Beginning

217 12 0
                                    


Cyrus Pov

"Hey Mr. Playboy."

I looked at the door, sinundan ko ng tingin ang taong umupo sa sofa.

Tumayo ako at nilapitan siya. "It's an office hours, you know I don't allow a visitor while I'm at work lalo na kapag walang appointment, and stop calling me playboy dahil hindi na ako tulad ng dati." Ani ko.

Umakting na nasaktan si Paolo sa sinabi ko. "Ouch! That hurts my feeling my feat friend. Kung si Brie ang pupunta dito kahit office hours ay ayos lang pero kapag ako na kaibigan mo ay hindi pwede? That's unfair La Torre!"

"Don't shout my surname Alebaro!"

"Why? It's your real surname Cyrus. Hindi pa rin ba pwedeng malaman ng mga staff dito sa kompanya niyo?"

"Kompanya lang ni daddy." Sabi ko.

"By the way, baka gusto mong lumabas tayo. Nagtatawag si Xeno may special announcement daw siya sa atin."

"Pass muna ako. I'm not in the mood right now to drink."

"Come on La Torre, don't tell me magkikita na naman kayo ng girlfriend mo, buong araw na kayong magkasama kahapon ah, hindi ba kayo nagsasawang makita ang isa't-isa?"

"Hinding-hindi ako magsasawa sa kanya."

Umiling si Paolo. "Ano bang ipinakain ng babaeng iyon sa'yo at parang patay na patay ka sa kanya?"

"Don't call her babae, she has a name Paolo."

"Whatever! I'm going, call us kung makakapunta ka. Pag-isipan mo ng husto, wala naman ata kayong lakad eh." Anito at nagpaalam na.

My friends don't like Brie, hindi ko alam kung bakit. Maybe dahil nagbago ako because of Brie. Hindi na kasi ako masyadong nakakasama sa mga lakad namin, laging si Brie na ang kasama ko.

Bumalik ako sa table para pirmahan ang kailangang pirmahan. Tinawagan ko ang sekretarya ko para sabihin na wag magpapapasok hangga't hindi pa ako natatapos sa ginagawa ko.

Bumukas ang pintuan.

"Bakit may pumasok pa, sinabiha-."

"It's me baby."

Nag-angat ako ng tingin. Ang girlfriend ko nandito. Kumekembot pa na lumapit ito sa akin at naupo sa hita ko.

"How are you baby? Sorry hindi ko sinabi sayo na pupunta ako dito. I want to surprise you."

"Well you surprised me, ang akala ko ay may pupuntahan ka with your friends."

"Hindi natuloy eh, you want to eat dinner with me? May alam akong magandang restaurant, masasarap ang mga pagkain doon." She said at hinaplos ang buhok ko.

"Sure pagkatapos ng trabaho ko."

"You can leave naman kahit hindi pa tapos ang trabaho mo hindi ba?"

"No for sure dad papagalitan ako ni daddy."

Agad namang tumayo si Brie ng bumukas ang pintuan. Pinagsabihan ko na ngang wag magpapasok ang secretary ko eh pero may pumapasok pa rin.

"Because she's here kaya hindi pwedeng pumasok ang kung sino ah."

"Hey Neiji." Bati ni Brie dito.

Tinanguan lang naman siya ng pinsan ko.

"Neiji may kailangan ka?"

"When did you hire your secretary? Bakit iba na naman?"

"What's wrong? Hindi ko alam na big deal na sa'yo ang pagpalit ko ng sekretarya?" Tanong ko.

His Name is CYRUSΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα