Capitulo 12

78 7 0
                                    


Cyrus Pov

"Is this new? Much bigger than the old one!" Hindi makapaniwalang sinabi ni Brie habang nakatingin sa bagong yacht ko. "Pwede na ba akong sumakay?" She asked.

Tumango lang naman ako. Hinayaan ko siyang maunang sumakay doon. Pasimpleng tiningnan ko ang tauhan ko sa di kalayuan. Lumipat ang paningin ko sa sasakyan na kanina pa nakaparada sa di rin kalayuan.

Napangiti ako. Alam ko na kung sino iyon. Sumunod na ako kay Brie, kagaya ng dati ay parang bata na naman siya na nagsisigaw doon, nagtatatalon. Natigilan lang siya ng paandarin ko iyon.

"I-is it safe sa gabi?" Nauutal na tanong niya.

"Are you scared? Dati ay gabi din naman tayo hindi ba? Matakot ka kung may mangyayari na namang hindi maganda." Seryoso sinabi ko. Mukang nagulat siya sa sinabi ko, ibinalik nalang niya ang atensyon sa tubig.

Sa ilang araw na nakabalik siya dito ay nakita ko lahat ng mga ginagawa nila ni Gregory, nalaman ko lahat ang mga plano nila, sa ilang araw ay nakaganti naman ako pero hindi sapat iyon, nakukulangan ako.

Napag-isipan ko na mas magandang ipakulong na nga sila pero gagawin ko na muna ngayon ang gusto kong gawin, hindi ko naman gustong mamatay sila, gusto ko lang muna silang takutin bago makulong.

Lumapit ako kay Brie, hindi niya naman napansin ang presensya ko. Itinulak ko siya, dahil malakas ang pagkakatulak ko ay nahulog siya, agad ko namang hinawakan ang isang kamay niya.

"Cyrus!" Hindi makapaniwalang sigaw niya. Ang isang kamay niya ay kumapit na sa kamay ko. Magaan lang naman siya kaya hindi ako nahihirapan.

"I'm sorry, gugulatin lang sana kita."

"Then what are you doin?! Hilain mo na ako!", She shouted, tumingin siya sa tubig, she's scared dahil hindi siya marunong lumangoy.

Niluwagan ko ang pagkakahawak sa kanya kaya napatili siya at napahigpit ang pagkakahawak sa kamay ko. Tipid na ngumiti ako at hinila na siya. Mabilis ang ginawa niyang paghinga, napaupo siya na parang pagod na pagod.

"Anong pakiramdam?" I asked.

She looked at me, nagtataka. "What do you mean?"

"Anong pakiramdam na muntikan ka ng mahulog, lalo na at hindi ka naman marunong lumangoy?"

Her gaze is full of emotion. "Sinadya mo bang gawin iyon?"

I did not answer. Seryosong nakatitig lang naman ako sa kanya. Naglakad-lakad ako sa harapan niya. Huminto ako at hinarap na siya.

"What do you think?" Nakangiting tanong ko.

She smiled tumayo siya at ikinawit ang kamay sa leeg ko. "Alam kong hindi mo sinadya. Napalakas lang siguro pagkakatulak mo, you can't do that to me, you love me." She was about to kiss me pero umiwas ako.

I gave her a serious look. "What if I meant that?"

Her smile faded to a more serious expression. "Sinadya mo nga?"

Huminga ako ng malalim at inalis ang kamay niya. "Look." Utos ko at itinuro kung saan kami galing. "That car, is Gregory's car, am I right? And he is inside."

She froze.

"Oh my gosh! No!" Sigaw niya dahil sumabog ang sasakyan na iyon, kulang nalang ay tumalon si Brie at lumangoy pabalik doon. "Oh my gosh Gregory?" Hindi na niya alam ang gagawin niya.

Tahimik lang naman ako na nakatingin sa umaapoy na sasakyan.

Sinugod ako ni Brie, pinagsusuntok ang dibdib ko. ",What did you do? Anong ginawa mo?!"

His Name is CYRUSWhere stories live. Discover now