

Hindi naman na ako nagtanong, inayos ko nalang ang gamit ko at tumayo na para sundan siya. Inakbayan niya ako kaya naman naiilang ako lalo na at pinagtitinginan kami, alam kong alam na nila na may relasyon kami kahit hindi namin sinasabi, sa harap kasi ng lahat ay ang sweet ni Sir Harold, pero kung kami lang ay pananakot lang ginagawa niya sa akin.

Sa kulungan kami pumunta, parang alam ko na kung sinong bibisitahin niya, at di nga ako nagkamali si Gregory. Napangiti ito ng makita niya si Sir Harold.

"Ano ilalabas mo ba ako dito?" Tanong nito sa boss ko.

"Masyado ka naman atang excited."

"May mga hindi pa ako nagawang trabaho, may mga plano pa tayo para sa mga La Torre lalo na kay Cyrus kaya dapat mailabas mo na ako dito."

His Name is CYRUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon