Capitulo 6

111 10 0
                                    


Aria's Pov

"Oh my favorite song." Ani Cyrus ng marinig niya sa radyo ang kantang paborito niya. Ito din yung kanta sa sayawan, yung oras na niyaya niya akong sumayaw.

Habang naghihiwa ng mga gulay si nanay ay nilapitan siya ni Cyrus.

"Baka pwede kitang isayaw Aling Ana?" Tanong nito.

"Naku iho, hindi ako marunong sumayaw."

"Tuturuan ko kayo." Sabi nito at hinawakan na ang kamay ni nanay, nahihiya pa ang aking ina. Nakangiting pinanuod ko sila, enjoy na enjoy naman silang dalawa, para na talaga silang mag-ina.

"Naku kayo na ni Aria ang sumayaw, mabilis na akong mapagod." Sabi ni nanay.

Nagulat naman ako sa paghila ni Cyrus sa akin. "Hindi kita naisayaw ng matagal sa sayawan eh, kaya babawi ako ngayon." Sabi niya at kumindat pa.

Dahan-dahan lang ang ginawa naming pagsayaw, sinusundan namin ang tugtog.

Malapit na siyang umalis, hindi na namin siya makikita. Makikita pa naman pero siguradong matatagalan, syempre magiging busy siya sigurado pagkabalik niya sa kanila, kung may bakanteng araw lang siguro siya ay doon lang siya makakabalik dito.

____

"You're ready?" Tanong ng kuya ni Cyrus sa kanya. Nakatayo lang ako habang nakatingin sa kanila. Ngayon na kasi ang alis ni Cyrus. Ang bigat ng pakiramdam ko dahil aalis na nga siya.

"Kahit kailan mo gustong pumunta dito ay bukas ang pintuan para sa'yo, para sainyo." Ani tatay.

"Maraming salamat po."

"Thank you again Mang Pido, ayaw niyo po ba talagang tanggapin ang tulong namin sayo?" Tanong ng kuya ni Cyrus.

"Wag na iho, buong puso naming tinanggap si Cyrus dito, kaya ayos lang sa amin na wala kaming tanggapin. Kaya pasensya na kayo kung tinanggihan namin ang tulong niyo."

"Kung ganun po ay babawi po ako sa inyo, hindi man sa ngayon pero sa mga darating na araw." Saad ni Cyrus.

"Mag-iingat ka iho." Ani nanay at niyakap si Cyrus, umiyak si nanay nakita ko ang punas niya sa pisngi niya.

"Mag-iingat din po kayo, mami-miss ko po kayo, mami-miss ko po ang luto niyo." Nakangiting sinabi nito.

"Kailangan na po naming umalis." Ani kuya Kendrick.

Tumingin si Cyrus sa akin. Binuksan niya ang kamay niya. Ngumiti ako at lumapit ako sa kanya para yakapin siya. Mahigpit na niyakap niya ako, pinipigilan ko ang umiyak.

Inihatid namin sila sa labas at may naghihintay na kotse doon.

May iniabot si Cyrus sa akin. "Here's my card, call me anytime, kung may problema tawagan niyo lang ako, wag kayong mahiya." Sabi nito.

Tumango ako.

"Mabuti at naabutan kita." Saad ni Polo na kararating lang, humihingal pa ito."

"Paano ba yan, ikaw na munang bahala sa kanila. Alagaan mo si Aria." Tumingin si Cyrus sa akin, ibig sabihin ang mga ngiti niya, inirapan ko siya dahil alam ko na ang gusto niyang iparating.

Mahinang tumawa siya. "Salamat Polo."

"Salamat din Cyrus, mag-iingat ka."

Muli itong nagpaalam sa amin bago pumasok sa kotse. Kinawayan namin ito ng paandarin na ang sasakyan.

Pinunasan ko ang luha ko dahil tumulo na iyon. "Sana magkita ulit tayo, Cyrus." Bulong ko.

"Cyrus! Cyrus!"

His Name is CYRUSWhere stories live. Discover now