Capitulo 22

110 11 0
                                    

Capitulo 22

Aria's Pov

Ilang beses akong napapikit. Hindi ko talaga inaasahan na hahalikan ako ni Cyrus.  Hindi ako makahinga ng husto, halo-halo na ang nararamdaman ko.

Bakit niya ako hinalikan?!

Gumalaw ang labi niya kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Dahan-dahan ko nalang ipinikit ang mga mata ko, umangat ang kamay ko at napahawak sa balikat niya.

"Arianna!"

Naitulak ko si Cyrus dahil sa narinig kong may tumawag sa akin. Pareho kaming nagulat ni Cyrus habang nakatingin sa isa't-isa.

"Lo Siento." Sambit niya. Naintindihan ko iyon. Nag-sorry siya. "I didn't mean to—."

"Arianna mag-usa—." Hindi naituloy ni Tori ang sasabihin ng makita kami.

Napatayo ako, huli na para maayos ko ang sarili ko.

Nagtatakang inilipat ni Tori ang tingin sa amin ni Cyrus, ngunit tumayo siya ng tuwid at ngumiti ng tingnan siya ng masama ng boss niya.

"S-sir Cyrus hi, nandito po pala kayo." Bati nito sa kanyang boss.

Tumayo si Cyrus at tumikhim. "Yeah, tutal nandito ka ay samahan mo na muna si Aria. I need to go." Sabi nito.

"Bakit naman sir? Porket dumating ako ay aalis ka na? Nakaistorbo ba ako?" Makahulugang tanong ni Tori.

"What?"

"Nothing sir, sabi ko sige po. Makakaalis ka na."

Nahugot ko ang hininga ko ng maramdaman ko ang matigas na katawan ni Cyrus na tumama sa likod ko.

"Excuse me." Anito.

"Ahh! Sorry." Nahihiyang sinabi ko, nakaharang pala ako kaya hindi siya makadaan. Lumapit ako kay Tori at tumayo sa tabi niya.

Tumingin si Cyrus sa akin ngunit yumuko ako. Hindi ko siya matingnan, sobrang nahihiya ako. Pero bakit ako ang mahihiya? Dapat soya di ba dahil siya ang humalik sa akin.

"Pumasok ka ng maaga bukas Tori." Anito at naglakad na papunta sa kotse niya, doon ko lang naman siya tinapunan ng tingin.

_____

Third Person's Pov

"What happened to your face?" Tanong ni Brie kay Harold ng puntahan niya ito sa condo niya.

"Your f**king ex boyfriend did this to me!" Galit na sinabi niya.

"What happened?"

"Sinugod niya ako, I think he's in love with my girlfriend, f**k that s**t!"

"Nag-aagawan kayo sa iisang babae?"

"Inaagaw niya ang babae ko."

"Babae mo na hindi naman in love sayo." Pairap na sinabi ni Brie dito.

Tumayo si Harold at iniangat ang kamay para sana sampalin ito.

"Come on Harold, sasaktan mo ako dahil sa sinabi ko? Bakit hindi ba totoo? Pinilit mo lang naman siya para maging girlfriend mo hindi ba? Baka nga kay Cyrus na siya in love eh. At wag ka ngang pikon."

Naikuyom ni Harold ang kamay niya at bumalik nalang sa pagkakaupo.

"Nahanap na ba si Gregory?" Tanong ni Brie.

"Isa pa yan sa problema ko! Subukan lang ni Gregory na takbuhan ako, makikita niya ang hinahanap niya."

"Bakit kasi hinayaan mo siyang lumabas? Bakit hindi nalang ikaw ang Pumunta sa tinitirhan niya. Baka kung napano na iyon, baka may taong tumira na sa kanya."

His Name is CYRUSWhere stories live. Discover now