Capitulo 11

92 7 0
                                    


Third Person's Pov

"Anong susunod na gagawin?" Tanong ni Gregory kay Harold.

"Sunod na gagawin? Ang sunod na gagawin mo ay ang mag-isip ka ng plano na hindi ka papalpak!"

"Pasensya na, hindi ko naman alam na hindi pala sasabog ang bomba. Wag kang mag-alala, sinesante ko na ang taong inutusan ko."

"Natatakot ka ba?"

"Huh?"

"Bakit kailangan mong mag-utos ng iba? Bakit hindi ikaw mismo ang gumawa?"

Hindi nakapagsalita si Gregory.

"Wag ka ng mag-utos ng iba, kung talagang matapang ka ay ikaw ang gumalaw. Siguraduhin mong hindi ka na papalpak para hindi naman masayang ang tulong na ibinigay ko sayo."

"Masusunod." Sagot ni Gregory.

_____

Aria's Pov

"Arianna? Huy Arianna."

Napatalon ako sa gulat, napatingin ako sa isang kasamahan ko sa trabaho.

"Alam mo tatlong araw ka ng ganyan, parang ang lalim ng iniisip mo. Ayos ka lang ba?" Tanong nito.

Tumango ako.

"A-ayos lang. Nami-miss ko lang kasi mga magulang ko, ani ko. Sa totoo lang ay iniisip ko ang narinig ko noong nakaraang araw. Ilang araw ng hindi mawala sa isipan ko ang mga narinig ko. "May kailangan ka?" Tanong ko.

"Tawag ka ni Sir Ching."

"Huh?"

"Tinatawag ka ni CEO, gusto ka daw niyang kausapin."

Bakit kaya?

"S-sir gusto niyo daw po akong kausapin?" Tanong ko sa big boss namin pagpasok ko sa opisina niya.

"Have a seat." Utos niya.

"Sa party lang ng mga La Torre kita nakilala, hindi ba iha?"

Tumango ako.

"Nang marinig ko ang family name mo ay iisang tao ang pumasok sa isipan ko. Hindi nga lang kita natanong ng gabing iyon. Ang akala ko ay magkapareho lang kayo ng apelyedo, pero nagkamali ako. Anak ka pala ni Pido."

Naikuyom ko ang kamay ko.

"K-kilala niyo po ang tatay ko?" Tanong ko. Kahit alam ko naman na kilala nga nila.

Tumango si Mr. Ching. "Kilalang-kilala."

"Pa-." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil may kumatok.

"Come in."

Sadyang nagulat ako dahil si Don Ignacio iyon.

"Kumpare." Ani Mr. Ching.

Dumako ang tingin ni Don Ignacio sa akin.

Tumikhim ako. "Magandang araw po." Bati ko sa kanya. "Lalabas na muna po ako." Paalam ko kay kay big boss. Saglit na tiningnan ko si Don Ignacio bago lumabas.

Bumalik ako sa mesa ko na nanlalamig ang kamay ko. Hindi ako makapag-concentrate kailangan ko na munang pumunta ng banyo.

Naghilamos ako at pinagmasdan ang mukha ko sa salamin. Hindi na ulit maalis sa isipan ko ang mga nalaman ko.

Lalabas na sana ako ng banyo ngunit narinig ko ang boses ni Sir Harold, sumilip ako at may kausap siya sa cellphone.

"Ano pang hinihintay mo? Pasabugin mo."

Nanlaki ang mga mata ko. Siguradong si Cyrus ang target. Kailangan ko siyang puntahan. Tatlong araw na hindi ko kasi siya nakita at tatlong araw na hindi ko nakausap dahil nga nagpunta ito ng Hawaii, pero bumalik naman agad ito kasama si Brie, kaya hindi ko na naman nasabi ang lahat.

His Name is CYRUSWhere stories live. Discover now